02 | friend request

1 0 0
                                    





Nakahiga na'ko sa kama ko at naka-cellphone. Nag-s-scroll sa pinterest ng mga drawing references.

Habang dinadamdam parin ang sakit ng mga daliri ko nang kakakuskos ng oil pastel.

Sana talaga hindi agad ako naghugas ng kamay. Ayan tuloy, parang may tumutusok-tusok sa daliri ko.

Maya't-maya nagnotifications sa facebook ng new friend request kaya tiningnan ko agad 'yun.

'Gabriel Alonzo has sent you a friend request.'

"Huh..." Agad 'kong nag-open ng profile picture niya pero ang picture lalaking natatabunan ng digital camera ang mukha.

Nag-check ako sa photos niya at bakita 'kong ang lalaki lng nag-p-picture kanina sa akin pala to.

In-accept ko agad ang request niya at pinatay ang cellphone.

Pumunta ako sa desk ko at nagsimulang mag-practice sa pag-s-sketch ng kamay.

Sa mata ng mga classmates ko magaling na'kong mag-drawing, pero mas magaling pa akong magkulay kesa mag-drawing kaya nag-p-practice ako.

'Ding!'

Nag-notifications ulot ang phone ko kaya tiningnan ko. Si Gabriel pala, nag-message sa messenger ko.

Gabriel Alonzo
*sent a photo
*sent a photo
*sent a photo
*sent a photo
*sent a photo

Tiningnan ko iyon at mga photos ko pala habang nag-d-drawing ako.

Napangiti ako at namula ang mga pisngi ko.

Apple Magalona
thank u :>


Bumalik na ako sa pag-d-drawing pagkatapos masave ang pictures na kuha niya sa akin.

Nagsimula akong magsektch na kamay habang ginagawang reference ang sarili 'kong kamay.

Pagkatapos ay nagsimula ako ulit pero hindi na gumagamit ng reference kundi sa mula sa memory ko.

Pagkatingin ko sa gawa ko parang nag-improve naman kaya tumigil na muna ako sa mga kamay at nag-try naman mag-drawing ng mga mukha.

Hirap na hirap talaga ako sa pagdrawing ng mukha, mas magaling pa'ko kung hayop ang sine-sketch ko kesa sa tao.

Ilang ulit akong nag-erase at nag-erase hanggang sa mapagod na ako at napagdesisyunang tumigil na.

Baka bukas mag-i-improve na ako, matutulog nalang ako muna.

Habang nakahiga na'ko nag-s-scroll muna ako sa facebook.

'Stalk ko ba siya?'

"Eh." Wala namang mawawala sakin kaya hinanap ko ang profile niya at nagscroll sa timeline niya.

All about photography lang naman ang laman ng timeline niya, paminsan-minsan mga shared post ma nakakatuwa.

Nalaman ko 'rin na may facebook page pala siya sa photography at nagpapabook siya sa mga kakilala pag may occasion.

Sa kaka-scroll ko, nakaabot na ako sa profile picture niya.

Black and white filter tapos nakatayp siya habang tinatakpan niya ang mukha niya gamit ang digital camera.

Mag-s-scroll na sana ako mg aksidente 'kong na like ang profile picture.

"Ay gago." Dali-dali 'kong binawi ang like pero napaisip ako na baka manotif sa kanya na naglike ako pero binawi 'ko.

Kaya ginawang 'ko nalang heart react ang like at pinatay ang cellphone.

Napatanga ako sa kisame at dali-daling tinakip ang unan sa bibig 'ko at sumigaw. Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong magnotifications.

Gabriel Alonzo
K

ita ko yun HAHAHHA


'Magmumukha na 'kong stalker nito...'





Apple of My EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon