CHAPTER 2

4 1 0
                                    


Nakaupo ako sa kitchen counter habang nagbabalat ng patatas at nakikinig sa putak ng kapatid ko.

Yes, bumalik siya kinaumagahan at talagang sinira pa 'yung lock ng room ko dahil hindi raw ako magising-gising kahit na ilang beses niya ng kinatok 'yung pinto ko. Wala nga din akong ideya kung bakit siya nakapasok sa bahay ko at 'di ko rin naman maitanong dahil siguradong papakainin niya ako ng isang buong patatas kapag bigla akong nagsalita.

"...Ayan, pagkatapos niyan, mag-gisa ka. Dahan-dahan lang din sa pagtimpla para hindi ka masobrahan. Punong-puno na din 'yung laundry basket mo, mag hand wash ka nalang dahil nakasarado lahat ng laundry shops ngayon."

Napatigil ako sa huli niyang sinabi. Kaka-palaba ko lang nung isang araw, ah?

"Isama mo na din 'tong mga kurtina mo. Ilang taon kana bang nakahilata lang diyan at amoy imbornal na 'tong mga gamit mo dito? Ano 'tong sirang stinelas na 'to dito?"

Napailag ako nang bigla niyang itapon sa direksyon ko ang hawak niyang sirang stinelas. Hindi kona yata nagugustuhan pa ang ginagawa niyang paghahaluhog sa mga gamit ko.

Tumayo ako at kumuha ng frying pan para masimulan ng magluto. Mahilig din naman talaga akong magluto kaso tamad lang. Rose potatoes pa sana kanina ang gagamitin ko kaso gusto yata akong pahirapan ng kapatid ko kaya napilitan akong magbalat at maghiwa nalang ng patatas. Lumingon ako sa likuran ko at nakitang may hawak siyang trash bag na paglalagyan niya ng mga kalat ko. Napahinga ako ng maluwag at ibinalik ang atensyon sa ginagawa ko. Finally, peaceful as before.

Binuksan ko ang stove at naghintay na uminit ang frying pan bago naglagay ng isang piraso'ng butter. And if you guys are curious kung ano ang niluluto ko, patatas lang na may itlog. Magluluto sana ako ng steak kaso nasa basurahan na lahat ng laman ng ref ko. Puro patatas, avocado, itlog at gatas nalang ang laman ng ref ko dahil 'yun agad ang pinuntirya ng kapatid ko pagkapasok palang namin ng kusina. Hindi nga lang ako makaalma dahil hindi talaga kami matatapos sa pagbabangayan kung sasagot-sagotin ko pa siya. Madali lang itong lutuin lalo na kung wala kang kasama na puputak-putak.

Inilagay kona ang patatas at niluto ng mga sampong minuto. Nilagay kona ang sibuyas at hinalo-halo hanggang sa mag-brown at crispy na ang patatas. Pagkatapos ay inilagay kona din 'yung binatil kong itlog at naglagay ng kunting asin at paminta. Hinalo-halo ko ito saka nilagay sa plato nang maluto na. At dahil mabait ako, hindi ako magliligpit at maghuhugas ng mga ginamit ko. Tutal nandito naman si ate, lulubos-lubosin kona.

Naglakad na ako papuntang breakfast bar saka inihain ang niluto ko. Kumuha ako ng dalawang plato, isang kutsara, chopsticks para sa kapatid ko dahil sa mas nabubusog daw siya kapag chopsticks ang gamit niya. Nagtimpla na din ako ng kape naming dalawa at nilagay lahat sa tray para hindi na ako mahirapan pa sa paghawak. Bumalik na ako sa breakfast bar saka inayos ng lagay lahat ng dala ko.

Lumingon ako sa sala pero wala naman akong napansin na nandoon ang kapatid ko. Pumunta ako ng kwarto, pero wala din siya doon. Pumasok ako ng cr, kaso trash bag lang ang nakita ko. Asan na ba kase 'yun? Gutom na ako.

Napilitan akong pumunta sa labas para hanapin siya sa garden, kaso wala din siya doon. Hingal na hingal akong bumalik sa loob at napasandal sa pinto dahil sa pagod. Balak ba talaga akong pagorin at gutomin ni ate? Kawawa naman 'tong mga precious bulate ko sa tummy ko kung hindi ko sila papakainin.

Mauuna nalang sana akong kumain kaso baka yung mga plato nalang 'yung matira sakanya sa takaw koba naman. Pinili ko nalang siyang hanapin kaysa makatanggap ng batok mamaya kapag nakita niyang naubos kona lahat ng niluto ko. Nakarating ako sa paanan ng hagdan at halos magpa-padyak pa dahil wala na talaga akong lakas para umakyat pa. 2 floors ang bahay ko at ilang beses palang ako nakakaakyat sa taas dahil sa bigat ng katawan ko. May kwarto at cr ako sa baba kaya hindi na problema para saakin ang umakyat pa.

Pero kung nasa taas si ate, wala akong choice. Mas gugustohin ko pang mawalan ng hininga mamaya kaysa mabatokan. Huminga ako ng malalim bago sinimulang humakbang papunta sa taas. Nasa ika-apat palang akong baitang ay punong-puno na ng pawis ang noo ko. Inisip ko nalang na magluluto ng steak si ate mamaya realizing how tired I am. Sana nga. Halos kaposin ako ng hininga nang sa wakas ay makaakyat na ako. Pinonasan ko ang pawis sa noo ko saka umayos ng tayo. Una kong pinasok ang mga guest rooms pero ni anino niya, wala akong nakita. Pumasok din ako sa ilan sa mga cr kaso wala din siya. Pinilit ko din buksan ang sirang kwarto ko dati, but still, there was no sign of her.

Gusto kona sanang sumuko nalang at piliing kumain kahit na tatalakan niya ako kanina kaso paglagpas ko sa ikaapat na kwarto sa kanan ko ay may narinig ako sa loob ng kwarto nila Mommy at Daddy noon. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko at parang bigla pa akong nahilo. Ito na nga ba ang sinasabi ko,eh. Kaya ayaw na ayaw kong nagpupu-punta dito sa taas. Pero posible din kaseng nagdala lang ng phone si ate at nagpa-tugtog lang habang naglilinis. Lumapit ako sa pinto at inabot ang door knob saka paunti-unting pinihit. Nagiwan lang ako ng kaunting siwang saka sumilip sa loob.

Ilang sandali pa lamang ay nakarinig ako ng tunog galing sa loob. Hindi lang basta tunog kundi kanta. Ang kantang ilang beses nagpaalala saakin ng sakit na idinulot ko sa mga tao sa paligid ko na kailanman ay hindi na maghihilom.

'When I pass by

Moonlight shines in your eyes.

They were shining bright

Like none of them could be mine...'

Unti-unting pumatak ang mga luha galing sa mga mata ko at napatakip pa ako ng bibig dahil naririnig kong sumasabay si ate sa kanta. Nawala ang gutom ko kanina at napalitan ng lungkot, awa, at galit. Lungkot dahil sa naalala ko ang nangyari isang taon na ang nakalipas nung nabubuhay pa lamang ang Daddy ko. Awa para sa kapatid ko, dahil sa hinaba-haba ng panahon, kalahati lang ang alam niya sa totoong nangyari. At galit sa sarili ko dahil hindi ko magawang sabihin manlang sakanya. Hindi ako handa at sa tingin ko, hindi ko magagawang sabihin kahit kailan.

'When you smile

My dusty heart beats

And I...'

"Think of all those childhood wishes on stars I'd write..."

Mahinang pagsabay ko sa kanta at kay ate nang may ngiti sa labi saka dahan-dahang sinara ang pinto at tumalikod na para bumalik sa baba.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BILLIONAIRE SERIES #1: I WAS ENCHANTED TO MEET YOUWhere stories live. Discover now