---
Punyetang ulan naman 'to! Ngayon pa talaga ha?! Ngayon pa talaga!
"Shit, shit, shit talaga!"
Hindi man lang nagstay yung tricycle driver para tulungan ako buhatin mga gamit ko kahit hanggang sa silong lang, kitang-kita na ang lakas ng ulan! Walang puso amputa.
Alas-otso na ako nakarating dito sa Poblacion sa boarding house na nakuha ni Mama para sa akin at talagang ngayon pa umulan kung kailan patay na yung phone ko. Hindi ko tuloy matawagan si Mama o yung number ng may-ari ng boarding house na binigay sa akin.
Sa patong-patong na stress mula sa malayong biyahe, gutom, dead batt phone ko, pikon dun sa driver, at yung malakas na ulan – lahat-lahat na, hindi ko na talaga alam anong gagawin.
Naupo muna ako sa hagdan – basang-basa at nilalamig, para magpakalma at mag-isip ng sunod na gagawin. Buti naalala ko yung room number na sinabi ni Mama kanina bago ako umalis.
Pagod at nilalamig, binuhat ko pa rin mga gamit ko paakyat sa third floor kung nasaan yung Room C2. Wala akong susi kasi nga hindi pa kami nagkikita ng may-ari at baka mapagalitan pa ako kasi pumasok na lang ako bigla sa building ng walang pasabi pero hindi nya na rin naman ako masisisi.
Bukas yung ilaw ng kwarto, ibig sabihin nandito na yung nabanggit ni Mama na kasama ko daw sa boarding house. Hindi na nga ako nakapasok sa first day of classes eh pero sure naman ako puro pakilala lang din nangyari kanina. Sana, hays.
Nakasampung katok na ata ako at ilang kalmadong "Tao po" sa pinto. Sinusubukan ko din sumilip sa bintana pero nakataklob yung kurtina sa loob, nakalock parehas yung pinto at bintana, kahit anong pihit ko ng doorknob ay sarado talaga.
Umiinit nanaman ulo ko pero nagpipigil ako kasi hindi ko na to lugar. Baka mapasama pa si Mama pag nang ginago ako dito.
"Tao po. Hello?? Tao po. Roommate mo po ito."
Putcha, baka nakaheadset or tulog? Tangina ang lamig na dito sa labas, putangina talaga.
"HOY! BUKSAN MO NAMAN TONG PINTO!"
Hindi ko na napigilan sarili ko sa sobrang inis. Narinig ko naman na may parang naglalakad na sa loob. Tangina, sino ba tong roommate na ito ha.
·- -· ···· ·- -· --· · --- ··-· ·--· --- ·· - - --- ··-· ···- ·· · ·--
I jumped out of bed from the shout outside. It's probably my roommate and sobrang kinakabahan ako kasi he sounded mad. He because it's clearly a guy on the other side of the door.
Hindi na ako nagrespond and just opened the door but for fuck's sake I don't think tapos na ang universe with its surprises for today.
"Ikaw?"
"Putcha."He sounded mad but when wasn't he?! From fighting me over who gets to use my favorite swing sa playground, to lashing out on me for beating him to student council presidentship and every other thing, never nya akong hindi minura at namura.
"Tangina, ang yaman-yaman nyo, di mo afford kumuha ng sarili mong apartment dito sa Poblacion?" he exclaimed as he starts to get his stuff inside the house.
I insisted on helping him to get his stuff kasi he's already soaking wet from the rain but he blatantly refused my help.
"It wasn't my decision to make Kaloy." mahina kong sabi.
"Kaloy amputa, ano tayo? Elementary? Calvin na itawag mo sa akin, may makarinig pa sa palayaw ko na yan, magamit pa dito." galit nanaman sya.
Kaloy, or now as he insists, Calvin, is a childhood friend who seems to have a love-hate relationship with me. We're not enemies (I'd like to think) pero we're not exactly the best of friends. My family has beef with his and I guess he's been told stuff I haven't kaya I don't get the full context pa.

YOU ARE READING
Under One Roof
RomantikHome. Not necessarily a place or an establishment. Home could be a person, a passion, a path. A boarding house. All applies to Dean. Dean Vale Tan embraces independence at Southeast Pacific University, where he faces academic challenges and reconnec...