Panaginip
By; Rain LoganPinilit kong kalimutan ka at ang aking nadarama
ngunit bakit ganito parin?
parang ewan pag nariyan ka
sabi kong kakalimutan ka pero
eto na naman tayo nagtatago sa iyo.Sa loob nang ilang linggo na binigyan ako
ng espasyo upang makapag-isip
kung ito ba ay isang paghanga o may iba pa?
isa itong pagkakamali! tuwang tuwa ako ng
aking malaman na niloloko ko nga ang aking
sarili pinilit ko lang pala na magka gusto sa iyo.Pero sa loob rin ng ilang linggo
andito ako nakaupo sinusulatan
ka ng tula at mga liham na di ko
batid kung iyong mababasa niloloko
na naman ang aking sarili sa pag-iisip
na niloloko ko ang aking sarili dahil may ibig
banggitin ang pusong may kinatatakutan
na pag iyong nalaman baka ika'y mandiri.Pero siguro ay sanay ka nang may humahanga
sa iyo? mga nakasama mo ay komportable sa
iyo iniisip na may pag-asa ngunit may singsing
na naka ikot sa iyong palasingsingan wala ngang
pag-asa.Lagi kang dumadaan sa aking mga panaginip
dito ay nilalapitan mo ako malaya akong
maka-usap ka ng walang kinatatakutan,
inaanyayahan sa kahit ano lumabas,mamasyal
at kumain mga bagay na di ko magawa at alam kong
di mo ako maaayayahan para doon dahil sino ba
ako sa iyo? isa mong dating kilala na kilala mo lamang di dahil naging parte ako ng iyong silid ngunit
mula sa isang kilala, sa panaginip ay malaya akong
tingnan ka sa mata ng diretso at nginitian ka.Wag mo naman sanang guluhin ang aking nadarama
pagka't binigla mo qng aking buong pagkatao napuno
ng puro tabong ng bakit?paano?anong nangyayari?Rwy'n Caru Di, Fy Oren, Fy Hyfrydwch
— R.L. Park
BINABASA MO ANG
Pen Name:The Collections of Poems,Short story and One shot
Non-FictionBased on Author's mind, imagination and inspiration Grammatical incorrect