Chapter 2

7 0 0
                                    

Chapter 2

“ Oyy! kararating lang natin aalis kana agad , kuya? ”

tanong saakin ni Wesley pagkadating namin dito sa baryo ni Uncle Edmon. aligaga ang mga tao dito ngayon dahil magkakaroon ng pasayaw si uncle para saamin . malapit na din kasi ang kapistahan kaya nagsisimula na ang kanilang pasayaw.

“ Ano kaba Wesley. hayaan mo na nga yan si kuya matanda na'yan. ” , tinatamad na sabi ni Hendrix Kay Wesley.

“ Hindi pa nga siya kumakain aalis na siya agad at hindi niya tayo isasama? ang gara naman. ” , reklamo nito.

“ gumawa ka ng sariling gala mo , Wesley. ”

sabi ko at hindi na siya pinansin sa pagiging reklamador niya. madami akong nakasalubong palabas ng bahay ni uncle at karamihan sakanila ay binabati ako . tanging tango at minsan naman ay binabati ko sila pabalik.

Sa totoo lang . hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon dahil hindi ko naman alam ang bahay niya. I only know her name . nag-disisyon ako na puntahan ko nalang yung puno kung saan kami lagi pumupunta noong bata pa kami at kung saan ako nangako sakanya .

pagkarating ko malaki ang pinagbago ng puno.  naging mas malaki ito at naging malago ang kanyang mga dahon at halatang inaalagaan ito dahil walang mga ligaw na halaman ang tumubo dito.

“ Sino ka? ”

napahinto ako sa isang boses na nagtanong saakin . mahinhin ang boses nito at may bahid ng pagtataka .

humarap naman ako sakanya . isang magandang babae na naka tirintas ang kanyang buhok at ang kanyang sout isang bistidang puti na off shoulder.  na bagamat luma na ay maganda padin .

“ sino ka nga?  " Tanong nito ulit.

“ I am Daxton.. you are? ”, tanong ko .

kita ko ang pagdaan ng gulat at pagtataka sa mata niya bago muling nagtanong. “ D-Daxton? Sinong Daxton? bago kaba dito? ”

“ Yes , I'm Daxton Montangue. pamangkin ni kapitan Edmon. ” ,pakilala ko .

lumaki ang mata niya at unti-unting umatras . “ I-Isa kang montangue.. ”

Nagtataka akong tumango sakanya . kita ko Kasi sa mata niya na para siyang kinakabahan sa apelyedo ko. “ Yes . why miss? Any problem? You look terrified ”

“ A-Aalis na ako . p-pasinsya na. ”

agad naman itong tumakbo palayo . tinawag ko pa siya para tanongin ang pangalan niya pero hindi ito tumingin saakin . problema nun?

“ Naku! Pasinsya kana Kay Elsher ijo. mahiyain talaga kasi yung batang iyon. ” , Sabi ni manong isko . isa siya sa kagawad sa barangay na ito.

Elsher? siya na si Elsher?  She's so beautiful kahit mula ng mga bata pa kami . She look innocent and angel .

unti-unti akong napangiti dahil sa wakas nakita ko na siya . pero bakit natatakot siya saakin? hindi niya ba ako naaalala?

“ manong isko . .. may Asawa naba siya? ” , tanong ko .

Kumunot naman ang noo nito sa tanong ko “ Sino? Si Elsher? ”

tumango naman ako . Umiling naman siya saakin na para bang hindi siya sangayon sa sinabi ko . “ Mabait na bata yang si Elsher at hindi mahilig maki-halubilo. madaming may gusto sakanya sa baryong ito pero miski isa doon wala siyang kinausap. ”

Mas lalo naman akong napangiti sa sinabi ni Mang Isko . so she's still single.

“ pero balita ko din ayaw niya sa mga taga syudad. kaya binabalaan na kita Daxton ijo , mabait na bata yang si Elsher kung ano man yang binabalak mo wag mo lang siya sasaktan at lahat kami dito makakalaban mo..”

Montangue #1 : Whisper of the heartsWhere stories live. Discover now