Prologue

7 0 0
                                    

Nauuna lang sila, hindi ka napagiiwanan.

Yan nalang ang mga katagang pinanghahawakan ko. Pero hanggang kailan ko hahawakan ito?

I looked at the stop light when it turned to red. Everybody walks. Everybody moves foward. Sinipat ko ang paligid. Hindi talaga ko sanay na walang salamin, sa lahat ng malilimutan ay salamin pa. Sinimulan ko ihakbang ang mga paa ko.

May ilan na may dalang paninda. Some are wearing office attire, and casual clothes. Some were smoking, and there are few people laughing. Some ederly walk slowly, some are well-dressed. Some looks tired, happy, and annoyed.

Sa bawat taong madadaan mo may kanya kanyang kwento. Ngunit sa kanilang lahat, sino kaya ang may katulad ng nararamdaman ko?

Lumalakad ako nang deretso pero bakit pakiramdam ko ay napagiiwanan pa rin ako? Kahit anong lingon ko sa likod, bakit parang nandon pa rin ako.

While everyone's moving forward, there's nothing changing in my life. I feel like I was left behind. Nandito pa rin ako. Nakilos naman ang mga paa ko? Pero bakit nandito pa rin ako.

"Graduate raw ng psychology yan. Yung sa mga baliw... " Tawa ng kapitbahay ko. Hindi pa nga ko nakakapasok sa bahay, chismis na agad ang naririnig ko.

"Bakit wala pa rin trabaho yan? Mahigit isang taon na ata naghahanap yan. Graduate na pero palamunin pa rin." Ani ng isa. Mariin kong naipikit ang mga mata ko.

"Natanggap daw yan sa munisipyo. Taga-stapler ng mga paper. Akala ko ba pang-baliw ang psychology?"

Okay. I gave up.

"Wala po ba kayong ibang magawa?"  Usal ko sa kanila. Tinaasan ako ng kilay ni Aling Pacing.

"Oh, baket! Totoo naman, ah!" Pahamon na sabi niya.

I sighed deeply. "Baka po nagugutom na mga anak niyo, maghahapunan na po. Sana po mas inuuna niyo yun kaysa pag usapan ang buhay ng iba."

"Aba bastos kang---" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at dumeretso sa loob ng bahay. Wala kong oras sa kanila.

Mula sa pinto ay natanaw ko kaagad ang aking nanay. Nakaupo ito sa tabo na animoy iihi. Bago pa man niya magawa iyon ay naagapan ko na agad.

"Nay!" Agaran siyang napatigil sa ginagawa niya.

"Nay, nandon po ang CR natin. Ba't po kayo diyan naihi?"

Ang maganda ngiti ng aking ina ang sumalubong sakin. "A-anak?" Masikip ang dibdib akong napahinga. "H-hindi naman anak! Ikaw talaga! Tinatatry ko lang kung kasya pwet ko, oo!" Hilaw niyang tawa.

Tumango ako sa kanya at tinulungan siya tumayo. "Nasan ba yung dalawa 'nay? Kapag hindi niyo po k-kaya nay---"

"Wala naman akong sakit anak!" Tumayo na siya saka itinaas ang short niya. Dumeretso siya sa lababo saka inihanda ang pagkain.

"Kumain ka na ba anak? Kumusta ang lakad mo? Nakahanap ka ba ng trabaho?" Sunod sunod na tanong niya.

Bumuntong hininga muli ako. Hindi ko na mabilang kung pang-ilan to. Ganito lagi ang eksena samin. May mga bagay syang nagagawa na parang wala siyang kaalam alam, pero kapag nahuhuli ko siya ay natatauhan naman siya.

May ideya na ko sa kalagayan niya ngunit hindi ako pwede basta tumukoy kung anong nangyayari sa kanya. Pangunahing turo sa akin nung kolehiyo pa ko na wag na wag kami mag se-self diagnose. Pero minsan hindi ko mapigilan.

Wala rin naman kami sapat na pera para ipagamot siya. Ito yung dahilan bakit ako naghahanap ng long term work. Para magkaroon ako ng pampagamot sa kaniya.

"Hindi po 'nay.. Pasensya na po... " Mahinang saad ko.

Umupo siya sa tapat ko matapos ako ipaghain ng pagkain. Hinawakan niya ang kamay ko saka marahan na ngumiti. "Ayos lang yon anak.... Hindi naman paunahan ang buhay. Minsan talaga uuwi kang talo.. "

"Uuwing talo sa loob ng ilang taon nay?" Patawang sabi ko pero hindi alintana ang pait dito. Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng lungkot.

"P-pasensya na anak ha... "

Hinawakan ko pabalik ang kamay ni nanay. "Ako na to 'nay. Tama na ang pagsisisi niyo sa sarili niyo ha? Wala kayong kasalanan. "

"Kung sana ay may pinag-aralan ako, edi sana hindi naghihirap ng ganito mga anak ko.." Patuloy niya.

"Hindi iyon basehan 'nay..." Sadyang ayaw lang sa atin ng buhay.. "Aasenso rin. Mag hintay lang tayo ha? Kaya ko po ito.. " Saad ko bago siya niyakap. Narinig ko ang pagsinghot niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang pag iyak.

Pero hanggang kailan ako mag hihintay?

Mananalo pa ba ko sa buhay? Kung umpisa palang ay talo na ko. Kung umpisa pa lang, sumuko na ko.

***

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are product of the author's imagination and are used of fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead , is entirely coincidental.

This story may contains grammatical and typographical errors so don't expect too much.

Against All OddsWhere stories live. Discover now