Once Again, With Feelings

470 16 0
                                    

~ ~ ~ x ~ ~ ~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~ ~ ~ x ~ ~ ~

Love is sweeter
When it is real.

~ ~ ~ x ~ ~ ~

"NABALITAAN mo na ba?" tanong sa akin ni Eli habang naglalakad sa hallway ng pinapasukan naming school. Yapos nito sa dibdib ang librong gagamitin sa pagtuturo, ang bag nakasabit sa kanang balikat.

"Hi, Sir!"

Nakangiting binati ko muna ang mga estudyanteng bumati sa amin bago bumaling muli kay Eli.

"Nabalitaan ang alin?" pagbabalik-tanong ko rito habang inaayos ang suot kong salamin at mas niyakap pa ang dala kong lesson plan.

"Ay, hindi mo alam?!" gulat na tanong nito uli sa akin. Bored na tingin naman ang sinagot ko rito.

"Malamang," sarkastiko kong sagot. "Magtatanong ba ako kung alam ko?"

Tipid na lamang itong ngumiti sa akin bago tumikhim at magsalita uli.

"Well, nakita ko lang ito sa Facebook," panimula nito na tinaasan ko naman ng kilay. "Nakauwi na pala si Fritz dito sa 'Pinas."

Napatigil naman ako sa paglalakad at napaisip.

Nandito na uli si Fritz?

Kumabog ang dibdib ko nang isiping nandito na sa 'Pinas ang nag-iisang taong minahal ko pero hindi niya alam.

"Mamaya ka na magmuni-muni, Theo," paggising sa akin ni Eli. "May klase pa tayo."

Nginitian ko naman ito bago nagpatuloy sa paglakad.

"CLASS dismissed," anunsyo ng guro namin sa harapan dahilan para magkagulo ang mga kaklase ko. Lahat ay nagmamadaling mag-ayos ng gamit.

"Saan ba tayo?" tanong ni Kurt, isa sa aking kaklase, habang isinasabit ang bag sa kanyang kanang balikat. "Kina Fritz ba?"

"Oo, doon nga sa amin," sagot naman ni Fritz sa tanong ni Kurt habang inilalagay ang mga gamit sa bag niya.

"Fred, saan kayo pupunta?" tanong naman ng kaibigan kong si Eli na kasalukuyang nakaupo sa harap ko. Hinihintay na lamang ako nitong makapag-ayos ng gamit.

"Sa bahay nina Fritz," sagot ni Fred kay Eli na naghihintay na lamang sa may pinto. "Sleepover lang kami bago man lang tayo maka-graduate."

Crowned: One-shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon