Biniyak Ng Anak Ni Yaya (2)

1.5K 42 3
                                    


➖➖➖✖️✖️✖️➖➖➖





Matapos naming mag usap nina Mommy at Daddy ay dumating na si Ate Regina at kasama na niya yung anak niyang sinundo niya.


Pagkapasok nilang dalawa ay napatitig ako agad sa kasama ni Ate Reg mula ulo hanggang paa. Shekss!! Ang hot at ang gwapo niya... maputi at makinis... halatang di naaarawan eh.


"Sean! Maraming salamat talaga sa pagbantay ng shop ha?." nakangiting pasasalamat ni Ate Reg sa akin.


"Walang anuman Ate Reg, ito naman, para ka namang other people." nakangiting tugon ko sa kanya.


"Ayyy... siya nga pala Sean, ang aking napaka gwapong anak, si Sky. At anak, siya si Sean, yung inaalagaan kong bata noon." pagpapakilala ni Ate Reg sa kanyang anak.


"Hello po, Kuya Sky..." nakangiting sambit ko kay Sky.


"Ilang taon ka na Sean?" agad na tanong niya sa akin.


"Uhmm.. 22 na po." nakangiting tugon ko sa kanya.


"Ayyy... 23 pa lang ako Sean, kaya Sky na lang ang itawag mo sa akin ha?" nakangiting sambit ni Sky sa akin.


"Awww.. sigeee..." medyo kinikilig kong tugon sa kanya. Natitigan ko siya ng ilang segundo at my ghaaddd!! I think I'm in love with this guy. Hahaha.


"Oh siya, anak maupo ka muna dito, ipaghahanda ko lang kayo ng makakain niyo ha." agad na sambit ni Ate Reg sa amin.


"Sige Ma..." tugon ni Sky sa kanyang ina hanggang sa pumasok na si Ate Reg.


Agad namang kumuha ng isang upuan si Sky at tumabi pa talaga sa akin. Binuksan ko muna yung laptop ko para kunyari may ginagawa ako pero ciempre yung mata ko na kay Sky, hahaha. Habang busy busyhan ako ay bigla siyang dumikit sa akin at nagtanong.


"Nag aaral ka pa ba Sean?" tanong ni Sky sa akin.


"Yes, pero Master's Degree na yung kinukuha ko, Master in Information Technology." agad kong tugon sa kanya.


"Sa'n ka nag aaral?" dugtong na tanong niya sa akin.


"Diyan lang malapit sa Shop ng Mama mo. Kaya suki ako dito ni Ate Reg. At paminsan minsan ako din ang nagbabantay ng shop kapag busy si Mama mo, katulad nito, yung pag sundo niya sa'yo." nakangiting tugon ko kay Sky.


"Mabuti naman pala at nandiyan ka, hindi masyadong nahihirapan si Mama sa pagbantay sa shop. Thank you..." nakangiting sambit ni Sky sabay yakap niya sa akin.


Na awkward ako nang very very light dahil sa pagyakap niya sa akin kaya namula ang mukha ko. Agad namang napansin ni Sky yung mukha ko na pulang pula.


"Ayyy... bakit namumula ka Sean??" nakangiting tanong ni Sky sa akin.


"Uhmm.. sorry Sky ha... hindi kasi ako sanay na may yumayakap sa aking lalaki." nahihiyang tugon ko sa kanya.


"Ohh... wala ka pa bang boyfriend??" tanong ni Sky sa akin.


"Wala... never kong na experience yun sa buong buhay ko." nahihiyang tugon ko sa kanya.


"Awww... don't worry... sasanayin kita na hindi ma awkward kapag may yayakap sa'yong lalaki." nakangiting sambit ni Sky sa akin.


"Huyy... huwag mong gagawin sa akin yan Sky... baka ma fall ako sa'yo." tugon ko sa kanya sabay tawa.


"Oh eh ano naman kung ma fall ka sa akin. Eh di sasaluhin kita." nakangiting tugon ni Sky sabay finger heart niya sa akin.


"Ayy.. ewan ko sa'yo Sky... wala ka bang girlfriend??" agad kong tanong sa kanya.


"Wala... single ako since birth... ayokong magka girlfriend..." tugon ni Sky sa akin.


Ilang sandali lang ay bumalik na si Ate Reg na may dalang tray at may dalawang slices ng cake at dalawang baso ng juice.


"Oh Sky, Sean... kumain muna kayo... heto.. cake at juice." sambit ni Ate Reg sabay patong niya ng tray sa isang mesa sa likod namin.


"Ayyy... si Ate Reg talaga oh, nag abala pa siya." nakangiting sambit ko sa kanya.


"Ito namang batang 'to, minsan lang naman ako mag ganyan ah." sagot ni Ate Reg sa akin.


"Huwag kang tatanggi sa grasya Sean, sige ka, magtatampo ang Diyos sa'yo... pati na rin ako." nakangiting sambit ni Sky sa akin.


Agad naman akong natawa sa sinabi ni Sky at sinabayan din ni Ate Reg ng pagtawa.


"Oh sige na nga... parang papatayin niyo pa ako sa konsensya." sagot ko sa kanila sabay tawa.






Itutuloy...






@spicelopez

Biniyak Ng Anak Ni YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon