CHAPTER 1

118 17 5
                                    

Hana POV

" Punyeta panay walang assignments! Nag aaral ba kayo?!" Hindi natutulog.

" Ilang beses ko na yang tinuro sa inyo pero bakit hindi pa maisaulo ng iba?!" Kasi ganda lang ang ambag ko. Hehe,

" Ang init na nga, pinainit niyo pa ang ulo ko!"

" Ma'am pwede po kaming makiluto? Sakto may dala kaming pangkape mamaya. Nakalimutan kasi ni Devian mag dala ng mainit na tubig!" Sabat ni Vion sa gitna ng pagtatantrums ni Ma'am Calamcam. Sabay taas sa hawak nitong twin pack na kape. Tumawa ang katabi nitong si Beatrice na ubod ng kapal sa make up.

Nanlaki ang mata ni Ma'am at galit na ibinato ang eraser kay Vion pero dahil sa pag ilag natamaan ang mata ni Beatrice. Natahimik nalang ito sa pagtawa at mangiyak ngiyak na lumingon sa akin. 

Pftt, panda bigla ang bff ko.

Muntikan na iyon, sa mukha ko. Ikakamatay pa naman ng mga people kung masisira ang ganda ko.

" Walang modo! Sa tingin niyo nakikipag biruan ako? Kayo nalang kaya mag turo at ako ang makikinig?!" Galit niyang utos.

Napatayo ako at tumungo sa harapan. " Okay, sige ma'am upo ka diyan. Guys dismissed!"

Agad nag si tayuan ang mga kaklase ko. Sayang-saya pa sila na umalis sa classroom habang si Ma'am naman panay paypay sa sarili habang mas lalong sumalubong ang kanyang mga kilay.

" All of you! Go to my office after this class! Nag didilim paningin ko sa inyo!" tili nito hindi dahil sa kilig kundi dahil sa galit sa kalagitnaan ng pag labas namin. Agad namang nag sibalikan sa kanilang upuan ang mga kaklase ko.

" Ma'am talaga pong madalim. Naka shade ka po," saad ko sa kanya. Tinapunan ako nito ng masamang tingin at umirap.

" Ang panget niyo na nga lang. Panget pa ng attitude niyo!"

"Panget kasi nang nagtuturo," iritang bulong ko. Agad napahagikgik sina Vion na sinangayunan naman nina Lizel.

" Trutsie,"

" Napapagod na ako mga anak." Naiiyak si ma'am na lumingon sa amin.

Hala! Anak niya kami? Bakit ngayon ko lang nalaman? Ang dami niya palang anak? 45 kami sa classroom.

Napasinghap ako, ang baboy naman ni maam manganak.

" Paano kaya siya napagod? Eh kanina pa lang naman siya nakaupo?" Inis na tugon ni Devian habang pinaglalaruan nito ang kanyang ballpen.

Nilingon ko ang may itim na mga mata, at heart throb ng aming campus. Si Devian Gomez, a part of SSG.

" Mga bobo, malamang kanina pa naglalakad yung boses niya." Saad naman ni Livel.

" Anong connect?" takang tanong ko.

" Hindi ko alam Bes, search mo nalang sa google." 

" Wala akong dalang phone." Sagot ko.

Napalingon sila sa bag kong malaki. Bago nag taas ng kilay. Para kasing maleta ang bag ko.

" Anong laman niyan?" Tanong ni Vion.

" Pastillas,"

" Masarap ba yan?" si Devian.

" Oo,"

" Patikim nga," agad ko siyang binatukan. Anong akala niya sa akin uto-uto?" pinukulan ko siya ng masamang tingin. Bago matamis na ngumiti. " Oh, ito patunay. Free taste!" Saad ko.

Nag sipalakpakan sila bago nag situngo lahat sa puwesto ko para kumuha ng pastillas. Nanlaki ang mata ko nang makita na ubos na agad ang laman noon. 

" Thank you,"

" Bait mo talaga," 

" So sweet naman," 

Anong mabait?! Masama ko silang pinukulan ng tingin bago kinuha sa mga bunganga nila yung pastillas. 

" Eww neymen yen, why the hell you put your maduming hands in my bungenge?!" iritableng tanong ni Xenon Chua.

Isa siyang inglesero na may yellow na buhok. Siya si Xenon alyas Mais.

" Kay Devian lang ang free hindi sa iyo!"

Salubong ang kilay nitong tinignan ako bago kay Devian. " Ang damot naman. Di naman masarap." 

Abay nilait pa talaga ng gagong ito yung tinda ko!

" Students at the back! Kita niyong may nag sasalita na tao sa harap niyo di man lang kayo rumespeto!" Bulyaw ni maam sa amin. Agad akong umupo sa tabi ni Vion.

" Tao ba siya?"

" Gagi ang sama mo Bes," Saad ni Vion.

Galit ko siyang tinitigan. " Mas masama itsura mo kaya tigilan mo ako."

Natahimik ito at napakamot sa ulo.

" Tung mga batang ito. Panay tarantado! Nakakalimutan niyo na boundaries niyo huh! Get one whole sheet of paper. Number your paper to 100."

 Ano ba yan! " Penge papel," Saad ko kay Livel. Ang pinaka nonchalant at smart kong friendy.

Tinitigan ako nito at ipinakita ang papel niya na may mga mahabang pangalan. " Livel De Apple Fruta Blue Berry Grapes Rose Valentina Gutcherez." Basa ko sa pangalan niya.

Napairap ako. Haba ng pangalan. Halatang Fruit lover mama niya pero bakit may Rose? Mukha naman siyang lantang rosas?

" Faster!"

" Bilis na oh!"

Agad kong pinunit ang papel ko pero natigil ako nang may mag lahad ng papel sa akin. Marahan akong napaangat ng tingin at tila tumigil ang mundo ko ng masilayan ang gwapong nilalang sa mundo ko. 

He's tall and muscular, his legs are long and well formed. His chest, oh my...parang kaysarap sumandal sa malapad niyang dibdib. Maputi, pointed nose, kissable lips, perfect jaw, at may asul na mga mata. Lumapit ito sa akin dahilan ng pagkabog ng dibdib ko. Agad akong napaatras ng upo.

Rinig ko na,

Sabi niya Kian,Kian,Kian.

" P-para sa akin?" 

Ngumiti siya sa akin bago tumango. Gosh! Ang pogi! Lihim akong napangiti at kinilig with matching twinkle eyes at pabebe moves.

" T-thank you," Saad ko sa kanya pero nginisian nalang niya ako.

Napawi ang ngiti ko nang lingunin ko ang papel na binigay niya. Nanlaki ang mata ko ng makita ang nakalagay sa likod nito.

Isang malaking Fuck You na word na may guhit!

Agad ko iyong niyupos at ibinato sa kanya. Pero iba ang natamaan ko. Nanlaki ang mata ko ng tumama yun sa eye glass ni Ma'am Calamcam.

Napalingon siya sa akin ng masama, at binuksan ang binato ko. Nanlaki ang mata niya.

Oops,

" Ms. Hanna! Go to my office now!"

Hala! Inis akong napalingon kay Kian na kasalukuyang piping humahagalpak sa tawa kasama ng mga pipitchugin niyang ingleserong friends.

Tanginaniyo! Babawi ako! 

My Enemy is my crushWhere stories live. Discover now