My Online Boyfriend

2.3K 73 18
                                    

~ ~ ~ x ~ ~ ~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~ ~ ~ x ~ ~ ~

There's love
After all the pain.

~ ~ ~ x ~ ~ ~

NAPANGITI ako sa harap ng salamin pagkatapos kong mag-ayos ng sarili. One-sided ang buhok na maayos ang pagkakasuklay. Suot ko rin ang eyeglasses kong may kalakihan ang frame at makakapal na lenses, dahilan para halos matakpan na ang mga mata ko.

Ayan! Mukha na akong good boy!

Pero unti-unti ring nabura ang mga ngiti sa mga labi ko dahil alam kong kahit magmukha akong tao sa harap ng marami, walang magbabago.

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa labas ng bahay. Agad naman akong sumakay ng kotse nang makita kong nandoon na ang maghahatid sa akin papasok sa school. Mayamaya pa ay umandar na ito.

Napabuntong-hininga na lang habang nasa loob lang ng kotse at nakatanaw lang sa loob. As usual, wala na naman ang mga magulang ko. Paniguradong nasa business trip na naman ang mga ito at kung saan lupalop ng mundo sila nagpunta, wala akong ideya. Wala rin naman akong balak alamin.

"Nandito na po tayo, Sir," paggising sa akin ni Kuyang Driver dahil kanina pa ako wala sa sarili.

"Salamat po," nakangiti kong sabi rito bago ako bumaba ng kotse.

Bumungad sa akin ang gate ng impyerno. Actually maganda naman ang gate na nasa harap ko ngayon. Maganda ang disenyo na para bang pinaghalong Victorian at moderno. Maganda rin ang color combination nitong gold at black. Pero gaano pa iyan kaganda sa paningin ko, impyerno pa rin ang nasa likod ng tarangkahang iyan.

Napansin kong nakatingin sa akin ibang estudyante at mayamaya pa ay magbubulungan habang sa akin pa rin nakatingin. Hindi ko na lang sila inintindi dahil sanay na ako.

Nasanay na ako.

Alam ko naman kasi kung bakit sila ganyan e. Dahil lang sa bakla ako. Hindi ko rin naman talaga balak mag-out e lalo pa at homophobic ang mga tao sa school na ito, kaso iyon na nga, mabilis kumalat ang balita.

"Best, bakla ako."

Iyan ang umalingawngaw sa speakers ng school. Agad namang nanlaki ang mga mata ko dahil kilalang-kilala ko kung sino ang may-ari ng boses ba iyon. Nagsimula na akong magpawisan ng malagkit at kabahan ng husto. Hindi ko na alam kung ano ang mga susunod na mangyayari pero parang ayoko nang malaman.

Napasinghap naman ang mga tao sa loob ng room namin at ang atensyon ng lahat ay nasa speakers. Ang lahat ay naghihintay ng susunod na sasabihin ng kung sino man ang naroroon sa Radio Club.

"Alam kong maraming nagulat," panimula ng kung sino man ang naroroon na ikinalaki na mga mata ko. Nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko. "Pero mas magugulat kayo sa rebelasyong ito. Dahil ang nag-iisang umamin sa aking bakla siya ay walang iba kundi si..."

Crowned: One-shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon