CHAPTER 1

8 1 1
                                    

"Papatayin mo ba talaga ang sarili mo, Gen? Wala ka ng ibang ginawa kundi kumain at matulog. Hindi ka ba napapagod sa ganyang set-up mo?"

Hindi maiwasang tanong saakin ng nakakatanda kong kapatid na babae na si Kaye pagkapasok na pagkapasok nito sa loob ng kwarto ko.Hindi talaga magandang idea na iwan kong nakabukas ang pintuan ng bahay at kwarto ko lalo na kung parang manok na talak nang talak ang kapatid ko.

"Ate, ilang beses ko bang sasabihin na buhay ko 'to? kung mamamatay, edi mamatay. At kung mamamatay man ako, mabuti ng sulitin ko ang natitirang oras ko para mag-enjoy."

Gulat naman akong napalingon sakanya nang batukan niya ako.

"Para saan 'yun?"

"Gaga ka talaga. Ipakain ko kaya 'tong buong bahay na 'to para matuloyan kana."

Napapairap ako ng mata habang sinusundan siyang maglakad papalabas ng kwarto ko at papuntang kusina.Kung 'di ko lang 'to kapatid, naitapon kona siguro sa basurahan sa pagiging amazona niya. Pinanood ko itong magtungo sa kung nasaan naka-pwesto ang ref ko at saka binuksan.

"Kaya naman pala hindi na matigil sa paglaki 'yang katawan mo dahil punong-puno pala ng processed foods 'tong ref mo,eh."

Ngiwing aniya at saka kumuha ng gatas at nilagay sa baso. Naglakad siya patungo sa breakfast bar at umupo sa isa sa mga stool. Nanatili akong nakatayo habang pinapanood siyang ubosin ang iniinom niya. Nang maubos niya ito'y tumingin siya saakin at saka pinahiran ang gatas na tumakas galing sa kanyang bunganga gamit ang likod ng palad niya bago nagsalita. 

"Why don't you try to work-out and change what you are used to in life? Hindi ka ba napapagod sa buhay mong 'to, Gen? Kase kung ako sayo, hindi ko sasayangin ang talentong meron ako just because of something that happened years ago."

Naglakad ako papalapit sakanya saka dumausdos sa stool sa tapat niya at bumuntong-hininga.

"It's not that easy, Ate."

"It is if you try. Because as they say, you only get one life. It's your duty to live it as fully as possible. At 'yang sinasabi mong enjoyable na sayo lahat ng ginagawa mo ngayon, hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Subukan mong ibalik 'yung dating ikaw o kaya naman kumanta ka ulit."

Napaiwas ako ng tingin. I can't bear the thought of me singing at a whole crowd or being out with some of my friends like I used to. Those moments where I was forgetting about the troubles in my life, sharing jokes and wonderful experiences with my love ones. And music. Music....

"Kung ayaw mo naman, mag night school ka, join keep-fit classes para naman bumalik na 'yung dating shape ng katawan mo. Pwede ka din mag swimming, hike, biking, and play tennis. You can also start throwing out those processed food inside your fridge and I'll help you to replace them with some fruits and veggies. Pwede rin kitang gawan ng salad or something that taste good and healthy. And after th..."

"Tatawagan ko muna si, Cathlyn. Kapag nagutom ka, may pagkain naman sa ref. Just don't eat up all my crackers and sausage rolls. At kung uuwi kana, paki-lock nalang nung pinto at pakisara ng gate."

Hindi kona siya hinintay pang magsalita at parang penguin pang naglakad papuntang kwarto ko. Alam kong bastos yung ginawa kong pagputol sa sinasabi niya considering na ate ko pa siya, pero ayuko lang kase talagang ako at yung nakaraan ko pa ang pinaguusapan. Tapos kung ano-ano pang sina-suggest niyang gawin ko para pumayat ako.

Pabalibag kong sinara ang pintuan ng kwarto ko at saka padapang humiga sa kama ko. Napahinga pa ako ng malalim dahil sa laki ng tiyan ko. If my death is near, it's easier for me to lie down here and wait until I run out of breath, kaysa ubusin ang oras ko sa pagtakbo o kung ano pa mang kaek-ekan ang maisip ng kapatid kong bakulaw.

BILLIONAIRE SERIES #1: I WAS ENCHANTED TO MEET YOUWhere stories live. Discover now