Chapter 2: Si Persuasion

3 0 0
                                    

Jimin's POV

Nakabusangot kong tinahak ang kahabaan ng hallway, "Argh! Ano ba, Aeri?" Kitang-kita ko kung paano kami pagtinginan ng mga schoolmates namin. Humahalakhak naman ng tawa ang hapon na kasama ko, "You're too serious, Jimin. Chill ka lang, you're scaring the recruits." Wala na namang mapag-tripan itong si Uchinaga.

"Why are you mad? Dahil ba sa president? HAHAHSHAHA!" Asar nanaman nito. Inirapan ko ito, "What? Of course not, why would I be?" Sagot ko.

"Because, siya lang ang tumapat sa'yo nang walang takot besides you're getting caught na nag-slaslack kaya, your reasons na wala namang proof." I just huffed because she has a point.

"You're nasanay na kasi, Jimin. That's not good." Tapik nito sa balikat ko.

Hindi namin namalayan na nasa harap na kami ng basketball court. Binungad ko sa kanila ay, "Run 7 laps, now!" I commanded and all I could hear was groans.

Natawa naman si Aeri kaya pinasadahan ko ito ng tingin, "What? Ewan ko sa'yo, Jimin. That's petty, you have to stop that." I just glared at her.

Sumabay na kami sa takbo nila nang masimulan na. "Urgh, if only may Kendo lang or Judo, roon ako. Not here." Reklamo ni Aeri as I just kept on running.

"Edi, go there." Tinapakan ko ang likod ng sapatos ni Aeri upang mahubad ito at saka ako kumaripas ng takbo para mang-asar. "Yah! Yu Jimin, loko ka! You're such a loser!" Irit nito as I kept on laughing.

Sumabay naman sa takbo si Hwang Yeji, my cousin. "Ano, are you going to utang nanaman ng dos? Bring your coins, Yeji. Lagi ka na lang nanlilimos." I spoke. She laughed, "Grabe naman, couz. Hehe, oo." Sagot niya while I threw my two coins as she caught it. Dahil panigurado, mag-aantay nanaman ito sa vending machine para ilibre kuno ang nililigawan niya. (Walang bumibili at dumaraan doon.)

'Soulmate niya at papakasalan niya kung mayroon.'

"Pasalamat ka I already bought flowers para sa baby ko." I answered back, which she gladly said, "Sus, sabay mo rin ako." I shook my head to say no.

Namumuro na talaga kapag kadugo, sometimes gusto ko hilahin patilya eh.

"Loser ka nga, hindi ka naman papansinin n'on. Secret admirer ka lang naman, duwagshi! MWEHEHEHEHE!" Asar niya. Though I may be kengkoy at times pero only for that particular woman.

-

Kim Minjeong's POV

Umagang-umaga ay ginising ako ni Ning. Napabalikwas ako nang sinabi niyang may naghahanap sa akin kaya't binuksan ko ang pinto. 'Kulang ako sa tulog.'

"Hi! P-P'wede ba manligaw?" Saad ng kuya. Sagot ko lamang ay iling, maraming bagay ang kinaikailangan kong pagtuunan ng pansin.

Madalas kapag humindi ako ay siguradong masasamain nanaman nila o kaya ay pinagmumura ako. "H-Ha? Bakit? Guwapo naman ako? Mayaman." Pilit nito.

Umiling ako, "Ayaw ko." Isinara ko ang pinto ng bahay ngunit hinarang niya ang paa niya, "How about a date kahit isa lang." Ayaw pang tumigil ni kuya, 'Ipitin ko na lang kaya paa mo po?'.

Mahal kita kasi? | Jiminjeong AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon