Part 8

0 0 0
                                    

Sorry for the typos..

Lesley point of view

"Gising na Disney princess" hinila pa ni mama ang kumot ko kaya napabalikwas ako

Umuwi kasi sila mama kagabi, kasama ang kapatid ko hindi na ulit ako mag iisa dito sa bahay

"Maaga pa ma" Muli kong hinila ang kumot upang mabalutan ang katawan ko

"Anong maaga pa? tignan mo nga ang orasan alas syete na ng umaga tapus ikaw pa tulog-tulog pa jan!" malakas nitong sigaw aga-aga bunganga ang almusal

Labag sa loob kong bumangon at tinignan si mama na naka kunot ang noo

"Ayusin mo sarili mo pupunta tayo ng simbahan" huling sabi nito bago tumalikod at lumabas ng kwarto ko

What if mag paiwan nalang ako? kasi alam ko hindi ako makakapasok sa loob eh baka nga sa gate palang masunog na ko

Pero alam ko naman na hindi pa pigil itong nanay ko kaya labag sa loob akong pumasok ng cr at naligo

After kong maligo ay nag hanap ako ng masusuot ko, I just wear a simple white dress na hanggang tuhod ko at pinarisan ko ito ng sandal na may mababang takong

I look my self at the mirror and take some selfie pang ig story lang, nilagyan ko siya ng caption na

first time nag dress ng person:>

"Ate tara na daw" sinilip ako ng kapatid ko kaya naman sumunod na lang ako sakanya

"Tara na mukhang handa na kayo" nakangiting sabi ni mama sabay suot ng shoulder bag nya

**
"Ito na ba si Lesley ay dalaga na pala" nakangiting sabi ng kaibigan ni mama na hindi ko manlang kilala

Pagkatapus kasi ng mesa sa simbahan ay uuwi na sana kami ang kaso na traffic dahil sa chismis

"Oo nga eh, college na next year" nakangiti ding sabi ni mama

"Anong kukunin nya sa college?" taka akong tinignan ng kaibigan ni mama kaya akward akong ngumiti

"Hindi ko pa nga natatanong eh" kamot batok na sagot ni mama bago ako balingan ng tingin "Ano nga pala kukunin mo nak?"

"Hindi ko pa po alam"

Hindi ko pa talaga alam kukunin ko sa college, kung pwede lang pahintuin ang oras tapus ibalik ako sa junior high gagawin ko

"Ay naku dapat nakapag isip kana Lesley lalo na at college kana next year" nakangiti nitong sabi

Wala pa sa isip ko eh bat inaapura nila ako?

"Enjoy ko po muna siguro high school life ko" nakangiti kong sabi

Nilingon ko ang kapatid kong hindi na ma drawing ang mukha dahil sa inis

"Matagal pa ba yan sila ate? nakakainip" inis nitong sabi tinawanan ko lang sya

"Kilala mo si mama, kapag may makitang kakilala na t-traffic" mahina akong tumawa

"Kainis naman!" inis nitong sabi

Naramdaman kong tumunog ang cellphone ko kaya mabilis ko itong kinuha at tinignan

drex_martinez: nice🥰

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko ng mabasa ko ang reply nya sa ig story ko

oo na kinikilig na naman ako!

Mabilis akong nag reply sakanya

itz_me_lesley: heh, anong nice?

Muli itong nag reply

LOVING YOU IS MY DREAM Where stories live. Discover now