Cess' POV
Hindi ko alam pero magmula kanina sa wedding booth ay napapansin kong lagi siya nakatingin kay Co.
Ayaw kong bigyan ng meaning.
Pinatingin ni Shie yung pictures sa wedding booth.
Habang tinitingnan ko rin ay napapasulyap ako kay Jo na nakatitig kay Co.
"May kasal na sa circle natin." si Shie.
"Kasal kasal pinagsasabi niyo." sabay walk out ko.
"Cess!" tawag nina Lei pero hindi ko sila pinansin.
Naiinis ako.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok para makapag ayos na rin.
Ngayon ang basketball at ako ang muse nila.
"Bagay na bagay sayo yung jersey." si Mayor.
"Ang ganda ganda mo." si Jomari.
"Thank you."
May ilan pa na nagpapicture.
Dumating na si Jo pero hindi ko ito pinansin.
"Jomari, pinapatawag na kayo ni coach."
Nauna na sila sa gym.
Tinulungan ako ni Ms. Treasurer na ayusin ang buhok ko.
"Jo, ganda ni Princess no." si Ms. Secretary kay Jo.
"Huh?" si Jo.
"Nako, nabingi na sa kagandahan ni Princess." natatawang aniya.
"Wala naman pinagbago." aniya.
Walang kwenta talaga.
"Kaya pala nakaawang na iyang labi mo." pang aasar sa kanya.
Lumabas ito.
Pumunta na rin ako sa Gym para magready.
"Ang ganda ganda naman ng bff ko na 'yan." si Lei.
"So pretty, Cess." si Maya.
"Titig na titig sayo yung boys ohh." si Shie.
Napatingin naman ako at si Jo ang hinanap ng mga mata ko.
"Inom ka muna, mukhang kinakabahan ka." si Kai na iniabot ang tubig sa akin.
"Thanks, Kai."
Umupo na sina Maya dahil mag uumpisa na.
Hindi ko makita si Jo.
"Kaya 'yan." si Jomari sabay tapik sa balikat ko.
Nginitian ko siya. "Thank you, and goodluck din sa inyo."
Tinawag na ang team namin kaya lumabas na kami.
Nasa unahan kaming dalawa ni Jomari.
Nagtitilian ang mga estudyante sa loob ng gym.
Nakangiti namin silang hinarap.
Habang umiikot kami sa gym ay nakita ko na si Jo.
Katabi niya sina Irene at Co.
Dalawa na yung pinagseselosan ko.
Tapos na ang pagpapakilala at tatawagin na ang mga maglalaro.
Pumunta ako kung nasaan sina Maya.
Hindi na magkatabi sina Co at Jo.
"Dito ka." turo ni Lei kung saan nakaupo kanina si Co.
"Usog ka na lang." sabi ko.
YOU ARE READING
My Favorite Enemy (Walo Series #2)
FanfictionPaano kung mahulog ka sa taong pinaka iinisan mo? Cess: KJ! Jo: Kikay!