CHAPTER 6

20 11 0
                                    

HANA POV

Chapter 6

Ano bang problema nang mokong na ito at kanina pa siya lingon ng lingon. Marahang tumaas ang kilay ko ng mag tama ang mga mata naming dalawa. Marahan ding tumaas ang kilay niya sa akin.

" K-kian I already finish my work. I can help the other members!" 

" Ako din Kian, pwede ko nang tulungan si Hana sa ginagawa niya."

Agad Kong binalingan ng tingin Ang katabi Kong si Gian. Nakasalamin ito at may suot na brace. Napangiwi ako nang malapad siyang ngumiti dahilan para Makita ko ang itim niyang gilagid. Inirapan ko siya.

" Hindi na, part ko ito as a member. Saka...basic lang ito noh!" pagmamayabang ko with matching lahad sa Dami ng pinagawa sa akin ni Kian.

Anong tingin niya sa akin? Bobo?! Hell no! Isasampal ko sa mukha niya kung nagawa ko lahat ng ito.

" Sige na. I'm a smart remember?"

Aba nag yabang pa! " Smart na panghugas ng pinggan?"

" Ofcourse not. Genius ako. GENIUS!" mariin nitong sambit.

Kung ipagawa ko sa iyo lahat ng ito? Tutal genius ka naman pala at mayabang. Akmang ilalahad ko palang Ang mga papel ng nabitin yun sa ere.

" Don't help her Gian. That was her part, kung tapos kana. Mag hanap ka ng pwedeng gawin na iba. Wag mo na siyang tulungan, kaya na niya yan." malamig nitong saad bago nag patuloy sa pag titipa sa computer.

 Inismiran ko siya. Talaga kaya ko to no! Mag dadasal muna ako Kay Alberto Eins...

Sino na yun?

Basta yun si Alberto yung matandang may nakatayong puting buhok. Ang sabi sa akin nina Tito isa siyang dakilang magician. Nakakagawa daw siya ng mga bagay bagay na Hindi nila maintindihan. Gaya ng...

Basta! Ayun, nakalimutan ko na.

Napakamot ako ng ulo. Ang hirap naman kasi itong part ko gagawa pa ako ng definition para sa Basic Cal solution. Ano ba ito. Ang hirap naman. Ang alam Kong group project gagawa ng mga bagay bagay na related sa subject. 

Gen bio si Ma'am huh? Paano naging basic cal yung gagawin ko?

" Paano ito Kian? Should I also copy this and send to you? Look it was related in our article." Saad ni Sofia. Lumapit ito Kay Kian hanggang sa maglapat ang kanilang mga braso.

Napatigil naman si Kian at itinuon ang atensiyon roon. 

Parang may dumadaang kuryente sa mga mata ko ng natama yun sa magkalapat nilang balikat. 

Shet Landi!

Natawa naman ang gago na akala mo may nakakatawa sa sinabi ng babaitang Sofia. Ano yun? Mababaw ang kaligayahan niya lang?

" You can copy that and revise then send it me." nagkatinginan pa sila sa isa't isa bago napangiti at bahagyang natawa.

Buang ang dalawa.

" Grabe, wag mo naman panggigilan yang paper works ko! Kung nag seselos ka sa kanila sabihin mo, Hindi yung kailangan mo pang manggigil ng iba. Kainis ka!" sita ng katabi kong si Claire isa sa mga kagrupo ko. Hindi ko namalayan na nayupi ko na pala yung gawa niya. 

Agad ko iyong binitawan na ikinairap niya bago tumalikod.

Kung ikaw kaya panggigilan ko? Impokrita ka, dami mong alam na selos-selos. Sabunutan kita diyan eh. Nang gigigil ako sayo!

My Enemy is my crushWhere stories live. Discover now