24 二十四

209 22 0
                                    

Unedited. Grammatical and typographical errors ahead.



Kat



It's our third day here in Pangasinan, yung second day namin ay nag island hopping, paragliding and ATV kami, tapos swimming and siyempre hindi mawawala ang food trip.

Ngayong third day ay maaga kami umalis sa hotel para mag explore lang ng mga places na malapit dito at para na rin puntahan na ang taong pinapahanap ng kanyang ama.

"As much as I want to stay here for a long time, hindi talaga puwede. May work ako."

"Hindi ka ba talaga puwede mag absent, Professor? Itodo na na'tin na one week vacation 'to."

"Hindi ako student na kagaya mo na may summer vacation at puwede nalang umabsent ng basta-basta. Magbakasyon nalang ulit tayo sa susunod, magpa-file ako ng mahabang leave." Nakita ko lang na nag pout siya sa sinagot ko.

"Ano ba yan, sige na nga. I don't have a choice din naman. Ay, by the way, aalis pala ako, Professor. Need ko bumalik sa Japan para sa ilang events and other stuff." Oo nga pala, madalas kong makalimutan na may career na rin pala itong babaeng 'to. "I'll return naman din kaagad after matapos ng mga gagawin ko doon."

"Okay, basta mag iingat ka."

"Update kita."

"Kahit hindi na."

"Eh gusto ko e-update ka."

"Bakit?"

"Para hindi mo ako masiyado na miss." Pa fall, paasa, ano pa ba? Puros banat. Hala sige lang. Tama pa ba 'tong desisyon ko? Sige, I'll gaslight myself. Yes, tama 'to. Ginusto mo 'to, Katrina. "I think we're here."

May iilang bahay kaming nakita, at mayroon ding malaking palayan. "Sure ba? Dito na?"

"Ito yung nasa address, and dito rin naman tayo itinuro ni waze." Pinark ni L yung sasakyan sa malapit at nagpasya nalang kami na maglakad sa looban para ipagtanong kung nasaan na ba ang taong hinahanap namin.

"Lucy." Tawag ko sa kanya at hinawakan sa braso para pigilan sa paglalakad. Nagtaka naman itong tumingin sa akin.

"Bakit?"

"Paano kung wala pa rin siya diyan?"

"Hmm..Edi wala. Right now, I just want to know if she's alive or not. I need something to report to my father. Para matapos na din ito." Kapansin pansin naman din na napapagod na rin siya kakahanap sa isang tao na hindi nagpapakita. Sa ilang lugar na kasi na napuntahan namin, lagi nalang wala ang taong pakay namin.

Sana naman ay may makuha kaming maayos na impormasyon ngayon. Naglakad kami at nagtanong-tanong sa mga magsasakang nakasalubong namin, sa kabutihang palad ay naituro nila ang eksaktong bahay ng hinahanap namin.

"Ito na yun." Sabi ko at si L naman ay tumango sa akin. "Tao po." Ilang minuto ako nagtatawag pero walang sumagot at nagpapakita sa amin.

"Wala naman yatang tao dito."

"Ayun oh, Professor." Turo niya at nakita ko si Nanay na lumabas na may hawak na walis tingting.

"Magandang tanghali po." Magalang na pagbati ko at ni L kay nanay.

"Ay, pasensya na kayo mga hija, nagwawalis kasi ako sa likuran. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?"

"May kilala po ba kayong Beth—" Tumingin ako kay L kasi hindi ko pala alam ang surname ng babaeng hinahanap namin.

"Pineda. Beth Pineda." Pagbanggit ni L

"Anong kailangan ninyo kay Beth?" Tanong ni nanay, hindi ko naman masasagot kasi hindi ko rin alam ang isasagot. Kahit pa naman alam ko ang tunay na rason, hindi naman maganda sabihin iyon kay nanay. Tumingin lang ako kay L para siya na ang sumagot.

Meet LucyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon