Mukha talagang binibigyan ako ni Lord nang sign na si Zamuel ang the one para sa akin. Paano ba naman kasi, kanina pinag-uusapan lang namin sa room ang ml tapos ngayon naglalaro na kami. Parang kanina lang ay mag-isa lang ako dahil nag aaral ako ng mga bagong hero. Balmond lang kasi ang alam ko kaya tuloy inaasar akong kamukha ko si Balmond. Kainis!
After ng game ko napansin ko na mayroon akong notification na may nagchat sa akin sa ml. Binuksan ko 'yon at nagulat ako ng makita ko ang name ni Zamuel. Niyayaya niya akong makipaglaro sa kanya.
"Tara laro" saad niya sa chat
Ako naman itong si oo agad pero may kaunting pabebe pa rin
"Sige, pero hindi ako magaling ha"
pag-amin koNakakahiya naman kasi na baka inaasahan niyang malakas ako maglaro. Tapos pagdating sa game puro patay lang ako lagi. Trashtalkin pa ako roon, nakakahiya sa kanya. Kaya binigyan ko na agad siya ng heads up para hindi siya nag e-expect.
We began playing, sa isang game na 'yon halos 30 minuto rin ang inabot. Ang intense kasi, pero panalo kami. Sa kalagitnaan din ng game, ay nag-aya si ome na makipaglaro sa akin pero finlex ko agad na kalaro ko si Zamuel at tinawanan niya iyon. Gabi na rin 'yon at kailangan na naming kumain kaya nagpaalam na kami sa isa't-isa at nagsabihan ng nice g.
Ok na sana e, masaya naman na ako nung naglalaro kami pero mas sasaya pa pala ako kasi bago ako maghain ng pagkain ko nakita ko ang chat niya. At hindi na iyon sa ml, sa messenger na! MESSENGER! Lord ano ka ba naman.
Agad kong inopen ang chat heads at napangiti ako sa chinat niya.
"nice g, idol"
"ang galing mo"Zamuel, umayos ka! 'Wag mo akong ginaganito.
Nagreply agad ako sa kanya. Hindi nagpapahalatang napangiti sa chat niya kaya binalik ko nalang din sa kanya ang mga sinabi niya.
" Nc g din!, galing mo"
Ang sarap pala kumain kapag nakangiti ka, parang mas ginaganahan kang kumain. Busog ka na sa pagkain, busog ka pa sa kilig.
Pagdating sa school, wala na ulit kaming naging interaction ni Zamuel. Para na ulit kaming normal na magkaklase, ang pinagkaiba lang ay mas napapansin ko na siya kaysa kay Paul. Siya na rin ag hinahanap ng mga mata ko. Pero hindi lang naman ako, madalas ay nakikita ko rin na nakatingin siya sa akin at may pagkakataon pang nagtatama ang mga mata namin.
Isang beses ay nagtama na naman ang mga mata namin, nakita ko siyang may sinesenyas na pinipilit kong intindihin. Tinuro turo niya ang bandang leeg niya at may kilos na ginagawa para ipaliwanag kung anong gusto niya sabihin. ID, ayun ang tinutukoy niya. Sinasabi ba niyang gusto niyang hiramin ulit ang ID ko? Bakit? Pero go.
Tinanggal ko muna ang ID ko bago ako tumayo sa upuan ko. Binalot ko iyon sa aking palad at dali daling lumapit sa kanya para iabot iyon. Patago at mabilisan ang ginawa ko, parang may nag trade lang ng ipinagbabawal na gamot ang naganap at bumalik na agad ako sa upuan ko na parang walang nangyari. That time, naiuwi na ni Zamuel ang ID ko, nakalimutan ko na kasi na kuhain sa kanya pero gusto ko rin naman na hindi ko na rin nakuha sa kanya iyon.
Sa parehong araw, napag isipan ng mga kaklase kong lalaki na tumambay sa bahay ng kaklase namin na malapit lang sa tinitirhan ko. Sinabi niya iyon sa akin, at nagsend pa ng video kung anong ginagawa nila.
Kinuwento ko agad 'yon kay ome, ipinaalam ko sa kanya na andoon sila sa bahay ng kaklase ko kaya sinabihan ko siya na bumili kami ng meryenda mamaya. Bakit? Wala lang, gutom ako mamaya e. Hindi naman ako nagpapapansin sa kanya.
Ginawa nga namin iyon ni ome, lumabas kami pero hindi namin sila nakita. Dumaan pa nga kami sa bahay ng kaklase namin na iyon para sumilip pero hindi sila nakikita. Hinayaan ko nalang at umuwi nalang kaming dalawa.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako pag-uwi. Una kong tinignan ang phone ko pagkagising palang at bumungad sa akin ang sandamakmak na chat ni Zamuel sa akin. Niyayaya niya akong mag milktea kami.
KAMI? MAG MIMILKTEA??
KAMING DALAWA LANG?
WHAT THE HECK LORD!
Nabasa ko rin na nag aantay na siya sa may palengke sa akin. Sobrang hindi ko inexpect 'to kaya tinadtad ko ng chat si ome kung anong gagawin ko. Kasi kung mag mimilktea kami, makikita niya yung mukha ko. E hindi niya pa nga nakikita yung mukha ko!
"omeeee!!!!" pasigaw na chat ko
"ano, bakit?" sagot agad nito
"niyayaya ako ni zamuel magmilktea!!! anong gagawin koo??"
"edi go ka na" saad niya
"hindi niya pa nakikita mukha ko huhu. Magparetoke na ba ako? Wag na ako tumuloy? helpp!!!"
Natataranta na ako sa kung anong gagawin ko sa mga oras na 'to
"lagot ka 'te"
at nanakot pa nga!. Nakakainis talaga 'tong babaeng 'to naiiyak na nga yung tao e. Tinapos ko na ang usapan namin at naghanda na akong magbihis. Kinakabahan ako, baka makita niya talaga ang mukha ko. Hindi naman sa pangit ako or what, hindi lang talaga ako confident na magpakita ng mukha simula nung ipinatupad na dapat mag mask noong pandemic days at noong makita ko ang mga itsura ng mga babae sa school. Atsaka, natatakot din ako baka malayo sa inaasahan niyang mukha ko ang makita niya mamaya.
Binilisan ko lang ang kilos dahil nakakahiya naman kung pag-aantayin ko siya ng matagal doon. Naglagay ako ng konting ayos sa mukha kahit na mag m-mask lang din naman ako. Pagkatapos ay lumabas na rin ako papunta sa kanya. Hindi na ako nakapag paalam dahil alam kong hindi naman ako hahanapin maliban nalang kung alas onse na ng gabi. Sa lakad ko papunta sa pinag-aantayan niya, ay hindi ko mapigilang kabahan at mag overthink sa anong mangyayari sa aming dalawa. Napadasal na lang ako na sana maging maayos ang lahat.
Lord, kayo na po bahala sa amin. Lalo na sa akin huhu
![](https://img.wattpad.com/cover/321389021-288-k965400.jpg)
YOU ARE READING
THE STORY OF US
Teen FictionTwo young hearts, risking everything for their love. But destiny hinders their relationship.