Prologue

3 0 0
                                    

Message for the readers:
Dear Readers,

Thank you for reading this story. Please bear with any imperfections you may encounter – the story is a work in progress.  Your understanding and patience are truly appreciated.

Warm regards,
Ane_54

~Prologue ~

"Seraphina, please wake up na!"  Rinig kong sigaw ni Ami

Ang aga aga pa pang ang iingay na nila! Sabado pa lang e. Wala naman akong trabaho ngayon.

"Hoy! bumangon ka na diyan Sera." 
Si Alaya na naman ang sumisigaw, ewan ko ba bakit ganyan sila e ang aga aga pa. Nyenyenye wala akong naririnig mga bebegirls.

Siyempre joke lang, after 30 seconds bumangon na rin ako, baka magreklamo pa yung mga kapit bahay namin dahil sa ingay ? Baka abot hanggang kanto rinig pa boses ng mga 'to e.

Pagkabangon ko dali dali akong tumingin sa phone ko para malaman kung anong oras na. 7 am palang pala, makasigaw sila akala ko alas dose na.

Dali dali na akong lumabas sa kwarto ko  at dumeretso sa sala.

"Good morning, mga baby girls. Gising na ang maganda!"

"Weh? kanina pa naman ako gising e" sabi ni Ami

"Huh? Diba kakagising mo lang din? Ginising kaya kita. Nauna ako magising kaya ako ang OG maganda" sumbat naman ni Alaya sabay kindat

Ganto madalas umaga sa amin. Maingay,  may asaran at siyempre palaging masaya. Ewan ko ba at napakagaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko silang dalawa. Kaya kami nakatira sa iisang bahay lang e, ganon kami ka clingy sa isa't isa.

"Papunta na raw si Vince, Jaden, at Gavin dito." wika ni Ami

"Huh wala bang pasok yung mga yun?" Tanong ko

"Kahit naman hindi pumasok mga yan may pera pa rin sila. Parang mga apo ni Henry Sy ang peg" sagot ni Ami

"AY! Ibabalik na nila yung anak mo beh, 1 week din nasakanila yun ah." dugtong nito.

"Yung mga lalaking yon e hindi nalang kasi gumawa ng sariling anak. Inaangkin tuloy nila yung anak ni Sera HAHAHAHA" tawang tawa na sabi ni Alaya

7 years old na si Sam ngayong September 10. Seven years niya na akong iniwan. Mahal ko pa ba siya? Ewan ko. Hindi ko alam...

Akala ko babalikan niya ako, mali pala ako. Hindi na siya bumalik. Hindi niya na ako mahal.

Nabuhay ang dugo ko nung marinig ko ang tunog ng sasakyan nila.

Lumabas kaming tatlo para salubungin sila. Pagkaopen palang ng pintuan ay tumakba na agad si Sam sa akin.

Miss na miss ako ng anak ko ah. Binully nanaman siguro 'to ng three idiots na'yon.

"Hi, mommy! I missed you so much po"
Sabi niya habang nakakapit ng mahigpit sa akin.

"I missed you too, my baby. Kamusta?"
I asked her

Tinignan ko ang three idiots, mukhang guilty ang mga 'to. Ano nanaman ang ginawa nilang katarantaduhan. Baka pinakain nanaman ng ice cream for breakfast, jusko.

"Mommy, it was very masaya po. I can put makeup sa face po nila tito. They also bought a lot of dresses, makeup and toys for me. I also ate a lottt of cake and ice cream." Sagot ni Sam sa akin

Sabi na nga ba, tama ako e.

Tawang tawa naman silang lima, ginagawa kasi nilang doll itong anak ko. Pero at least may mga tita at tito na nagmamahal nang lubusan sa anak ko diba.

The Love GlitchWhere stories live. Discover now