PROLOGUE

5 0 0
                                    

Prologue:
My Shade of Pink

CERISE

My shade of pink is bright and vibrant. Cerise is a deep and rich shade of pink that is bold and eye-catching color that exudes energy and passion.

In terms of symbolism, cerise is often associated with emotions such as love, passion, and desire. It is a color that exudes sensuality and intensity. Cerise can also symbolize strength and confidence, as it is a bold and assertive color that commands attention.

My life is that shade of pink. Not because I was named after that color but also because of my dearest family.

Cerise Prancesca Alcayde, bunso sa limang magkakapatid ng mga Alcayde at nag iisang babaeng anak sa buong angkan.

Even though I'm the only girl in the family, lumaki akong hindi One of the Boys. My family showered me with all the girly stuffs.

"Babe, sabi ko kasi sayo na sasama kami."

I rolled my eyes at him. Nasa kabilang linya ito. Naka suot ako ng headphone habang kausap siya.

"Mas lalong ayaw ko. Kaya ko naman mag-isa." Sagot ko habang hingal na hingal.

Dala-dala ko kasi ang luggage ko sa hagdan. Akala ko kasi may elevator sa condo unit na napili ko. Wala pala. Nasa Third floor pa naman yung unit ko.

Pawis na pawis na ako habang dala-dala ang aking maleta paakyat. It's so heavy.

"Ano ba ginagawa mo? Ba't hingal na hingal ka?" Tanong nito sa kabilang linya.

"Wala. Don't mind me! I can manage, Constantine. I'll hang up! Bye!" And then I ended the call. Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko ulit pero di ko na sinagot pa kung sino man ang tumawag sakin.

I'm busy everyone!

Kaka-akyat ko lang sa second floor.

Napabuntong hininga ako. Come on Cerise! You can do it!

At pumanhik na nga ako sa hagdan dala-dala ang luggage ko na kulay pink.

Ang kausap ko kanina ay ang panganay kong kapatid. Constantine Alcayde. He's 12 years older than me. Ang iba ko pang kapatid ay tig isang taon lang din ang agwat ng edad sa bawat isa. Caleb, Caspian and Crimson. They are my four brothers who's way-way older than me.

Akala nga noon nila Mommy, di na sila magkaka-anak pa ng babae.

After Crimson, hindi sila nabibiyayaan ng anak na sunod pa kahit anong gawin nila. Akala nila ay hindi na sila makakabuo pa ng isang anak.

Lahat ng apat kong kapatid, gusto din ng kapatid na babae. Even Crimson, the youngest brother wants a baby sister kaya ginawa nila lahat.

Siyam na taon.. bago ako sumunod kay Crimson.

I just call them by their names by the way. Ang sabi sakin nila, mas mabuting sa pangalan na lang nila ang tawag ko while they all call me Babe.

Ewan ko sa mga iyon. Ginawa ba naman akong bebe.

Well, they use to call me Baby pero nong nagsimula na ako sa teenage years, Babe na lang tinawag nila sakin.

Kaya ganon na lang kakulit sakin ang mga kapatid ko dahil ngayon ay tinatahak ko na ang landas na mag-isa.

I just turned 18. At magkokolehiyo na.

Ayaw nila akong payagan na sa malayo mag-aral ngunit pinilit ko sila. Buong buhay ko ay dependent ako sa mga kapatid ko at kila Mommy. Dahil nga nag iisa akong babae sa pamilya, they took care of me twenty-four seven. Ayaw na ayaw nilang mawala ako sa mga mata nila.

Pink Palette: CERISEWhere stories live. Discover now