Biniyak Ng Anak Ni Yaya (1)

2.5K 49 1
                                    


➖➖➖✖️✖️✖️➖➖➖






Hi! Ako nga pala si Sean, 22 años, ako po ay nakatira sa isang munisipalidad dito sa Iloilo. Nagtapos ako sa kursong BS Information Technology major in Software Development at kasalukuyan akong nag aaral ng Master of Information Technology.

I am gay pero hindi ako nagdadamit babae, mahinhin ako kumilos at hindi ako magaslaw. Tahimik akong tao at hindi ako masyadong palahalubilo.

Kamag-anak ko po kasi si Mark Villar... Si Mark.. tahimik lang... charot.. Hahaha.

Nag iisang anak lang kasi ako kaya wala akong masyadong kausap at mga kasambahay lang namin ang kasama ko sa bahay. Mom and Dad ko ay nagtatrabaho din abroad at once every 3 years lang kung umuwi. Pero kahit bakla ako ay tanggap ni Mommy at Daddy ang aking kasarian. Pinayuhan nila ako na okay lang mag gagaganyan ako basta wag lang susobra. At yun din ang ipinangako ko sa mga magulang ko.

Every after school ay palagi akong tumatambay sa isang Candy/Pastry Shop na malapit sa school ko. Since natatapos ang klase ko ng alas tres ng hapon ay dito ako nagpapalipas ng oras hanggang alas seis ng gabi, hinihintay ko rin kasi yung closing time ng shop. Dati kong Yaya yung may ari ng shop... Siya si Yaya Regina or Ate Reg... kaya hindi ako nahihiyang tumambay dun. Siya yung nag alaga sa akin mula pagka-panganak ko hanggang sa pagtungtong ko ng high school. Binigyan siya ni Mommy ng pangpuhunan nito sa negosyo niya kaya nung lumago ang negosyo niyang Candy Shop ay napagpasyahan namin na patigilin na siya sa pagiging Yaya ko para makapag focus siya sa kanyang negosyo. Pero ciempre umu-order din ako ng maraming candies at pastries para makatambay ng matagal. Hahaha.

Minsan pag wala akong pasok ay nag vovolunteer ako na magbantay ng kanyang shop dahil wala siyang ibang kasama or should I say mag isa lang siyang namamahala ng shop niya. Isang araw... as usual tatambay ako sa shop ni Ate Regina.


"Uyyy!! Ate Reg! Good Morning!" masayang bati ko sa kanya pagpasok ko ng shop.


"Good Morning Sean! Aga mo ngayon ah. Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni Ate Reg sa akin.


"Wala po eh. Busy po ba kayo?? Gusto niyo bang ako muna magbantay ng shop niyo?" pagprisinta ko kay Ate Reg.


"Ahh... Oo sana... pwede ba Sean?? Susunduin ko kasi ngayon yung unico hijo ko na galing ng Maynila." tugon ni Ate Reg sa akin.


"Oo naman Ate Reg! At tsaka wala naman akong gagawin eh. Sige na ate, asikasuhin mo na ang dapat mong asikasuhin or sunduin mo na ang dapat mong sunduin... ako nang bahala dito sa shop mo." nakangiting tugon ko kay Ate Reg.


"Hayy.. salamat.. sige Sean... alis muna ako ha?? Nagmamadali talaga ako eh. Baka naghihintay na yun sa akin. Hehe." sagot ni Ate Reg sa akin sabay kuha ng bag niya at agad na lumabas ng shop niya.


Di katagalan magmula nang umalis si Ate Reg ay kumuha ako ng mga candies at kinain. Pero ciempre binayaran ko yung mga kinuha ko, ang kapal naman ng apog ko kung kain lang walang bayad noh? Patay gutom yern? Hahaha. Ilang sandali lang ay biglang nag ring ang phone ko. Si Mommy, gustong makipag facetime sa akin.


"Mommy!!! Daddy!! Kamusta na kayooo??? Miss na miss ko na kayoooo!!" nakangiting bungad ko sa mga magulang ko.


"Miss na miss ka na namin anak!!" nakangiting tugon sa akin ni Mommy.


"May boyfriend ka na ba anak?" biglang tanong ni Daddy sa akin.


"Bakit Daddy??? Gusto mo na bang magka boyfriend na ako?" natatawang tugon ko kay Daddy.


"Pwede naman anak, 22 años ka na eh. Marunong ka naman sigurong pumili." sagot ni Daddy sa akin sabay tawa.


"Maybe next time Dad, busy pa ako sa master's ko eh. Hehe." nakangiting tugon ko kay Daddy.






Itutuloy...






---@spicelopez---

Biniyak Ng Anak Ni YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon