Part 12

2 0 0
                                    

Sorry for the typos.

Lesley point of view.

It was already 5 am nang gisingin ako ni mama dahil nga susunduin daw kami ni papa

Mabilis akong pumasok sa banyo at naligo, nag suot lang ako ng white t-shirt at black hoodie na pinarisan ko ng black pants

"Ate tapus kana daw? aalis na tayo" mabilis na sagot ng kapatid ko tumango ako at kinuha ang backpack ko na may lamang damit hindi naman kadamihan ilang araw lang din kami dun

Mabilis akong lumabas ng kwarto at sinara ito

"Tara na kanina pa nag aantay ang papa nyo" nakangiting sabi ni mama parang hindi na tulog sa subrang excitement nya

Pagkalabas namin ng pintuan ay bumungad samin ang isang van mukhang ito ang sasakyan namin papunta kila tita, mabilis na lumapit si papa samin at ngumiti.

"Pasok na kayo mahaba ang byahe" nakangiti nitong sabi mabilis na tumakbo ang kapatid ko sa pintuan ng van at binuksan ito

Naamoy ko ang pabango nito kaya napatakip ako sa bibig ko hindi naman sa maarte ako ah pero sa totoo lang ayuko talaga sumakay sa mga van dahil nga nahihilo ako bukod dun hindi ko mapigilan sarili ko at susuka

"Pasok na Lesley" tinulak ako ni mama kaya mabilis akong pumasok at nag hanap ng pwesto nakahanap ako ng pwesto sa tabi ng bintana pwede kong isandig ang ulo ko

Mabilis ding pinaandar ni papa ang van kagaya nga ng sabi nya kanina matagal ang byahe papunta kila tita ewan ko nga ba dito kay mama pwede namang mag pasko sa bahay sa ibang bahay pa talaga gusto

Mabilis kong kinapa ang bursa ng hoodie jacket ko at kinuha ang ear pods at sinaksak ito sa tenga ko bago pumikit

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako

"Uy ate gising na dito na tayo" pag gising ni Leon sakin hindi ko napansin dahil siguro sa tagal kong nakatulog mabilis kong tinanggal ang ear pods ko at tumayo dala ang bag ko

Lumabas ako at chineck ang oras sa phone ko

Shit 10 na? ganun ka tagal ako natulog?

Mabilis na lumapit si tita sakin at niyakap ako

"Ang laki na ni Lesley parang noon baby pa" nakangiti nitong sabi bago hawakan ang buhok ko, nginitian ko lang siya

Noon kasi nung wala pa siyang asawa, ako yung baby nya lagi akong may bagong gamit sakanya. pero now a days na nakapag asawa na siya at nagkaanak ay hindi na baby ang turing nya sakin

Sabagay ikaw kaya 17 na tas baby parin turing sayo?

"Kaya nga, baka may boyfriend na yan ah?" nakangiti ding tanong ni lola mabilis akong lumapit at niyakap sya

Na miss ko sila, minsan lang kasi kami umuwi dito kila tita eh pero sabi ni mama sakin noon nung bata pa daw ako dito daw kami nakatira pero nung nag aral na daw ako ng elementary ay lumipat na kami

"W-wala po" nauutal kong sabi, sa daming pwedeng itanong yun pa talaga?

Nginitian lang nila ako bago hilain papasok ng bahay bumungad sakin ang mukha ng pinsan kong mataray na hindi makakila ng kamag anak

"Chloe si Lesley oh" tinuro ako ni tita Lorna pero inirapan lang ako

Mataray ka mas mataray ako heh!

Tinalikuran nya ako, akward naman na ngumiti si tita sakin

"Hayss pag pasensyahan mo na yang pinsan mo na yan laging ganyan" nakangiting sabi ni tita mabilis naman akong tumango

LOVING YOU IS MY DREAM Where stories live. Discover now