01

5 0 0
                                    

"In the end, we are all independent. No one can save you but yourself"
Charles Bukowski


They say you only need someone to make your life easier. That you only need someone to make your dreams come true; a helping hand that can turn challenges into opportunies, and support that turn your aspirations into achievements.

But not in my case.

I grew up independently. As much as I want someone who can take care of me, I was forced to be like this. And, as for someone who can make my life easier? Wala na yata pag-asa itong buhay ko. Hindi kailan man magiging madali ito. Saka, kaya ko naman ang sarili ko.

"Ate, kailangan ko nga po pala ng school supplies. Naubusan po ako nung 2nd grading eh." Ani ng kapatid kong bunso.

I stopped doing my laundry. Pinunasan ko gamit ng braso ang ilang tubig na nasa salamin ko.

Malapit na ulit magpasukan, kailangan talaga mag doble kayod para kumita ng pera. Christmas break kasi ngayon. Itong pag lalaba ay isa sa mga pinagkukunan namin ng pera ni nanay. Nabili lang siya sa kanto para bumili ng pananghalian. Sabi ko kasi sa kaniya, ako na mag tatapos nito.

Maraming labada ang dumadating samin netong nakaraan. Mabuti na nga lang kasi malaking tulong ito lalo na at magpapaskuhan. Pero kung sa bagay, suntok sa buwan lang din kung maghanda kami ng pasko. Tuwing paskuhan kasi ay naglalabasan ang mga pinagkakautangan namin kaya kinakailangan namin magbayad. Wala naman kaming choice.

Bago pa ko makapag salita sa kapatid ko ay pumasok na ang aming Ina. Hindi naman mahirap magkarinigan sa bahay namin dahil katapat lang mismo ng banyo ang pinto, sa kaliwa ay maliit na lutuan, at sa kanan ay papag para saming lahat.

"Bakit ka sa ate mo nanghihingi? Nanay mo ba yan?" Pabirong sabi ni nanay. Lihim akong napangiti. Kumuha ng pinggan si nanay para pag lagyan ng adobong tokwa na binili niya sa kanto. Bente pesos lang kasi iyon.

"Okay pa naman ang mga gamit mo anak ah? Yun nalang kaya ulit..." Saad niya muli.

Sumimangot si Sabrina. "Pero, inay! Yung bag ko nga nung elementary ko pa po yun. May hello kitty po na design..." Maktol niya.

"Ayo---"

Bago pa man makapagsalita ang ina ay pinigilan ko na. "May kinita po ako sa pag tu-tutor nay. Yun nalang ipang-bibili ko." Tinigil ko muna ang labada sapagkat naaamoy ko ang tokwa. Medyo kumukulo na rin ang tiyan ko.

"Ano ka ba? Paano ka makakabili ng laptop niyan e palagi mo ginagastos yang ipon mo!" Pagalit na sabi ni nanay sakin. Ngumiti ako sa kaniya.

"Kain na po tayo, nakakagutom!" Umupo na ko sa lamesita namin na plastic. Mula dito ay mararamdaman mo na agad ang sikat ng araw, butas kasi ang bubong namin.

"Celestia.."

Hindi ko pinansin ang tawag niya sakin, sa halip ay hinawakan na ang kamay nila ni Sab. Wala pa dito ang isa kong kapatid pero hindi ko na sya hinintay pa. Manenermon na naman kasi ito si nanay kaya pinangunahan ko na.

"I thank you God for all the blessing..... Amen!" Malaking ngiti ang ginawad sakin ni Sabrina.

Walang nagawa si nanay kung hindi ang bumuntong-hininga dahil alam niya na wala na makakapigil sakin. She knows how much I can take to spoil them, even if it costs me my savings. Lahat gagawin ko para sa kanila.

I am the eldest of two siblings. Sumunod sakin ay si Marco, at ang bunso namin ay si Sabrina. Magkakaiba ang tatay naming tatlo, at wala ni isa sa kanila ang nanatili samin. Kaya ang gamit namin lahat na apelyido ay yung sa nanay namin.

Against All OddsWhere stories live. Discover now