3

4 0 0
                                    

pag gising ay sobrang bigat ng pakiramdam ko, pinilit kong tumayo pero hindi nakisama ang mga paa ko, pakiramdam ko ay hindi ko kontrolado ang katawan ko.

"Chin hindi ka ba papasok ngayon? 7:30 na oh" tanong ni mamala sa labas ng kwarto ko.

"mamala, hindi na po yata muna ako papasok, sobrang sama po ng pakiramdam at ng katawan ko e" paliwanag ko sa kaniya.

"bakit? may sakit ka ba?" halata sa boses niya ang pag aalala kaya agad na siyang pumasok dito sa kwarto ko para i check ako.

pagkadapo ng palad niya sa noo ko ay tila napaso siya sa init, dali dali siyang lumabas ng  kwarto para manguha ng isang palangganang tubig at isang bimpo.

nanghihina ang buong katawan ko na para bang ito na ang ikamamatay ko.

pinunasan ni mamala ang mukha at katawan ko, after non binanlawan niya ang bimpo tsaka niya tinupi at nilagay sa noo ko.

"mag pahinga ka muna, sabihin ko kay daddy mo pumunta muna sa school para ipaalam na may lagnat ka kaya di ka makakapasok" sabi ni mamala bago lumabas ng kwarto.

unti unting lumabo ang mata ko at nakatulog din agad.

after how many hours of my deep sleep, nagising ako sa vibrate ng phone ko, and when I saw the time it's already 3 pm.

I hurriedly stood up, bumaba ako sa sala para tignan kung asan sila mamala, but when I reached our living room a tall figure of boy showed up.

"Hey ok ka na ba?" Louie asked. "I heard na may sakit ka so after ng period namin kay ma'am Riley pumunta na ako dito" dagdag pa niya.

"Yah, ok na ako, thank you for your concern, Louie, pero I think it's more ok pag hindi ka na pumunta pa dito" told him.

"Chiny naman, I just wanna see you, and besides gusto kong malaman how are you doing" paliwanag niya.

"Come on, tapos na tayo, puwede ba stop pestering me, bumalik ka na lang sa babe mo 'cause I'm done with you" iritang sagot ko sa kaniya.

"Look Chiny, I am sorry for what I had done" pag mamakaawa niya sa akin.

pinanliitan ko siya ng tingin. "Are you really that desperate para mag makaawa pa sa akin? why? hindi ba kayo nag work nung babae mo? that's why ako na naman ang ginugulo mo?" nanliliksik na mata ang hinarap ko sa kaniya.

I walk back to my room at nag mukmuk don,medyo ok na ang pakiramdam ko pero masakit pa rin ang ulo ko.

ilang minutes pa ang nakalipas ng mag ring ang phone ko, it's Kayi.

"hi" I answered the phone with my low tone of voice.

"Hi Chiny! hindi ka ba pumasok? hinihintay ka namin kanina pero di ka tumaas, tas tinanong namin mga kaklase mo hindi ka naman daw pumasok" pag aalala niya sa kabilang linya.

"uy sorry, di ko nasabi sa inyo, may sakit kasi ako kaya di na ako nakapasok tsaka nakalimutan ko ng sabihin sa inyo kasi diretso tulog ko" paliwanag ko sa kaniya.

"pagaling ka Chiny!" sigaw nila sa kabilang linya, napangiti ako dahil sa lunes, babalik na ako sa kanila.

"Oh, sige na Chiny, mag pahinga ka tsaka mag pagaling ha" rinig ko si Diary sa kabilang linya.

"Ok, bye guys, see you on monday" I told them and hung up the phone.

habang nakatulala sa kisame ay sumagi na naman sa isip ko ang nakita ko kahapon.

'Kung yun ang gf ni Charles at kung may gf siya, ganon ba talaga ang trato niya sa lahat?' tanong ko sa sarili ko.

'Well, hindi naman malabong may gf yon, pogi, matangkad, matalino tas mabait pa' sabi ko sa sarili ko.

Bawat PiyesaWhere stories live. Discover now