Chapter 5
Kanina pa tumutunog ang telepono, siguradong ang Hot FM na ito. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang aking sinimulan. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa bang ilabas ang matinding galit na nararamdaman ko para kay Red.
Tumayo ako at agad na inangat ang telepono. "Hello.."
[Miss Cienna, this is DJ Blake. We're on air in a minute.]
"Wait. DJ Blake, can we talk privately for awhile?"
[Im sorry Miss Cienna, magsisimula na ang programa...Kaibigan, kami ay nagbabalik para sa mainit na episode natin ngayong gabi. This is DJ Blake para sa love on-air. At ngayon, kasama pa rin natin ang galit na galit na exgirlfriend ni Mister Red Salvador na si Miss Cienna. Miss Cienna?]
Hindi naman ako sumagot. Huminga ako ng malalim at pinisil ang aking mga palad.
[Miss Cienna, are you still on the line?]
"Y-Yes DJ Blake.."
[Ayan mga kaibigan, muli nating ituloy ang nakakakilig na kwento ni Miss Cienna at Mister Red Salvador na natapos lang sa wala makalipas ang napaka habang panahon. Miss Cienna, maaari mo na bang ituloy ang iyong kwento?]
"Pero DJ Blake.."
[Miss Cienna, marami ang nag-aabang ng iyong kwento. Don't tell me that bitterness is also over. Parang kanina lang galit na galit ka sa kanya.]
"Hindi naman sa ganun DJ Blake, kaya lang-"
[Ang mga kamalian kasi ni Mister Red Salvador ang nakikita mo eh. Ikaw ba Miss Cienna?]
"What do you mean DJ Blake?"
[Is there instances na ikaw ay nakagawa ng mali kay Mister Red Salvador?]
"What?!" Gulat kong sambit. "No. Hindi ako gumawa ng kalokohan sa kanya noh. Matino akong girlfriend DJ Blake!" Galit kong sabi.
[What about Gino? Yung sinasabi mong varsity sa school nyo? Hindi ba't nasabi mo na may gusto sya sayo?]
"Wala akong sinasabing ganun DJ Blake!"
[But you told us na nagselos si Mister Red Salvador sa kanya. Niligawan ka ba nung Gino?]
"Hindi ah! Seloso lang talaga si Red."
[Miss Cienna, hindi magseselos ang boyfriend mo kung hindi mo inentertain si Mister Gino.]
"In-entertain? P-Pero kasalanan naman din ni Red eh."
[Ayan mga kaibigan, inamin din ni Miss Cienna ang pagkakamaling nagawa nya.]
"Arrrgg! Oo na! Inaamin ko nang in-entertain ko si Gino. Pero kasalanan din ni Red kung bakit nangyari yun."
[Miss Cienna, hindi mo dapat sinisisi ang ibang tao sa pagkakamaling nagawa mo.]
"To all listeners, let me tell you the story before you make sira-sira me! Hindi ko kasalanan kung bakit nagkalapit kami ni Gino."
.
.
"Bakit ka naka P.E Uniform?" Tanong sa akin ni Red.
"Kailangan kong magpractice ng shooting sa gym para sa P.E class ko. Masasamahan mo ba ako?"
"Pasensya na babe, ang dami ko kasing gagawin ngayon eh."
"Ano naman ang gagawin mo?"