Chapter 5

293 12 2
                                    

"Ms kelsey okay lang po ba kayo?"

Napatingin ako kay teli, maliit ko siyang nginitian bago tumango. Nasa condo ako ngayon isang linggo na ako hindi makalabas dahil hanggang ngayon ako padin ang laman ng mga social media ma'pa Instagram, Twitter, Facebook, TikTok. Mukha ko ang nakikita tumawag din ang manager ko na cancel raw lahat ng photoshoots ko at iba pang mga commercial shoot. At dahil sa nangyare na 'yon nakalkal din ang personal background ko, lumabas din ang tungkol kay papa, ang hindi lang lumabas ay ang tungkol kay mama. 

Inaasahan ko naman to noon pa pero hindi ko alam na ganitong kabilis ang paghila ko pababa, na para bang sa isang iglap nahila ako pababa. 

Gabi na nakatayo ako ngayon sa balcony habang nakatingin sa malaking billboard habang unti-unti nawawala ang picture ko doon ay siya din ang unti-unting pagpatak ng mga luha ko, inalis na yung billboard.

Tahimik akong napaupo sa gilid habang umiiyak, wala na si teli umuwi na siya kanina kaya malaya akong umiiyak mag-isa.

Pinunasan ko ang mga luha ko, hindi ako dapat panghinaan ng loob kailangan kong lumaban beside hindi pa naman alam ng mga tao ang totoo, ang totoong dahilan.

Kinaumagahan maaga akong nagising, pagkatapos kong maligo at nag ayos lumabas ako ng unit ko. Kailangan kong kausapin ang manager ko.

"You need a rest mag bakasyon ka muna masyado pang maingay ang issue mo alam mo naman ang mga tao ngayon kapag nagpakita ka mas lalo silang magagalit sayo."

Napapikit ako dahil sa narinig kong sinabi ng manager ko hindi ako makapaniwala, kahit siya hindi naniniwala sa akin.

"Kelsey naiintindihan mo naman siguro?"

Gusto ko man magsalita pero para saan pa? Kaya tumango na lang ako saka tumayo.

Maglalakad na sana ako para umalis nang bumukas ang pintuan, nagulat ako nang makita ko si cara nakangisi siya habang nakatingin sa akin bago nag beso sa manager ko.

Napapikit ako dahil sa inis malinaw na sa akin lahat ngayon dahil kitang-kita ng dalawang mata ko ang mga nangyayare.

Nabaling ang tingin nila sa akin mukhang hinihintay nila akong umalis, napairap ako sa hawalan bago ako naglakad palapit sa pintuan. Bago ako tuluyan lumabas tinabig ko ang vases ng flowers malapit sa pinto gumawa iyon ng ingay sa loob ng office pero hindi na ako nag abalang tumingin pa  tuloy-tuloy lang ako sa paglakad paalis.  Eto na ang huling araw pupunta ako dito.

Madilim na nang makabalik ako sa unit ko, papasok na sana ako sa may lobby nang mapaatras ako. Nagkalat ang mga reporters sa buong lobby muntik pa ako haligap ng isang reporter mabuti na lang kaagad akong napayuko.

Habol ko ang hininga ko nang makalayo na ako, hindi ako makabalik sa parking lot dahil may mga reporter nadin doon. Nang mapagod ako kakalakad umupo ako sa gilid ng kalsada mabuti na lang at walang masyadong dumaraan na sasakyan sa mga oras na to. 

Saglit akong nagpahinga bago ako naglakad ulit, hindi ko alam kung saan ako pupunta hinahayaan ko na lang ang mga paa ko kung saan man ako dalhin nito. Halos maiyak narin ako dahil sa sitwasyon ko ngayon, dati ang daming nandyan para sa'kin pero ngayon ni isa wala akong malapitan sinubukan kong tawagan ang mga kaibigan ko pero lahat sila walang sumasagot.

"Fucking life..." sigaw ko habang mag isang naglalakad sa kalsada

"Just the fucking lif--"

"Kung magpapakamatay ka wag kang mandamay ng ibang tao." Naputol ang sasabihin ko nang may nagsalita sa likuran ko.

Nakakunot noo akong nakatingin sa babaeng nasa loob ng sasakyan, walang ka emo-emosyon siyang nakatingin sa'kin.

"Oh my god" napatakip pa ako ng bibig ko nang mamukaan ko siya. "Stalker girl? Oh my god ikw nga" nakangiti akong lumapit sa kanya sa mga oras nato nabuhayan ako ng loob na may tutulong sa akin.


Nang makalapit na ako nakatingin padin siya sa'kin, hindi siya nagsalita kaya muli akong nagsalita. Sumilip pa ako sa bintana ng kotse niya

"Hmm puwede ba akong makisakay sayo?" Kaagad na sabi ko, doon ko lang nakita ang biglang pagkunot ng noo niya

"Nakalimutan mo naba ang ginawa mo noon?" Nakakunot noo padin siya

Peke akong tumawa "Ano kaba matagal na 'yon tsaka kalimutan na natin 'yon okay"

Hindi siya sumagot.

"Puwede bang makisakay?" Nakangiti akong nakatingin sa kanyan.


"No"

Bumagsak ang balikat ko nang isara niya ang bintana ng kotse tsaka pinaandar ang sasakyan.  




Malungkot akong nakatingin sa paalis na sasakyan hangga sa hindi ko na iyon matanaw, doon ulit ako napaupo sa kalsada. 


Paiyak na sana ako nang matanaw ko ulit ang sasakyan na papalapit sa'kin. Kaagad akong napatayo nang huminto ang sasakyan sa tapat ko bumukas ang bintana ng kotse

"Ngayon lang to" sabi niya na ikinangiti ko

Tumango ako at dali-dali na sumakay sa loob ng kotse. Sabi na e tutulungan din niya ako. 

Sa passenger's seat ako umupo, magsasalita sana ako para magpasalamat pero tahimik lang siya kaya tumahimik na lang ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta kaba ibaba na lang niya ako bigla kaya nakaisip ako nang paraan.


Pinilit kong makatulog nang sa ganon hindi niya ako maibaba.





Md




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Runaway Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon