Prologe

0 0 0
                                    

Kathleen

Kumurap kurap ang kanyang mata,hindi mabistahan ang paligid dahil sa matinding pagkahilo.Kumilos ng bahagya pero napatigil din sa sakit ng katawan.

Ilang araw na ba siyang naroon?hindi na niya matandaan basta ang alam niya dinukot siya ng dalawang taong nakatakip ang mukha,naglalakad siya sa may kanto ng Brentville sa Laguna ang prestigious village sa pilipinas doon siya nakatira,madaling araw iyon sa kanyang pagkakatanda nag jo-jogging.

Hindi niya mapaniwalaan na may kidnapping na magaganap.Maraming cctv sa paligid ng Village at may nanroronda ding mga guard,paano nakalusot ang mga kidnappers niya?duda talaga siya at baka may mataas na katungkulan ito--ang nagpadukot sa kanya.

Walang kama doon sa kwartong pinagdalhan sa kanya malinis pero walang ka gami gamit maliban sa aircon iyon at may kutson lang na nasa lapag habang may dalawang unan bukod doon wala ka ng makikitang gamit,wala ding bintana kaya malabo siyang makatakas.

Amoy pawis at dugo na siya sa ilang araw na pananatili doon ay hindi pa siya nakakaligo,bihira ding may pumunta doon para hatiran siya ng pagkain,kaya nalilipasan na siya ng gutom,pero kahit ganoon ay pinilit niyang magpakatatag,wala mang pakialam sa kanya ang daddy niya ay may yaya Faye naman na nagmamahal at nag aalala sa kanya kaya pilit niyang nilalabanan ang hirap at pagod,manatiling buhay lang.

Bumukasa ang pintuan at iniluwa niyon ang lalaking patpatin ang madalas na magbigay sa kanya ng pagkain,kumpara sa isang lalaki n amay pilat sa mukha at maskulado ay mas mabait ito dahil hindi siya nito sinasakyan kapag pinipilit pakainin,hinahayaan lang siya nitong naka tanggal sa pagkakatali niya pero alerto ang kilos,nagmamatyag at nananantiya sa kanya.

"Kumain kana Miss"casual na sbi nito sabay lapag ng pagkain sa tray,tanghali na ng oras na iyon dahil pang heavy meal na ang dala nito.

"Ptttt"sigaw niya habang nakabusal ang bibig,naintindihan nito ang kanyang sinabi kaya mabilis na tinanggal ang busal sa kanyang bibig.

"Mister,parang awa muna pakawalan mo ako dito,magbabayad ako ng kahit magkano,p-pangako hindi ako magsusumbong sa mga pulis,palayain mulang ako"makaawa niya habang may luha na naglalandas sa pisngi.

Tumingin lang ito sa kanya habang malungkot ang anyo.

"Sorry Miss pero hindi ako ang magpapasya niyan kundi ang boss ko".

"S-sino ba ang Boss mo?babayaran ko siya!"sigaw niya dito sa frustrations

Umiling ito"Kumain ka nalang"saka ito aktong tatayo pero pinigil niya sa pagsigaw.

"Sandali!"

Lumingon ito."Wala akong maalalang nakasamaan ko ng loob pakiusap ,palayain muna ako!"humagolgol ng iyak sa harap nito,nagbaling ito ng tingin sa ibang direksyon.Umiiwas na mapatingin sa kanya.

Doon ramdam niya na hindi talaga ito masamang tao,sumusunod lang ito sa utos.Naisip niya na bigyan ito ng offer na hindi nito matatanggihan.

"Kung palalayain mo ako bibigyan kita ng Isang Milyon"seryosong tumingala dito.

Bigla ang paglaki ng mata nito sa halagang kanyang binanggit,tila napakunot pa ng noo at nag-iisip.

"Narinig ko mula sa kasamahan mo kanina na nangangailangan ka ng pera pang pagamot sa kapatid mong may cancer?"tukoy sa sinabi nito sa kasamahan.

"Tumigil kana Miss hindi mo ako mauuto sa mga sinasabi mo"pigil nito sa kanya.

"Bakit ka tumatanggi?gusto mo bang mamatay ang kapatid mo?baka nga ano mang oras o araw ay manganib siya,saan ka kukuha ng pera pang therapy niya?"kumbinsi dito

Resembling A Beast(Kidnapper's  Series) Leo FlorenteinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon