Prologue

3 2 0
                                    


“Mom, pauwi na po ako diyan. May dadaanan lang po ako” sagot ni Jeiro, anak ko, nang tumawag ako sa kaniya para tanungin kung diretso bahay na ba ang uwi niya.

“Jeiro, listen to me, okay?” I said and he didn’t respond kaya tinuloy ko na ang sasabihin ko,

“Don’t go home, huwag kang uuwi dito. Dumiretso ka sa kaibigan mo muna, stay there, until I call again, okay?” Sambit ko at  bigla na lang siyang nagtanong ng kung ano ba ang nangyayari,

I can’t tell him, hindi pa niya pwedeng malaman. Saka na kapag ayos na at wala na sa buhay namin ang lalaki na ‘to.

“Just don’t, Jeiro, okay? Malinaw ba ang sinabi ni Mommy?” paglilinaw ko,

“Yes, Mom. Just be careful, I will wait for your call” sagot niya sakin saka ko ibinaba ang tawag.

Iginala ko ang mata ko sa buong bahay, bakit ba hindi ko agad napansin ‘yun? Nakatira kami sa kakahuyan, malapit na sa gitna ng gubat. Bakit ba hindi ako naglakas ng loob na magtanong dati?

At laging naiiwan ako dito sa bahay, simula nang mag-aral si Jeiro siya ang naghahatid at nagsusundo. Nung lumaki ang anak namin, binilhan pa niya ng sasakyan para matuto na magmaneho at umuwi mag-isa.

Ang bsbo mo, Theia. Bakit ang tsnga mo sa mga bagay-bagay? Itinatago ka niya dito, bakit ba ngayon ko lang nalaman? For almost 13 years, I live in this house is just all of his plan.

Tumakbo ako papunta sa kusina para tingnan kung nandun pa ba ‘yung spare key ng kotse na itinago ko kung sakali na may emergency at ito na ‘yun,

Nilibot ko na ang buong kusina, shít bakit wala dito? nakita ko pa ‘yun kahapon dito.

“Isip, Theia, Isip” sabi ko sa sarili at dumiretso ako sa kuwarto namin ni Dwayne,

Baka nandito ‘yun, tiningnan ko lahat ng closet ng kuwarto namin pero wala pa din,

Naisahan niya ako, alam niya na may nalaman na ako kaya tinago na niya, talino ng psta.

“Ayun! Bakit ba hindi ko agad naisip?” saad ko sa sarili, at agad na tumakbo papunta sa walk-in closet ko,

Agad kong kinuha ang isang box na nakalagay sa taas ng patungan ng sapatos ko,

“Here you are, I found you!” sambit ko at agad na tumakbo papunta sa sala, agad kong kinuha ang cellphone ko pati ang wallet ko,

Nahanap ko ang isang susi na may access sa isang kotse na nasa lumang garahe, sana gumana ito na lang isang pag-asa ko,

Dumiretso ako sa back door dahil walang cctv dito, imposible pa na makita niya pa ako,

Akmang bubuksan ko na ang back door pero bumukas ito nang kaniya, napaatras ako sa nangyari at nakita ko si Dwayne.

“Why are you leaving, My Love?” he said in a calm tone, napaka-pakitang tao talaga,

“Hindi kasi agad makakauwi ang anak natin, kaya lalabas sana ako kahit saglit lang” sambit ko at dahan-dahan naman itong lumapit sakin, hinawakan niya ang pisngi ko,

“Where do you want to go, then?” tanong niya sakin,

“Sa park? Gusto ko sanang gamitin ‘yung kotse ko? Nandito pa ba ‘yun?” tanong ko sa kaniya at umayos naman siya ng pagkakatayo, tingnan natin kung nagsisinungaling ka ngayon

“Bakit ‘yun pa? May kotse naman ako” giit niya pero pinagpilitan ko pa rin ang gusto ko, may parte sa kaniya na kilala ko pa na kapag may gusto ako susundin niya,

Naglalakad kami ngayon papunta sa lumang garahe, at nang makarating kami sa kotse ay tinanggal niya ang tabing nito,

“Ang alikabok!” reklamo ko na natawa naman siya, siraulo na lalaki ‘to

“You wanna try it? Kung nagana pa, kasi matagal na ‘yan diyan” tanong niya sakin at agad naman akong tumango,

Pagkakataon ko na to para makaalis dito kaso saan ba ang daan dito? Napasapo ako sa ulo nang makasakay ako sa sasakyan,

Ini-start ko ang engine at sinubukan kong paandarin pero ayaw gumana, mangiyak-ngiyak na ako sa pagpapa-andar hanggang sa may naramdaman ako na nagalaw ‘yung kotse,

Napalingon ako at itinutulak pala niya para sakali na mapa-andar ko, hindi naman ako nabigo at umandar na ang kotse,

Pagkakataon ko na to, agad kong binilisan ang takbo at dumiretso sa daanan na nakita ko kanina,

Dinig ko ang sigaw niya mula sa likuran at may isang ingay akong hindi inaasahan, isang ingay ng baril?

Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo hanggang sa may makita ako na kalsada sa hindi kalayuan,

Liliko na sana ako nang biglang may bumangga sa likuran ng kotse, si Dwayne

“You won’t get away from me!” sigaw niya mula sa likuran ko, hindi ko na ‘yun pinansin at nagpa-andar na lang ako ng maayos,

Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko, hindi ko agad naisip na baka mawalan ako ng preno dahil nasira na ‘to dati,

Inapakan ko ang preno, bakit ayaw gumana? Naloko na nasira na naman

Iniliko ko ulit ang sasakyan at nasa likod ko pa rin siya sumusunod,

Nagulat ako nang bigla niyang barilin ang side mirror nang kotse ko,

“Lumayo ka sakin!” sigaw ko sa kaniya at hindi ko napansin na may puno pala sa nilikuan ko,

Napasalpok ako sa puno at napauntog ako sa manibela,

Hinawakan ko ang ulo ko, may dugo na ayaw tumigil sa pagtulo.

Biglang may humila sakin palabas sa sasakyan, at tinutukan ako ng baril sa ulo,

“So, alam mo na lahat?” tanong ni Dwayne sakin, hindi ako sumagot at tumitig lang ako sa kaniya,

“Answer me!” sigaw niya at binaril ang binti ko, napaka-sama talaga ng tao na ‘to,

“Bakit mo ako binaril?” tanong ko sa kaniya, at bahagya siyang nagulat sa tanong ko,

Agad siyang lumapit sakin at pinunit ang dulo ng damit niya para ipunas sa natulo na dugo sa ulo ko, at tinalian niya din ang parte ng binti ko na binaril niya.

“Are you okay? What happened?” tanong niya sakin,

Psta? Anong nangyayari dito?

Agad kong kinuha ang baril at dahan-dahan tumayo, paika-ika akong lumayo sa kaniya at itinutok sa kaniya ang baril,

“Sinong lolokohin mo, Dwayne?” singhal ko sa kaniya at dahan-dahan siyang lumapit sakin,

“Theia, ano bang sinasabi mo? Hindi ako ang bumaril sayo, si Dwayne ‘yun” ha? E ikaw si Dwayne,

“Si Dwayle ako, Theia, maniwala ka sakin” pagmamaka-awa niya sakin, halata sa mukha niya ang takot,

Dahan-dahan kong ibinaba ang baril at akmang lalapit sa kaniya nang biglang may humampas sa ulo ko at napahiga ako sa lupa,

“Dwayne, Dwayle, whatever” at isang malakas na tawa ang narinig ko mula sa pumalo sa likod ng ulo ko,

“How can you come this far, Theia? You can’t escape this time, I swear, Mi Amor” sambit ulit nito at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Falling Behind (Ongoing)Where stories live. Discover now