Chapter 15

210 8 0
                                    

Cess' POV

Kinabukasan ay may laban sina Jo.

Binigay niya sa akin yung isa niyang jersey nung senior high.

Isuot ko raw.

Mapanutos talaga.

Pero feeling ko ay may karapatan na talaga ako sa kanya.

"Wow naman, kaninong Jersey 'yan, anak?" si momshie.

Pinakita ko ang likod nito.

"Cioco? Si Jonalyn?" gulat ni momshie.

Tumango ako habang nakangiti.

"OMG, sweetie. What is the meaning of this?" mukhang excited si momshie.

"Kami na po ni Jo." tuwa kong sabi.

"Wait, really?" hindi makapaniwala si momshie.

Tumango ako.

"OMG! Masayang masaya ako para sa inyo ni Jo." niyakap pa ako ni momshie.

Papuntahin mo siya mamayang dinner, celebrate tayo.

Pumayag kaya siya?

Pagkalabas ko sa gate ay nakita ko ang kotse nina Jo.

Binuksan niya ang bintana ng kotse. "Ang tagal mo naman."

"Wow ah? Wala ka naman sinabing pupunta ka." pagtataray ko.

"Pumasok ka na nga." aniya.

Umupo ako sa passenger seat.

Aga aga binibwisit ako.

"Bakit dyan ka umupo?" tanong niya.

"Wala ka na ron." sabay irap ko.

Nasa campus na kami at pinagtitinginan kami ng mga ibang estudyante.

Ano 'to? dahil ba sa suot kong jersey?

Biglang lumapit si Irene.

Tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa. "Talaga bang girlfriend mo na siya?" si Irene kay Jo.

Hinawakan ni Jo ang kamay ko. "Yup."

Parang maiiyak si Irene.

Iniwan namin ito at pumuntang room.

"Ayan na sila, ack!" mga iba naming kaklase.

"The couple of the year!" si Ms. Secretary.

"Nice, pinasuot ang jersey, sana all." si Ms. Treasurer.

"Totoo ba, Princess?" si Jomari.

"Na alin?"

"Na girlfriend mo na si Jonalyn?" sumulyap pa siya kay Jo.

"Ah ano--" pinutol ni Jo ang sasabihin ko.

Hinawakan niya ako sa may bewang ko. "Tama, girlfriend na ako ni Cess, kaya distansya na, okay?"

"Hindi ako naniniwala. Lagi nga kayong nagbabangayan." si Jomari.

"Baka love language nila 'yon." si Mayor.

"Tama." si Jo.

Paano ba 'to?

"Hindi, hindi pa rin sapat 'yon para masabi na sila na nga." ayaw talaga maniwala ni Jomari.

"Kapag ba hinalikan ko siya sa harapan mo, maniniwala ka na?" seryosong sambit ni Jo kaya napalingon ako sa kanya.

"Anong pinagsasabi mo?" bulong ko.

Hindi pa ako ready sa ganyan no.

"Hindi, huwag mo na gawin." si Jomari at nag walk out siya.

"Hala. Dalawa na ang nareject." si Ms. Secretary.

My Favorite Enemy (Walo Series #2)Where stories live. Discover now