## Kabanata 3: Ang Pagtanggap ng Katotohanan

15 0 0
                                    

### Eksena 8

**(Narrator)**

Kinabukasan, humarap sila sa principal at ikinuwento ang buong pangyayari. Hindi naging madali ang lahat dahil maraming tanong ang bumabalot sa trahedya.

**(Principal)**

* (seryosong nakikinig) "Lahat ba kayo'y magpapatunay sa sinasabi ni Mia?"

**(Mia)**

* (tumatango) "Opo, ma'am. Sila po ang totoo."

**(Liza)**

* (umiiyak) "Huwag niyo po kaming parusahan. Gusto lang po naming itama ang mali."

**(Anna)**

* (nakayuko) "Handa po kaming harapin ang mga consequences."

**(Carla)**

* (umiiyak din) "Para kay Jane, ma'am. Para sa kanyang hustisya."

### Eksena 9

**(Narrator)**

Dahil sa kanilang pag-amin, nagsimula ang imbestigasyon sa paaralan. Natuklasan ang tunay na nangyari kay Jane at naparusahan ang mga nambu-bully. Hindi naging madali ang proseso, ngunit unti-unti ay nagkaroon ng liwanag ang kaso.

**(Investigator)**

* (nakikipag-usap sa principal) "May sapat na ebidensya na laban sa mga nambu-bully. Salamat sa pag-amin ng mga estudyante."

**(Principal)**

* (tumango) "Ibigay natin ang hustisya para kay Jane. Maraming salamat sa inyong katapangan, mga bata."

**(Mia)**

* (huminga ng malalim) "Sa wakas, natapos na rin ang bangungot."

**(Liza)**

* (umiyak sa balikat ni Mia) "Huwag na nating ulitin ito. Ang hirap pala."

**(Anna)**

* (nakangiti ng konti) "Para kay Jane, at para sa ating kapayapaan."

**(Carla)**

* (tumingala sa langit) "Patawarin mo kami, Jane. Sana'y matahimik ka na."

### Eksena 10

**(Narrator)**

Habang tinatapos nila ang kanilang kwento sa principal's office, isang malamig na hangin ang dumaan at isang boses na pabulong ang narinig nila, "Salamat."

**(Mia, Liza, Anna, Carla)**

* (sabay-sabay, nakatingala) "Jane?"

**(Narrator)**

Sa kanilang narinig, alam nilang si Jane iyon. At sa wakas, nagkaroon na ng kapayapaan ang kanilang mga puso.

--------------------------------------------------------------------------

Ang Hiwaga ng Apat: Ang Kababalaghan sa Silid-AralanWhere stories live. Discover now