"Nasaan na ba si Jimin?" Saad ni Yeji at nagkibit balikat lamang si Aeri na kanina pa pilit tinatawagan ang kaniyang matalik na kaibigan. "Ewan, sabi niya malapit na raw siya eh." Bulong ni Aeri, mukhang chill pa at nagsuot ng sunglasses.
"Anak?" Tawag ni Yoona kay Yeji at lumingon naman ito. "Me and your dad, proud kami sa'yo." Malambing na ani Yoona. "Hmp! Group hug nga, you grew so much, Yeji." Pag-iinarte na singit ng ama nitong si Junho. Natawa na lang ang anak nila sa kadramahan.
Naglakad na si Yeji sa altar at kitang-kita niya mula sa pinto ang pagsingit ng pinsan niya sa best friend nilang si Aeri, 'Kahit kailan ka talaga, Jimin.' Iling ni Yeji sa utak.
Ngunit nawala ang atensyon nito kay Aeri at Jimin nang pumasok at naglakad ang magiging asawa niya. 'Partner since birth, my college sweetheart, my now wife forever. I could look at those eyes every morning.' Tila lilipad na ito sa sobrang saya, naluha ito nang dahan-dahan na itong ilapit sa kaniya.
Narinig naman ni Jimin ang pasasalamat ni Yeji sa mga magulang ni Ryujin, "Maraming salamat po, Tita Boyoung at Tito Hyunsik." At niyakap sila sa tuwa.
-
Nanatiling nakaupo si Jimin habang ang iba ay okupado sa pagkuha ng litrato kasama ang bagong kasal. Siniko naman siya ni Aeri, "Tulala ka nanaman, Jimin. May mga babae roon oh!" Udyok nito at ang tanging sagot ni Jimin ay iling.
"Hay nako! Baka naalala pa kamo ang ex." Singit ni Yeji na nakapulupot ang braso sa bewang ng asawa na si Ryujin. Pinandilatan naman ito ni Aeri, "I moved on already, besides matagal nang tapos 'yon." Depensa ni Jimin sa sarili.
"Wala namang binanggit si Yeji, Jimin?" Takang tanong ni Ryujin, nasamid naman itong si Jimin sa tubig.
At dahil suwail itong si Yeji ay sinimulan nitong banggitin ang mga ex ni Jimin. "Si Lily? Nah, a month lang kayo. Eh, si Anne? It was only a day kasi hindi mo trip ugali at para lubayan ka na. Ahh, si Ano! Si?" Pang-aasar pa nito kay Jimin kaya't nabigyan siya nito ng matalim na tingin.
"Si Miss—" Naputol ang sasabihin nito.
"Pustiso ka ba? Kasi (kasi)
You know I can't smile without you
Pagod na pagod na ako
Maghapon ka na kasing tumatakbo sa isipan ko
Kasi naman kasi. Mahal kita.."Nanlumo naman si Jimin nang marinig ang tugtog. "Hehe, sorry! It wasn't me, sadyang nag-request ang pamangkin ni Ryujin; kakalapag lang ng Pinas eh." Paliwanag ni Yeji, samantalang ngumiti na lang ng pilit si Jimin.
"Don't worry about me, Yej. I'm very proud of you for taking that step, that's courage!" Bati ni Jimin upang mawala ang tensyon ngunit nagtinginan naman nang palihim at maalam sina Aeri at Yeji.
BINABASA MO ANG
Mahal kita kasi? | Jiminjeong AU
FanfictionWherein, Jimin finds herself in a predicament on how to find her wife.