Chapter 4

866 69 13
                                    

Pansin ko ang pagpapapansin ni Karlo kay Jazmine sa loob ng tatlong araw namin sa retreat house. Sino ba namang hindi? Sila ata ang highlight ng event na 'to!

Maging ang kabilang section ay tinutukso na rin sila. I don't see his sister or any of his friends in this batch so there's no one to put him down. I wonder if they would call him out?

Masayang-masaya naman ang kumag sa atensyon na nakukuha.

"Feel ko..." my classmate paused, watching Karlo from a distance. "Feel ko lang ha, magiging sila na pagkatapos nitong retreat!"

I sighed and finished my food faster. I can't take any more of this nonsense talk! Sa oras na bumalik kami sa klase, ang una kong gagawin ay hahanapin ang girlfriend niya sa lower years at isusumbong siya!

Nagkaroon kami ng group prayer, meditation, at reflection sa pangalawang araw. The first day was filled with outdoor activities and games. Sa pang-huling araw namin, may confession daw sa pari.

"Ate, dalawang tubig!"

Aalis na sana ako sa canteen nang madatnan ko si Karlo doon na bumibili ng tubig. It's our free time, so most of the students are mingling with other sections.

Karlo turned to me. Nginitian niya ako at binalingan ulit ang nagbabantay.

"Gawin mo ng tatlo, Ate."

Umamba ako paalis pero huli na dahil tinawag na niya ako. I sighed and waited impatiently for him to pay for the water. He jogged in my direction. Inabutan niya ako ng tubig.

"Para sa init ng ulo mo," natatawa niyang wika.

I glared at him but still accepted the water. Mainit nga ang ulo ko dahil nagkaka-flareups na naman ako mula sa activity namin kahapon! I've already applied some ointment but there are still some left. Kaya tuloy naka-longsleeve ako kahit ang init-init!

"May confession sa pari bukas," wika ko habang binubuksan ang takip ng bote. "Wala ka bang ico-confess?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hmm, wala naman?"

"Are you sure?"

"Wala nga, kulit mo! May mga kasalanan naman akong ginawa pero matagal na yun, baka limot na yun ni Lord."

Hindi na ako nagsalita. I suppose I can't talk sense into him! Well, in that case, I should go straight to the girlfriend, right?

Iniwan ako ni Karlo sa canteen nang makita niya si Jazmine na naglalakad mula sa girl's headquarters. Ako naman, bumalik sa pwesto namin nina Sienna.

"Good afternoon po, Father..."

I entered the confessional when it was my turn. The Priest smiled kindly at me and did the sign of the cross.

"Bless me, Father, for I have sinned. It's been a year since my last confession..." I started.

I told him all about my sins and he listened intently. Nagbigay din siya sa akin ng advice.

"This one is not really a sin but I think I need your advice..." I sighed.

"Ano iyon, anak?"

"Uhm, nalaman ko po kasi na nagchi-cheat ang lalaki kong schoolmate sa girlfriend niya. Hindi ko po sila kaibigan pareho. Iyong babaeng crush niya, member ng club na sinalihan ko. Ayoko na sanang makialam pero nako-konsensiya pa rin ako. Ano bang dapat gawin para dito?"

"Ang pagtataksil ay isang mabigat na kasalanan," He paused before he continued talking. "Nais ng Diyos na tayong lahat ay mamuhay sa Kanyang mga utos at alituntunin. Gawin mo kung anong nararapat. Obligasyon mo iyon bilang sugo ng Diyos."

Sailing through Sunlit Waters (Elyu Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon