A/N
Hi, everyone! I want to share with you my new one-shot story, entitled "Secretly Into You".
Trivia: This is the story of Wesley and Shaira that I haven't finished yet. Since, I am curious about them, I decided to write their story in one-shot. 😊
Let us all find out their secret feelings for each other. 🫶
I hope you will like this short story of mine. :)
~~
Hindi ako mapakali, kanina pa akong paikot-ikot dito sa higaan ko. I'm just thinking about the awkward incidents earlier with Wesley inside their locker room.
Kainis naman kasi si Wesley! Bakit ba naman kasi pumayag akong hintayin ko siya sa loob ng varsity locker room?
Mabuti na lang at kaming dalawa lang ang naroon sa loob at wala 'yong mga teammates niya. Kung hindi, malamang ay panay na ang pagtukso nila sa'min.
Infairness naman, ang kisig, at ang macho ng kaibigang kong loko-loko na 'yon ah!
Si John Wesley Gomez, Wes kung tawagin ko, he came from a rich family. Tatlo silang magkakapatid, at siya ang bunso sa kanila while I'm the only child. Nakilala ko si Wesley since first year high school kami, naging magkaklase kami noon, until now na nag-college na kami.
May iilang subjects pa rin naman na classmates kami dahilan para mas maging close pa kaming dalawa sa isa't isa. Hindi ba naman ako tinatantanan sa pangungulit; hanggang sa nasanay na rin akong palagi siyang kasama. Para bang kulang ang isang araw namin kapag hindi kami magkasama.
He's a BSA Management, a famous team captain ng varsity nila while, I'm just a simple girl. BSEd naman ang course na kinukuha ko. Mabait ang family ni Wes, palagi nga akong nasa kanila, kahit wala namang okasyon.
Basta kapag naisipan niya akong sunduin dito sa bahay ay gagawin nya. Actually, sobrang bait ng kaibigan kong 'yon. Supportive, caring, protective at malambing, but still single as me.
Ayaw niya raw mag-girlfriend dahil mawawalan daw siya ng time na guluhin ang buhay ko kung magkakaroon siya ng girlfriend.
Napakasiraulo di'ba?
Speaking of that devil, nag-message siya sa akin.
From: Wes
Shy? Shy? Shyyy?
Oa sa name ko ah.
To: Wes
Oh, bakit na naman WesWesWes?
Agad ko naman na reply sa kaniya at wala pang one-minute nakapag-reply na agad ang loko.
From Wes: Wala lang. Would you mind having some movie marathon?
To: Wes
Hindi ka ba pagod? Maghapon kayong nag-practice kanina ah!
From: Wes
Kaya nga gusto ko manood ng movie to take rest and pampatulog lang.
To: Wes
Edi manood ka riyan sa inyo! Tapos matulog ka!
Mataray kong reply sa kaniya saka inilapag ang cellphone ko. Totoo naman kasi, bakit hindi siya manood mag-isa ng movie at matulog di'ba? Abnormal talaga tong kaibigan ko. Imbes na ipahinga niya na ang sarili niya, nakuha pang mag-aya na mag-movie marathon. After a minute muling nag-vibrate ang phone ko.
YOU ARE READING
Secretly Into You (One-Shot Story) ✓
Historia CortaWesley and Shaira have been best friends since their first year of high school. They are best friends who have mutual feelings however, they do not confess to each other. They are both in love with each other but they are afraid of ruining their fri...