Chapter 4

4 0 0
                                    

[Ramon's Pov]

"Oh maaga ka yatang nakauwi mahal?" sabi ni Camila.

"Oo mahal" sabi ko.

"May problema ba? Mukhang problemado ka" alalang sabi ng asawa ko at umupo sa tabi ko.

"Mahal kailangan niyo ng umalis dito ni Lilianne sa lalong madaling panahon dahil hindi kayo ligtas dito" sabi ko at hinawakan si Camila sa kamay.

"Teka sandali lang mahal bakit bigla-bigla naman yata ito" sabi niya.

"Atsiyaka bagong lipat pa lang natin dito" dagdag na sabi niya.

"Ano bang nangyari? Kwentuhan mo nga ako" aniya.

"Hindi kayo ligtas dito, mamamatay tao ang mga Del Fuego" sabi ko.

"Teka paano mo nasabi yan mahal? May ebidensya ka ba? Baka ikakapahamak mo yan" alalang sabi ng asawa ko.

"Wala pa pero makakuha din ako ng ebidensya" sabi ko.

"Mahal kumalma ka lang, walang mangyayaring masama sa atin okay?" sabi ni Camila at pinakalma ako.

"At siyaka mahal kung ano man yang iniisip o binabalak mo huwag mo nang ituloy, kilala kita baka ikapapahamak mo yan, ayokong mangyari yun" alalang sabi niya.

"Huwag kang mag-alala mahal, hinding-hindi ako mapapahamak at hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo lalo na sa anak natin" sabi ko at hinawakan sa magkabilang-pisngi si Camila.

"Ah nay tay, ano po bang nangyari? At bakit mamamatay tao ang mga Del Fuego?" kuryos na tanong ni Lilianne.

"Wala anak, pumasok ka na muna sa kwarto mo" sabi ni Camila.

"Hindi dapat mamulat na sa realidad ang anak natin" ani ko.

"Mahal, masyado pang bata si Lilianne para dito" aniya.

Nilapitan ko ang anak ko at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Kahit na bata pa siya mahal dapat alam niya ang nangyayari sa paligid niya, kung paano niya ipagtatanggol ang sarili niya at gamitin ang natutunan sa tamang paraan." pagpapaliwanag ko.

"Gusto ko anak na matutunan mong ipaglaban at ipagtanggol ang sarili mo dahil hindi sa lahat ng panahon ay nandiyan kami ng nanay mo para protektahan ka" dagdag na sabi ko.

Hindi ako titigil hangga't hindi ako makakuha ng ebidensya sa pagkamatay ng taong yun, aalamin ko kung may kinalaman si mayor dito. At pag nakakuha ako ng ebidensya ay sisiguraduhin kong mananaig ang katotohanan sa kasamaan.

[Governor Luciano's Pov]

"Leila tawagin mo nga si Beverly, papuntahin mo dito sa opisina ko" utos ko sa kasambahay.

"Yes po Gov" sagot niya

Malapit na ang opening at blessing ng building na pinatayo ko sa eskwelahan, isa yun sa proyekto na isinagawa ko.

"Beverly, i-announced mo na ang schedule at gusto ko bukas na bukas i-lalaunch ang opening ng building" sabi ko.

"Yes papa, I'll call my assistant para ihanda ang mga kakailanganin and to organize this whole event" sabi niya.

"Good" sabi ko.

"By the way, nailigpit mo na ba ang bangkay ni Cruz?" tanong ko sa kanya.

"Yes papa, inutusan ko na ang trusted police mo na si Sandoval at Fuentes" sagot naman niya.

"Mabuti naman, alam ko namang maaasahan ko yang si Sandoval, matapang at magiting na pulis, alam kong susunod yan sa lahat ng utos ko" ani ko.

"Well papa, I did my research and guess what he's also a private investigator and clerk sa pao" sabi niya.

Vengeance Of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon