CHAPTER 3

4 1 0
                                    

Chapter 3

Pagkarating namin sa sayawan ay medyo madami nadin ang tao doon. madami ding mga dayo mula sa iba't-ibang lugar na mukang nalaman na nagsisimula na ang pasayaw dito sa lugar namin .

“ Hoy Elsher!  akala ko hindi kana naman pupunta sa pasayaw e! aba , madaming na nagtatanong saakin about sa--- ay sino yang kasama mo? ”

Tanong saakin ni joy , matalik kong kaibigan.  habang nakatingin ito sa lalaking nasa likuran ko.

“ Pamangkin ni kapitan... ” , sabi ko.

nakita ko ang paglaki ng mata niya at bumulong saakin . “ Gaga! ang pogi pala ng pamangkin ni kapitan, may kapatid bayan? ”

hindi ako sumagot dahil hindi ko naman alam kung may kapatid ito o wala.

“ Hi! Ako pala si joy , best friend ni Elsher. ikaw? ano name mo? ” , tanong nito sa lalaki.

“ I'm Daxton , miss. ”  , magalang na sabi ni Daxton.

kita ko ang pagkunot ng noo ni joy na parang may inaalala . “ Daxton? parang nakita o narinig ko na yung name mo pero hindi ko lang maalala. sorry ah , medyo ulyanin na kasi ako .hihi ”

kita ko naman ang pagngiti ni Daxton. mukang type niya ata si joy, maganda yan para lubayan niya na ako.

maya-maya ay nilapitan kami ni kapitan at inaya kami sa lamesa nila. isasama ko sana si joy kaso tumanggi naman ang gaga dahil kasama niya ang kanyang kuya. 

pagkarating namin sa lamesa nila may dalawang lalaki na hindi pamilyar saakin baka pamangkin din ni kapitan at kasama namin sa table ang ibang kagawad.

“ Ija. Dito kana lang umupo saamin hindi kasi pumayag yung lolo at lola mo na umupo ka sa upuan sa gitna ng sayawan .. ” , Sabi ni kapitan.

“ ay ganun po ba? sa upuan nalang po ako nila coopera uupo, kapitan. ” , paalam ko.

Kita ko na napatingin si kapitan kay daxton na hindi nakatingin saakin .

Akmang magsasalita pa si kapitan ng umalis na ako tumungo sa lamesa nila cooper. napatingin naman saakin ang kapatid ko na katabi ni kuya isagani , ang kuya ni joy.

“ oh? akala ko hindi ka makakapunta dito ate? ” , tanong nito saakin.

Umupo ako sa tabi ni Lindon , isa sa mga pinsan ko . “ Pinuntahan ako ni kapitan e, alangan naman tumanggi ako. ”

napatango nalang si cooper. saglit na nawala ang togtog at napalitan ito ng pagsasalita ni ate bea .

“ Kalma muna kayo dyan sa tabi guys . Meron tayong special dance request ng ating bisita mula sa syudad ng manila. Of course alam niyo naman ang purpose ng pasayaw na ito kundi para i-welcome ang mga pamangkin ni kapitan! ”

so hindi pala para sa nalalapit na fiesta itong pasayaw? Kundi para sa mga pamangkin ni kapitan?

“ Ni request ng mga pamangkin ni kapitan na magkaroon sila ng special dance with their special someone! I wonder kung sino kaya iyon? anyway , walang hahalo okay? kusang lalapit ang mga pamangkin ni kapitan sa kanilang matitipohan kaya good luck ladies! ”

Now playing : Darna , Ikaw Na by Daryl Ong

~ Kay tagal kita na hinahanap
Makapiling kahit sa pangarap
Ang sarili ay kinakausap
Makasama mo sa bawat paglipad
Bakit ba hindi ko maiwasan?
Na hagkan-hagkan ang iyong larawan~

nakita ko kung paano magayos si joy. umaasa talaga ito na pupulutin siya para isayaw ng Isa sa mga pamangkin ni kapitan. narinig ko ang tiliin ng mga babae mukang nakapili na ang tatlong pamangkin ni kapitan.

“ A-Ate..” , napatingin naman ako kay cooper na may nginunguso sa likuran ko.

kaya dala ng kuryosidad ay napatingin naman ako sa likuran at nakita ko si Daxton na naka lahad ang palad nito saakin.

“ May I have this dance? ” , tanong nito saakin.

kita ko ang sikuhan nila kuya isagani at lindon habang ako ay nakatingin lamang Kay daxton.

naramdaman ko ang simpleng kalabit saakin ni cooper habang mahinang bumubulong. “ tanggapin mo na ate , nangangalay na yung tao. ”

ilang saglit muna ako natigilan bago tinanggap ang kamay ni Daxton. Narinig ko pa ang pag hiyaw nila kuya isagani.

dinala niya ako sa gitna ng sayawan. nakita ko ang dalawa niyang kasama habang may kasayaw na babae at ang isa ay si joy. aba ang bruha mukang naka bingwet din ng taga syudad.

“ How are you , Elsher? ” ,rinig kong tanong ni daxton.

napatingin naman ako sakanya . “ Paano mo nalaman ang pangalan ko? ”

ngumiti naman ito saakin habang patuloy padin kami sa pagsasayaw. “ I already knew since fifteen years ago.. ”

kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya .  “ F-Fifteen years ago? ”

tumango naman ito saakin. “ Hm.. may kwento ako sayo ,makinig ka ng mabuti.. ”

hindi ako sumagot bilang tugon dahil nalilito ako sa sinasabi niya . How come na fifteen years ago pa niya ako Kilala?

“ Fifteen years ago , I met this girl doon sa malaking puno ng akasya sa farm ni aleng tindeng...  She's innocent, lovely, and charming. Everything about her was perfect mula sa hazelnut nyang buhok , brown eyes and even her skin color . ”

unti-unti ako nakakaramdam ng kaba sa sinasabi niya ... “ She used to call me tonton way back then because it's my nickname. ”

halos hindi ako makahinga sa sinasabi niya . Don't tell me?  si tonton na kababata ko at si Daxton na kailangan kong iwasan ay iisa?

“ binigay ko sakanya yung keychain kung saan nakalagay yung full name ko at nag-promise sakanya na babalikan ko siya after fifteen years at kapag wala pa siyang Asawa o nobyo that time ay aangkinin ko siya..... So , I have a question, Elsher. ”

Napalunok naman ako bago sumagot sakanya. “ A-Ano? ”

unti-unti itong lumapit sa tenga ko at bumulong . Sakto naman at tapos na ang kanta kaya rinig na rinig ko ang sinabi niya .

“ nasa sayo paba ang keychain ko, Elsher? if nasa sayo pa .. Can I make you mine like what I've promise to you before. ”

Literally , my heart beat stop ng marinig ko iyon mula sakanya.  dati nung sinabi niya iyon saakin ng bata pa kami ay sobrang saya ko pero ngayon.. hindi ko na alam.

Montangue #1 : Whisper of the heartsWhere stories live. Discover now