End and Beginning

0 0 0
                                    

"Wow, naglalakihang mga kastilyo." Bulong ko habang pinanonood ang isang edit ng Edinburgh. It was gloomy yet cozy— it was weirdly nostalgic. Parang lagi nalang umuulan sa lugar na 'yon ah, medyo madilim din kasi.

"Ganda. Edinburgh is such a dream." Dagdag ko pa habang nakatanaw sa malayo.

"Miss? Miss?" Rinig kong sabi ng kung sino.

I squinted my eyes to try waking myself up. Nakatulog pala ako.

"Your order is here, miss." A ginger lady in her early thirties said.

A what? A ginger lady?

Pinasadahan ko ng tingin ang piligid. Nasa isang cafe ako— may mga bookshelves, mga indoor plants na nakadisenyo sa paligid, mga sofa na nagsisilbing upuan ng mga customers na para bang living room ng isang bahay pero mayroong counter.

"Hindi ho ako nag order ma'am." Sabi ko— naguguluhan at pinoproseso pa ang mga nakikita sa paligid.

"Come again?" Sabi niya.

Ay teka lang, ba't ba english ng english 'tong si ate. Gan'to na ba talaga sa Pilipinas?

Namilog ang mga mata ko. Napansin ko lang kasi ang mga customers— parang mga foreigner. Tinignan ko ang labas at—
para akong nandoon sa video na pinanood ko kanina— sa Edinburgh.

"Miss? Your order?" Ulit ng babae— parang nairita ata, base sa boses niya.

"I'm sorry. Yes, thank you." Sabi ko na lamang para ilapag na niya 'yong tray.

Nakatulala lang ako— sinusubukang alalahanin kung ano ang ginawa ko bago pa ako napunta sa sitwasyong 'to.

"Nagbabasa ako ng libro." I subconciously said. Oo, tama!

Tinignan ko 'yong coffee table sa harap ko— I found the book left opened. Right, right, I was studying earlier for my upcoming exam.

Dali-dali kong isinara ang libro at tumayo na para lumabas. Ang exam! Gagi! What to do? Saan ako pupunta nito?

My pace was fast— I was walking na para bang may humahabol sa'kin.

Pagkalabas ko sa cafe, kumunot ang noo ko.

"Nasa labas ako ng university." Bulong ko habang tinatanaw ang building namin.

Pinasadahan ko ulit ng tingin ang kabuoan ng campus. Indeed, it's my university— the lion statue of our school indicates it. Ang weather din, ang init. Kanina lang, medyo malamig pa.

"Love? You're spacing out. Halika rito, malamig diyan sa labas." Wayden, my husband said. He brought my cane that assists me in walking.

Time flew, and not a day would pass that I couldn't think about that incident.

"Here's your matcha, Frey." Marahan niyang sabi habang iniikot pa ang kutsara sa mug.

I looked at him. We're married for 50 years already. Ang swerte ko nga at ganito ka thoughtful at caring ng napangasawa ko. In our years of being together, all I felt was love— his limitless affection towards me. And I am grateful for the heavens that Wayden became my other half.

"Love, anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya, nakikita ko kasing may kung ano siyang hinihimay— malabo na ang mga mata ko kaya 'di ko masiyadong makita ang ginagawa niya.

"I'm preparing your medications for tonight." He gently said.

"Kaya ko naman yan e." Protesta ko.

"I know, but let me. I'm preparing for mine too." Sabi niya.

Hinayaan ko na lamang siya at naglakad lakad na lamang sa loob ng bahay.

"Aray..." Daing ko.

Nauntog 'yong paa ko sa isang box.

Hinimas ko 'yong kanang paa ko at sinubukang tignan sa likod ng aking lumang salamin ang nasa harap ko.

"Nasa attic na pala ako." Bulong ko habang hinihigpitan ng hawak ang cane.

Binuksan ko 'yong box. Wala rin naman akong ginagawa at nagawa na ni Wayden ang iilan sa gawaing bahay.

"Mga litrato?" Kumunot ang noo ko.

Hinalukat ko ito at tinignan isa-isa. It was pictures— photos of my mother, father, sons and daughter, my family, Wayden, some random faces I couldn't recognize and photos in nature, animals, places, and... me?

I squinted my eyes to see it clearly. Namilog ang mga mata ko, kumabog ang aking dibdib— ewan ko kung bakit.

"Edinburgh..." I whispered.

Yes, it was me— in that incident decades ago. Naka-cross pa ang mga braso ko habang nakapatong ito sa coffee table at natutulog.

"I know you'll see this when the time comes. Don't cry, though I know you will. I might be gone years from now— I may not be imprinted in your heart— but do know, I'll continue to love you dear Frey. Your husband, Wayden." Basa ko sa namamaos na boses.

"Frey, I was looking everywhere for y—" Boses ni Wayden.

I hugged him tight while holding the picture.

"Shush, I'm here." Pagtahan niya sakin.

"I see that you found my great grandfather's photograph." He commented.

"My father said to keep these photos for some reason. My family does this from generation to another— it was my great grandfather's will." Kwento niya.

Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko, naiintindihan ko na.

"Mahal din kita, Wayden." Bulong ko habang niyayakap siya ng mahigpit.

I finally found someone who treats me with genuine love, yes. But I haven't got the faintest idea that before I was even born, he's already there— loving me.

Ang misteryo roon sa Edinburgh— no wonder why that place seemed to be home to me; because that's when and where Wayden and I made our love story together.

Kaya pala misteryoso akong napadapad sa cafe na iyon; because it was my long lost memory that now— I know, will be engraved in my heart 'til my next life— until our paths cross again.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Long Lost Memory in EdinburghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon