KABANATA 1

23 3 0
                                    

Kabanata 1

SILAY

PAGLABAS ko ng airport, tumambad agad sa akin ang simoy ng hangin, pati na rin ang ingay ng mga tao. Kakauwi ko lang galing America at mahigit walong taon na akong nawala. Ang totoo niyan umuwi lang ako dahil birthday ni lola.

Habang naghihintay ako ng sundo ko, kinuha ko muna yung airpods sa bag at agad na nilagay sa tenga ko.

Makalipas ang tatlong minuto, huminto ang isang itim na kotse. Pagkababa ng driver ay agad siyang lumapit sa akin. Mabilis niyang kinuha ang bagahe ko. Papasok na sana ako sa loob ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello Daddy, I'm on my way." Sagot ko at agad na sinara ang pinto ng sasakyan.

"Be careful." He answered on the other line and immediately hung up.

"Kamusta ang flight ma'am?" Napatingin ako sa driver nung tinanong niya ako.

"Ayus lang ho."

"Ang laki na nang pinagbago ninyo, dati lang ang liit nyo pa." Humagikgik ang driver at agad na pinaandar ang makina ng sasakyan. Pero hindi ko na siya sinagot.

Habang tinatahak namin papunta sa bahay, hindi ko maiwasang tumingin sa paligid. Ang layo pala ng pag kakaiba sa America. Ang probinsya kaya ano rin ang itshura.

Pagdating namin, tanaw kaagad ang taas ng bahay namin dito sa Philipinas. Nalungkot ako dahil halos lahat kami sa america na nakatira. Kung masusunod lang ako, kaya kong tirhan ito mag isa. Napag-usapan na ng mga kapatid ko na ibenta ito pero ayaw naman ni Mommy at Daddy.

"Welcome Back!!!" Halos lumundag ang puso ko sa gulat. Nang lumapit sa akin ang tatlong maid. May bitbit silang mga lobo, cake at banner na may nakasulat na Welcome back Ganda.

"Thank you." Ngumiti ako sa kanila.

Pagkatapos ko silang tignan isa-isa. Tumingin ako sa maikli ang buhok na maganda, pero parang hindi marunong mag-ayus sa sarili. Siya yung may hawak ng balloon. Ito namang isa may pagka masungit ang style. Siya naman ang may hawak ng cake. At ang huli ay halata sa kanya na siya ang pinakabata sa grupo. Siya naman ang may hawak ng banner.

"Hi!. I'm Eloise by the way." Bati sa akin ng maikling buhok.

"Ang ganda mo talaga sa personal." Banat naman ng pinakabata sakanila.

"I'm also Claire, and she's Camilla." Dagdag niya. Sabay Itinuro ang mahabang buhok na babae sa tabi niya.

"Ano ang skincare mo? Share mo na-" naputol na sabi ni Camilla dahil biglang may sumulpot, napatingin kaming lahat sa matandang babae. Hindi ako nakapag salita dahil sa over kung magre-react itong tatlo.

"Kayo, wala pa ba kayong planong papasukin si Criselda?" Masungit na sabi nito kaya agad namang nagtakbuhan ang tatlo.

"Good Morning." I greeted and he smiled at me.

"Good morning to, hinihintay ka na ni Sir Ronald, ako na bahala sa mga dala nin-."

"Yes we are!!" Nagulat ang matanda sa biglang pagsulpot nung tatlo. Mabilis nilang kinuha yung maleta ko.

"Pe-." Sisigaw na sana ako pero hindi ko na sila nakita.

"Hayaan mo na lang sila, trabaho nila yun." Pilit siyang ngumiti at dinala na ako sa hapag kainan. Nalaman ko kasing may pinahanda pala silang salo, salo.

I saw Daddy sitting and there was a lot of food on the table.

"Bakit ang dami mong pinaluto, Daddy?" Sabi ko at umupo sa tabi niya. Kaming dalawa lang ang nandito dahil gaya nga ng sabi ko. Halos doon na kami nakatira sa America. Since I was 16 years old. Pero kahit kilan hindi namin nakalimutan ang wikang Filipino.

We Meet Again My LoveWhere stories live. Discover now