Scrabbled

556 13 0
                                    

~ ~ ~ x ~ ~ ~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~ ~ ~ x ~ ~ ~

Confessions through
Letter tiles

~ ~ ~ x ~ ~ ~

"ANONG topic natin?" tanong ni Alvin sa amin. Nagbigay naman ng iba't ibang suhestiyon ang mga kagrupo namin.

Throughout the period, walang napansin sa akin. Hindi naman kailangan. Alam naman nila na ganito ako. Hindi man magsalita ay alam nilang tutulong rin naman ako kapag sinabihan.

Nagsimula akong makaramdam ng pagkabagot kaya lumabas muna ako ng silid-aralan. Wala naman ang aming guro at nasa isa itong meeting.

Tumingin lamang ako sa malawak na field ng school mula sa fifth floor. Nag-iisa.

Sanay na rin naman ako.

Simula ng lokohin ako ng boyfriend ko - ex-boyfriend - at best friend ko - ex-best friend - ay nawalan na ako ng tiwala sa mga tao sa paligid ko. Sinong mag-aakala na ang isa't kalahating taon namin ni Harold ay puno pala ng kasinungalingan dahil isang linggo lang matapos maging kami ay naging sila rin ni Beverly? Hindi ko rin inakala. Ni hindi ko nga pinaghinalaan e.

Pero ang masakit ay makita ko silang gumagawa ng kababalaghan sa nineteenth monthsary namin. Nagse-celebrate ang mga katawan nila sa pawis, ungol at sarap habang hindi napapansin na nanonood ako. Nang makita ako ay mas pinamukha pa nila sa akin na ang tanga ko. Hindi sila huminto bagkus ay nakangiti pa ng nakakaloko habang umuulos.

Lumipat ako ng eskwelahan para lumimot. Nagbago ng numero. Nagpalit ng account sa Facebook. Binago lahat. Pati ugali ko.

Nawalan ako ng tiwala.

"Wren!"

Napalingon ako kay Kevin na kasalukuyang papalapit sa akin dala ang isang Scrabble board. Nakangiti pa ito sa akin na akala mo ay magkaibigan kami.

Hindi naman maipagkakailala na may ipagmamalaki rin ito. Light complexion na halatang may lahing Spanish, matangos ang ilong, may kanipisan at mapupulang labi, nangungusap at bilugang mga mata, matipunong tindig at ngiting ikalalaglag ng kahit ank na pwedeng malaglag.

Gwapo ang kumag.

Tiningnan ko lang ito at hindi sumagot.

"Laro tayo," aya nito at iniangat ng kaunti ang Scrabble board. "Wala naman tayong magawa e."

Tumango na lang ako dahil wala naman talaga akong magawa.

Umupo kami sa hallway tapat ng room namin. Binuksan nito ang board at saka ako binigyan ng isang rack. Kumuha rin kami ng tigpitong tiles ng letters.

S F E T U A N

Pinauna ko nang tumira si Kevin. Naglagay naman siya ng letters sa board and formed the word 'LONER', letter N on center square. Nag-angat ito ng tingin mula sa board at saka ngumisi sa akin. Bumunot na ito ng letters para mapalitan ang mga nawala.

Crowned: One-shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon