Sa madilim at maulan na gabi ang mga tao ay mahimbing na natutulog at walang ka alam-alam sa mga nangyayari sa kanilang paligid, Ngunit sa kagubatan ay maririnig mo ang sigaw ng paghingi ng tulong at pagmamakaawa ng isang kawawang babae.
“Tulong! Tulungan nyo ako! Nagmamakaawa Ako!tulong!” pilit na sigaw ng babae kahit pa'y siya ay namamaos na.
Puno ng galos at mga sâksâk ang kaawa-awang babae at ang kanyang kaliwang paa ay bali na kaya hirap syang tumakas mula sa kamátáyàn na nakasunod sa kanya. Sa kabilang banda, may isang pigura ng tao ang nakasunod sa kanya na animo'y nababaliw na, ang kagubatan ay napupuno ng sigaw ng kawawang babae at ang paghalakhak ng isang tao na para nasisiraan na ng bait.Dahil sa baling paa ng babae ay nahuli sya ng kíller na pinangalan nilang Crow.
Nahuli ni Crow ang babae at pinag-sasaksak ito nang paulit-ulit hanggang sa ito ang naging dahilan ng pagkamatay ng babae.
“ feels so good, sinabi ko na sa inyo na don't be curious about my life or my face because the more you know about me, the exchange of that knowledge is your life. You are digging your own grave”