Chapter 02

9 1 0
                                    


Alam ko'ng may pangako ako kay Pancho na hindi ako susuko para maihanap siya ng bagong pamilya o tahanan, pero dalawang araw nalang bago ang sinabing deadline ay wala pa rin akong nakukuha'ng potential adopters!




Ilang luha na ang nai-iyak ko at masakit na masakit na ang mga mata ko. Napaaway pa nga ako sa QPav kahapon kasi hinihikayat ko mag-adopt o mag-donate mga ka-schoolmates ko sa shelter, kaso napaka-ku-kuripot! May mga pera pang-club pero wala kahit limampiso pang-donate!






Kaya h'eto ako ngayon, muntik na ma-guidance at lahat pero wala pa ri'ng solusyon sa problema.
Gusto ko'ng ngumawa nang ngumawa pero pinagsaraduhan na ako ng opisina ni Ate Cecille, narindi na yata sakin.
Kaya I resulted to just laying on the shelter's floor with Pancho na walang muwang sa kinabukasan niya, labas pa ang dila habang nakahiga sa tabi ko.






My phone chimed kaya naalis kay Pancho ang tingin ko. I received a text from Ravi.





From: Ravicky bello
Saan ka?

To: Ravicky bello
Shelter

From: Ravicky bello
At 8 AM??????

To: Ravicky bello
Maya pa naman klase

From: Ravicky bello
Stay there, I'll bring you breakfast. For sure nag-skip ka na naman!






Wala naman talaga ako'ng balak umalis dito sa sahig ng shelter. This is my way of protesting. At mukhang tumalab dahil pagka-off ko ng phone ay bumukas yung pinto ng office ni Ate Cecille. Nagulat pa si Pancho kaya agad napatayo.
Lol, ang nerbyoso naman ng bebe ko!





"June, utang na loob tumayo ka diyan! Ano ka ba! Ang laki mo'ng sagabal diyan! Nakakahiya sa potential adopters natin!" Sinubukan akong hilahin ni Ate Cecille pero daig ko pa ang slime sa tamlay. Kahit yung mga pusa namin dito ay mahihiya sa flexibility ko ngayon eh.




Nahiwalay lang ako ni Ate Cecille sa sahig nung dumating si Ravi. Kaya kahit labag sa loob ko, wala akong nagawa kundi ang sumama sa kaibigan ko para kumain. May malapit na chowking sa shelter kaya doon kami nag-almusal.






"Rav, wala ka ba talagang kilala na willing mag-adopt? Kahit hindi na mag-adopt, kahit magpapatira nalang kay Pancho tas sagot ko na lahat ng gastusin, pagpapakain, paglalakad, at pagpapaligo!"








Ravi gave me the same apologetic look. Ilang araw ko na rin kinukulit ang mga kakilala ko lalo na yung tatlo kong kaibigan, pero pare-pareho lang kami ng sitwasyon kaya gustuhin man nila ay hindi nila magawa.
Nakakahiya na rin dahil they've donated na kung ano yung pera na meron sila makatulong lang.






Malungkot akong napatango at bumaba ang tingin sa pagkain na hindi ko ginagalaw.
I felt Ravi holding my hand kaya bumalik sa kaniya ang atensyon ko.





"Hey, cheer up, may two days pa naman. We won't stop looking, okay?" He smiled, "For now, eat. Paano mo ihahanap ng bahay si Pancho kung wala ka'ng lakas para maghanap?"






Ravi's right. I can't just mope around and give up.
Kaya kahit tinambakan na naman kami ng plates at school works ay nagawa ko pa'ng kumausap ng mga potential adopters. Pero yung iba sa kanila ay umuurong pag nalalaman na Aspin ang karamihan sa shelter namin, nakakasama tuloy ng loob.
Self-proclaimed na mga 'dog or cat lovers' pero ayaw pag Aspin? Ang panget naman mga ka-bonding!





A Place to Stay (Arki Series #1)Where stories live. Discover now