Prologue

3 0 0
                                    

*ding!*
*ding!*
*ding!*

Sunod-sunod ang mga notification na nagpo-pop up sa screen ng phone ko ngunit hindi ko ito binubuksan.

Patuloy lang ako sa pagtingin sa views ng recently uploaded kong Facebook story habang kumakain ng burger na binili ko kanina sa kanto.

10,829 views.

Napangiti na lang ako sa saya at excitement.

I did it again. I surpassed my highest view on a Facebook story.

Napapangiti ako habang iniisip ang naughty thought na pumasok sa isip ko...

Siguro ay dahil kita ang cleavage kaya marami ang nagview at nagreact.

Binuksan ko ang Messenger app ko at nakitang tambak din ang mga unread messages mula sa iba't ibang lalaki.

Ang saya sa feeling na marami ang gustong makipag-usap sa akin. Ang dami ng gustong maging kaibigan ko kahit sa Facebook lang ito. Marami rin ang nakaka-appreciate ng mga Facebook stories ko. Ito ang mga bagay na hindi ko nararanasan sa totoong buhay.

For the information of all, I've been using a poser account for two years.

I found this girl na sobrang ganda sa Instagram. Hindi siya Pilipina. Isa siyang Indonesian at may 50k followers ang kanyang profile sa Instagram.

Her name is Vianka Allodya. Mukhang kaedad ko lang siya base sa kaniyang itsura. Siguro nasa 20 or 21 years old na rin sya.

I decided na gamitin ang mga pictures niya kase why not?

Maganda. Sexy. Maputi. Sikat. Sana all, ‘di ba?

I named this poser account Zara Yldoria, Z for short. Lahat ng photos and videos na ginagamit ko ay from her social media platforms: Instagram and Tiktok. Napansin kong wala siyang Facebook account which became my advantage. Syempre dahil wala siyang Facebook account, less yung possibility na maexpose ako at malaman niya na meron siyang poser. I also followed all her friends sa main account ko sa Instagram. In that way, masi-save ko rin ang mga photos in her friends' stories na kasama siya.

Alam kong mali, and I'm aware of the consequences. It's just that I feel this longing of having someone else's life rather than preferring what I have now.

I belong to a broken family, and I am currently living with my grandparents. Hangin lang din ako sa paningin ng ibang tao. Parang hindi ako nag-eexist. I'd rate myself as a girl na belong sa average when it comes to physical appearance. Hindi maganda pero hindi rin naman panget. Mediocre lang din ang performance ko sa school, kahit nasa science class ako. Hindi ko masasabi na matalino ako, dahil alam ko sa sarili ko na hindi talaga ako ipinanganak na matalino. Isa ako sa mga low performing students sa aming klase.

Alam mo 'yung feeling na 'yon? Nasa science class ka tapos isa ka sa mga pinakamababa. I hate it. I hate everything in my life.

Gusto kong maging ibang tao

I crave the spotlight.
I long for attention.
I yearn for a new life.

Naks!

Pero seryoso nga, for once, I want to live in my dreams.

I know na hindi majajustify ng lahat ng sinabi ko ang panlolokong ginagawa ko na 'to. Aware ako na mali, pero ito ang gusto ko.

*ding!*

Napatingin ako sa notification na lumabas sa upper part ng screen ng phone ko.

Nanlaki ang mata ko nang makita kung ano ang nakalagay sa notification. Muntik pa akong mabulunan sa kinakain kong burger. Oo, ganon ka-OA ang gulat.

Wesley Abad sent you a friend request.

Namamalikmata ba ako o gutom pa rin ako? Sana nga gutom lang.

Tiningnan ko ang profile nito at siniguro kung siya ba talaga ang taong nagsend sa akin ng friend request, while still hoping na kapangalan nya lang ito.

Matapos ang ilang minuto na pagi-stalk ay napagtanto ko na siya nga taong nasa isip ko.

Wesley Abad.

He is my school mate. Specifically, BESTFRIEND ng long time crush ko na si Charles Aguilera.

Bakit? Paano?

Kahit sa real account ko, hindi ko friend 'tong lalaking ito. Wala rin akong mutual friends sa real and poser account ko kaya paano nya nakita 'tong account na 'to?

Halos lahat ng Facebook friends ko sa poser account ay from Manila. Ang nakalagay din sa account information kung saan ako nakatira ay Manila, kahit sa probinsya naman talaga ako totoong nakatira. Wala akong friends sa Facebook na classmate ko, schoolmate ko, o kahit nakatira sa kaparehong bayan. Kahit nga yung real account ko sa Facebook ay hindi friends 'tong poser account na ginagamit ko.

Syempre, bago ko pa gawin ang poser account, planado ko na ito para hindi agad malaman kung sino ang user behind. Meron kase talagang mga matatalinong tao na kapag nalaman na fake account ay bumabase sa lugar na nakalagay sa profile at sa mga friends para malaman kung sino ba talaga ang gumagamit nito.

Malaman ayoko naman na maexpose yung name ko. Kung pwede lang forever akong ganito, why not 'di ba? Sino bang may ayaw sa maraming followers, likers, and viewers?

Naisip ko na lang na lumabas sa friend suggestions niya kaya nai-add itong account na 'to.

Ia-accept ko ba?

Teka muna, ano naman ang mapapala ko sa taong 'to? Huwag lang talaga nyang i-try na landiin ako sa account na 'to.

Yuck! Mamatay na lang talaga.

Unang-una, gusto ko sa mga lalaki yung nerdy type pero golden retriever vibes ang atake. Yung good boy ang itsura, matalino, at hindi walanghiya! Pangalawa, wala sa vocabulary ko na magkagusto sa mga lalaki na pacool at masyadong narcissists.

Pasok na pasok sa unang description ang bebeluvs ko na si Charles. Sa pangalawa? Perfect dyan si Wesley.

Nasa apelyido na nya kasamaan... ABAD.

Tunog pa lang, alam mong kapag tulog lang mabait e.

Accept ko ba o hindi?

Pero what if sa kaniya ko malaman kung ano ang tipo ni Charles? Sasayangin ko ba ang pagkakataon?

Ihh! Gulong-gulo ako.

Hayaan ko na lang siguro, 'no? Wala naman mawawala eh, tsaka dagdag followers din siya.

Akmang pipindutin ko na ang 'Home' button ng Facebook App nang biglang may nagpop-up muli na notification.

Nanlaki pa lalo ang mga mata ko.

Wesley Abad sent you a message request.

"Hi, Zara:)”

Iyan ang message na bumungad sa akin.

Hi, Zara” mo mukha mo!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 28, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ctrl + Z [ON-GOING]Where stories live. Discover now