CHAPTER 3

0 0 0
                                        

Bumalik na ulit sa normal ang lahat. Just a normal school happenings nalang ang nangyayari pero dahil nakikita ko na ulit si Paul, hindi ko na masyadong naaalala si Zamuel. Paul has the face pero pagdating sa pag-aaral wala siya. It's not that good talaga na magkagusto sa mga taong walang pake sa acads, pero gusto ko lang naman siya e. Wala naman akong sinabing jojowain ko siya 'no.

Last subject na namin at mayroon kaming reporting for Earth and Life Science. Strikto ang teacher namin sa subject na iyon, kailangan naresearch mo talaga ang topic mo at magaling ka sa pagrereport kasi ayun pinagbabasehan niyang grade-an.  Sakto naman na group nila Zamuel ang magrereport habang kami ay nakikinig lang.

Nung dumating na ang part niya, I didn't expect na he will be good at it. Halatang inaral niya talaga ang topic na ibinigay sa kanya. Zamuel is not someone na masasabi mong may utak talaga pagdating sa pag-aaral, but he is also not someone na walang pake about doon. He's in the middle.

Sakto namang after ng report niya ay oras na ng uwian kaya naman tinapos na muna ng prof namin ang reporting sa araw na iyon.

I was busy organizing my things while talking with Kyra. Yes, I have a friend na, katabi ko siya sa likod and siya ang unang naging kaibigan ko sa classroom. We kept on talking when Zamuel suddenly came to us.

"Maayos ba report ko kanina?" he asked

I was shocked, kasi ang random na bigla siyang nalapit sa amin e hindi nga kami nag-uusap kahit isang salita. So what. the. heck is the reason na kami ang naisipan niyang pagtanungan kung maayos ang report niya?

"oo gagi, ang galing mo nga e. Hindi ko nga inexpect na magaling ka pala mag report" sagot ko

That's right, hindi ko naman kasi talaga inaasahang magaling siya sa mga ganyang bagay, e noong nakaraan nga lang nanlulumo siya sa 80+ na grades niya. So hindi ko na itinanggi na magaling talaga siya sa report niya kanina dagdag na rin mas lumakas ang confidence niya sa sarili.

"Weh?" pahabol niya

"oo nga, diba ky" tanong ko kyra na nakikinig din sa amin

"Oo, naintindihan nga namin report mo e" pagkumpirma niya

"Sige sige, thank you" sabay alis pagkasabi no'n

Umalis na siya pero nakatingin pa rin ako sa kanya. Natauhan nalang ako nung biglang nagtanong si Kyra

"Close kayo?"

"Hindi gagi, nagulat nga rin ako ba't siya sa atin nagtanong e" sagot ko

Hinayaan nalang namin ang nangyari at umuwi na pagkatapos no'n.

Nagsunod sunod na rin ang mga interactions namin ni Zamuel. May time pa nga na nagkaroon talaga kami ng deep talk sa likod ng classroom. Parang may sarili kaming mundo. Alam mo 'yon.

Free time kasi noon, sa likod kami nakaupo at nag-uusap lang kami ni Kyra sa upuan. Maya-maya dumating sina Zamuel at ang kaibigan niya na Jid at umupo sa kabilang side ng upuan. Hinayaan ko na lamang sila at nagpatuloy sa pakikiag usap kay kyra pero may biglang tumatawag sa likod ko.

"Darlene" mahinang tawag ni jid

Lumingon ako at nakitang nakangiti silang dalawa

"Patingin daw ng ID mo sabi ni Zamuel" sabi pa nito

Iilan palang kasi ang mayroong ID sa room namin dahil halos lahat ay bagong dating lang sa school na ito. Loyal kasi ako kaya simula Grade 7 palang nandito na 'ko.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pumayag ako na ibigay ang ID ko sa kanila. E sa totoo nga lang, ayokong nakikita ng iba ang ID ko kasi nakikita nila ang mukha ko ng walang mask. Nilagyan ko na nga lang ng polaroid ang harap para matakpan ang mukha ko e. Pero si Zamuel kasi 'yan, sige na nga.

Nakikita ng mata ko na binubuksan nila ang ID ko. Dapat ang normal na gawin ko ay hablutin iyon, pero parang ayokong gawin. Parang gusto kong makita niya ang mukha ko, para alam niya kung sino ang pinapaasa niya.

Lumipas ang oras, iniwan ni Jid si Zamuel na nag iisa sa upuan. Kita kong suot niya ang ID ko at pinaglalaruan iyon.

"Naglalaro kayo ng ml?" Biglaang tanong ni Zamuel.

Napatingin kaming dalawa ni Kyra sa kanya. Siguro narinig niya kasi na pinag-uusapan namin ang ml.

"Oo, kakastart ko lang nung nakaraan" sagot ko

"Dati naglalaro ako, binura ko na ngayon" saad namin ni Kyra

"Anong ginagamit niyo na hero?"
sunod na tanong nito

"Balmond"

"Guinevere"

Nagsunod-sunod ang mga tanong nito about sa ml. Hanggang sa hindi na namin namamalayan na kaming dalawa nalang ang nag-uusap. Magkatapatan na kami at ani mo'y matalik na magkaibigan kung magkausap. Kung saan saan na napupunta ang mga usapan namin. Mula sa ml, napunta rin sa codm, sa valorant at farlight. Malalaman mong gamer talaga siya. Buti nalang at ipinakilala sakin ni ome ang ml bago pa kami mag usap tungkol sa mga laro.

Sa sobrang haba ng usapan namin hindi na namin namalayan ang oras. Hanggang sa nag-uwian na at kinailangan na naming tapusin ang usapan para mag ayos sa pag-uwi.

Nakita kong palabas na siya ng pinto, pero may naalala ako.

"Zamuel!" sigaw na tawag ko dahil palayo na siya sa pinto

Sumilip naman ito kaagad

"Yung ID ko!" sigaw ko pa rin

"Ay!" sabi nito na mukhang nakalimutan niya ng hiniram niya nga sa akin iyon.

Nilapitan ko siya at kinuha iyon mula sa kanya. Nakangiti akong bumalik sa upuan upang magpatuloy sa pag aayos.

Hay nako Zamuel, 'wag ka naman magpaasa oh.

THE STORY OF USWhere stories live. Discover now