Kabanata 2
ALONE
MAKALIPAS ang tatlong araw, paulit-ulit lang ang nangyari saamin, dahil pag katapos kumain ay dumi-diretso na sila sa mga kanilang trabaho. Habang ako naman ay bumabalik na sa kwarto. Tapos si Matilda naman ay hindi na nag pakita saakin simula nung pumunta kami sa buko.
Binuksan ko ang bintana ng kwarto ko at nakita ko ang ilang trabahador ni Lola na abala sa kanilang trabaho. Bukas rin ang uwi ni Mommy at mga kapatid ko.
Napatingin ako sa pinto ng may kumatok kaya agad akong lumapit para buksan ito. Nakita ko si Lola Soleil at tumingin siya sa akin habang nakangiti.
"Ayus ka lang ba Criselda? Hindi ka daw kumain ngayon sabi ni Manang Sunita." Sabi niya pero nanatili akong tahimik. Hindi pa rin ako makaget-over sa nangyari noong isang araw. Gusto kong sabihin kay Lola pero wala akong makukuhang sagot sa kanya. Dahil halos nagtanong ako sa lahat ng katulong tungkol don pero hindi man lang ako nakakuha ng maayos na sagot.
"Wala lang po akong gana Lola." Tipid kong sagot. Pero hindi ko pa rin siya nakumbinsi.
"Ma'am andiyan na po si Manong Patsing." Napatingin kaming dalawa ng biglang sumulpot si Matilda sa likod ni Lola.
Nagkatinginan kami pero siya ang unang umiwas. "I'm leaving, titignan ko lang ang mga tanim natin." Sabi ni Lola at tumango naman ako.
Nang makaalis si Lola ay sinigurado kong wala na siya at mabilis na sinundan si Matilda. "Matilda!!" Pagkatawag ko at agad siyang lumingon.
"Where did you go? I didn't see you yesterday." I said.
"Umuwi lang ako." Tipid niyang sagot.
"Pupunta ka ba sainyo ngayon?" Tanong ko dahil napansin kong may hawak siyang maliit na sobre.
"Oo! How did you know?" Bigla niyang tanong pero napangiti lang ako. Mabilis pala siyang mahuli.
"I'll come with you." Nakangiting sabi ko kaya nagulat ang mukha niya. Naiinip na kasi ako dito sa bahay gusto ko ng sariwang hangin at gusto ko rin makita ang bahay ni Matilda.
"Per-baka hindi ka payagan ni Mamita." Nag-aalala niyang sabi.
"Tawagan mo siya." Mabilis kong sagot.
"Tara na!! Isama mo ako, I'm planning to have a picnic pag kagaling sainyo." Masayang sabi ko pero hindi maipinta ang mukha niya.
Hindi ko na hinintay ang sagot niya, nagmadali na lang akong pumunta sa kusina, buti na lang naabutan ko si Manang Sunita.
"Do you have any use here? I'm just going to have a picnic with Matilda." Tanong ko pero agad siyang nataranta.
"Pinayagan ka ba ni Madam?" Walang emosyong tanong niya.
"Manang, pwede bang sabihin mo nalang sakanya kapag hinanap niya ako? Tapos tatawagan naman siya ni Matilda." Sagot ko. Pero nagdadalawang isip pa siya kung gagawin niya ba o hindi.
"Oh! Sige kukuha lang ako." Sabi niya at iniwan ako sa kusina. Naghanap ako ng basket na paglalagyan ng pagkain. Hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko naman kaagad.
Binuksan ko ang fridge, at puno ito ng mga prutas kaya agad ko itong nilagay sa basket. May nakita din akong kalahating cake kaya palihim ko itong binalot. Naghanap ako ng chips sa pantry nagulat ako dahil maraming pagkain dito.
"Ito na maa-." Nagulat siya sa basket na halos mapuno na ang mga nakalagay sa table. Kong ano ano lang kasi ang pinag kuluha ko.
"Nako! Ma'am ipagluluto na lang kita ng ulam at kanin masama yan kong, puro junk foods." Saad niya pero itinaas ko ang kamay ko. Pahiwatig na wag na.
YOU ARE READING
We Meet Again My Love
RomancePaano kung mawala lahat ng alaala ng taong mahal mo? Ano ang gagawin mo? Mamahalin mo pa rin ba siya? Kahit alaala pa niya ang kalaban mo? Iyan ang kuwento ni Criselda, ang pangalawang anak ng pamilya De Guzman na may-ari ng ari-arian sa lungsod ng...