15. #FinalDecision

1.9K 68 31
                                    

Chapter 15

"Tatlong araw na po mula nung huling umuwi dito si sir Red. Akala ko nga po binenta nya na po itong unit sa iba eh. Sobrang malimit nalang po kasi umuwi dito si sir Red." Sabi ng isang staff ng Giovani Condominium habang binubuksan ang pinto ng unit ni Red.

"B-Busy kasi sya ngayon. Marami syang inaasikaso sa trabaho nya," sagot ko nalang.

Nang buksan nya ang pinto ay pumasok na kami sa loob ng unit. Makalat ang buong silid. Halatang hindi na napupuntahan ni Red ng ilang araw. Halos umaapaw na ang basurahan sa sala at nasa sahig na ang ibang unan na dapat ay nasa sofa.

Naalala ko nung kami pa, halos wala kang makikitang kalat dito dahil nagagalit ako sa kanya kapag makalat ang unit nya.

"Mam Cienna, wag nyo nalang po sasabihin kay sir Red na ako ang nagpapasok sa inyo dito ha. B-Baka po kasi matanggal ako sa trabaho."

Napatingin ako sa kanya. "Wag kang mag-alala, hindi ito makakarating sa kanya."

Lumakad ako papunta sa kusina at nakita ko ang makalat na lababo. Nang buksan ko ang refrigerator ay nakita kong puro beer ang laman nito. Hindi katulad nung kami pa, halos punong-puno ito ng pagkain dahil oras-oras kaming kumakain ni Red sa tuwing nag i-stay kami dito sa unit nya.

"Pwede ba akong makahiram ng mga gamit nyo panglinis?" Tanong ko doon sa staff.

"S-Sige po mam Cienna. Kukunin ko lang po sa ground floor." Tapos lumakad na sya palabas ng unit.

Pinasok ko ang kwarto at nakita kong nasa sahig na ang mga unan at kumot. May mga hanger ka pang matatapakan sa lapag. Bukas ang aparador. punong-puno pa rin ito ng damit ni Red ngunit tila isa itong basurahan dahil hindi ito nakatupi.

Hindi talaga nya kayang mag-ayos ng mga gamit nya. Kahit naman noong kami pa, ako pa ang nagtutupi ng mga damit nya at naglalagay sa closet dahil kung sya lang ang gagawa niyon, basta-basta nya lang isasalpak sa closet nya ang mga damit na pinalabhan nya sa laundry shop.

Napatingin ako sa nakaawang na pinto ng banyo at nakita kong bukas pa ang ilaw nito. Lumakad ako palapit doon at pinatay ang ilaw.

Lumabas ako ng kwarto at binuksan ang terasa. Napakaraming nakakalat na upos ng sigarilyo. Napailing nalang ako at napabuntong hininga.

Noong kami pa, wala kang makikita na upos ng sigarilyo dito sa terrace. Ilang beses na rin kasi kaming nag-away dahil sa bisyo nyang iyon kaya hindi nya magawang manigarilyo sa tuwing nandito ako.

May mga nakasampay pa na underwear dito sa terrace at yung iba ay nalaglag na sa lapag. Kung kami pa siguro ngayon, matutuwa siguro ako dahil sya na ang naglalaba ng underwear nya. Ayaw ko kasing pinapalabahan nya yung mga underwear nya doon sa mga bakla sa laundry shop.

"Ma'am Cienna.."

Lumingon ako at nakita ko ang staff.

"Ito na po yung walis at dustpan."

"S-Salamat. Pakilagay nalang muna dyan."

"Gusto nyo pong tulungan ko na kayong maglinis?"

Ngumiti ako sa kanya. "Hindi na. Ako na ang bahala dito." Tiningnan ko sya ng seryoso. "N-Nung pumunta dito si Red nung nakaraang araw. Kasama nya ba yung mga barkada nya?"

"Yung babae po ba Maam yung sinasabi nyo?"

"Babae?"

Napayuko naman sya. "W-Wala po Maam."

"Hindi. Sabihin mo sa akin. May kasamang babae si Red nung pumunta sya dito?"

Hindi naman sya sumagot.

Pasalamat ka, mahal kita (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon