1 Kabanata

62 1 0
                                    

Sabi nila malamig dito sa Baguio. Oo, tama sila, iba ang lamig dito. Refreshing sabi nila. Pero para sakin sagad sa buto. Iba sa pakiramdam, parang nag yeyelo. Siguro... Maari sa dahilang sanay ako sa mainit na klima. Iyong mainit ngunit masarap na hangin galing dagat. Iyong maliwanag at maasul na langit, mga mapuputing ulap na parang bulak sa himpapawid.

Na mimiss ko iyon. Ang forever summer sa Ilocos. Oo, factually hindi naman forever ang summer dun. May tag-ulan din. Ngunit, sa haba ng isang taon... ang tag-araw sa Ilocos ay parang walang katapusan. Maliwanag. Masaya. Puno ng tawa.

Kakalipat lang namin dito sa Baguio. Hindi sa literal na siyudad na iyon, siguro nasanay nalang ako na tawaging Baguio gaya ng iba. Pero malapit lang, isang sakay... doon kasi ako nag aaral sa isang private school sa Baguio ngunit hindi kami dun nakatira. Ako at si mama, dito sa may La Trinidad, malayo sa kabihasnan. Malawak na compound ang aming tintutuluyan. Isa sa malalaki ngunit lumang bahay na nakakalat dito sa ilang ektaryang lupa na pag mamayari daw ni Don Soriano. 'Di ko siya kilala, yun lang ang sabi ni mama. Tahimik ang mga kapit bahay namin, may sari-sarili silang buhay. Minsan, just a polite hello and goodbye lang ang usapan.

Ang mga pine trees dito, hindi ko mabilang. Feeling ko tuloy nasa Amerika ako. Mga ilang hakbang pa sa may likod bahay namin, maari ng masabing isang kakahuyan ng pine trees. Minsan gumagala ako dun, pero hindi sa malayo. Masarap lang ang pakiramdam na nasa gitna ka ng kawalan. Ang views dito, talaga namang nakaka-pigil hininga: endless blue mountains, and trees and deep slopes. Ang sarap lang nilang titigan, lalo na during sunrise.

Pero maliban sa malawak na lupa at magandang tanawin, wala na akong nagustuhan sa lugar na ito. Ayaw ko ng malamig. Ayaw ko ng madilim. At pinaka ayaw ko kapag umuulan. Hindi ko alam kung bakit, basta ang alam ko may masamang nangyayari tuwing umuulan.

Kalimitan sa hindi, ang makakapal na hamog ay tinatakpan ang araw. Nagiging malungkot ang kalangitan lalo na't nasasabayan ito ng pagpatak ng malamig na tubig ulan.

Ang bahay namin; malaki, luma, maraming kwarto. Kami lang ni mama dito, minsan nakaka-bingi ang katahimikan, pero parating nakakabaliw ang kalungkutan.

Si mama, busy siya sa real estate work niya. Si papa... si papa may sarili ng pamilya.

Palaging busy si mama. Nagmamadali umalis sa umaga, late na dumating pag gabi. Minsan masaya ang freedom na natatamasa ko sa ganung sitwasyon, pero kalimitan... kalimitan malungkot.

Ngaung sumapit na ang 'ber' months, mas lalong lumamig dito sa Benguet. Benguet nalang, kasi iyon naman talaga ang tawag sa probinsya, hindi Baguio. Ang mga ulap halos humalik na sa lupal; ang makapal na hamog na iyon ay nakaka labo sa paningin, tipong hindi mo na makita ang nasa iyong harap hanggang isang metro nalang ang layo sayo. Parang horror movies lang ang setting. Yung mga pelikulang kathang isip tungkol sa mga aswang, bampira, multo at kung anu anung lamang lupa. Sa akin, ang lamang lupa lang na alam ko ay patatas, karots, sibuyas at iba pa. Hindi mga nilalang na mahilig paniwalaan at pagpantasyahan ng iba, lalo na ng mga babae.

Kung sabagay iyon naman ang kumakalat ngayon sa iskul. Mga nobelang foreigner tulad ng Twilight , Illuminate, Beautiful Creatures at kung anu anu pang paranormal genre basta may romance. At dahil sa mga iyon, mga kabataang babae ngayon nangangarap ng nobyong bampira, anghel, demonyo, wizard, lycans at kung anu anu pa. Marami ang napapaniwala sa supernatural world na nag-eexist outside the human knowledge. Sa mga adventures or rather, misadventures they can do with their supernatural lover. Mga weirdong tao. Hanggang panaginip lang nila mararanasan yun.

Forever and EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon