Chapter 10: Kanto Words

11 0 0
                                    

"What?!! Nahihibang ka na ba?" Lumaki ng husto ang mga mata ko sa sinabi nya. Umiling-iling pa ako.

"Oh, why not naman diba?"
Bumuntong hininga ako.
"Sira. Amo natin yun Aira. AMO."
Talagang diniinan ko pa yung salitang amo.
"Eh ano ngayon?"
Napailing nalang ako. "Aira, yun nga yun eh. Amo natin sya kaya dapat, may distansya. Besides, we're not close and he is very strict."

"Wooooh!! Nosebleed alo sa english mo teh! Pak na pak!!" Naguluhan ako sa sinabi nya. "Wala namang dugo jan da ilong mo ah."

Humagalpak na sya sa kakatawa. "Haynako. Dapat siguro kitang itrain."
Ngumiti sya ng matamis sakin.
"Itrain ng alin?"
"Well, tawagin natin syang 'Kanto Words Training'. Napansin ko kasi na marami kang hindi alam na kanto words."

Naguguluhan na naman ako. "Ano yung kanto words? Yun ba yung mga pangalan ng mga street? Like Bonifacio street? Kailangan pa ba yun?"
Ngumiti na naman sya sakin.
"Tsk tsk tsk. Kailangan mo ito. Trust me. Heheheheh"

"Sige na nga. Ikaw ang bahala. Pero wait lang, paano tong phone?"

"I-discover nalang natin."
"O-okay."
~~

"Boplaks. Ang meaning nito ay tanga o bobo."
"Makati. Meaning malandi."

Oh my gosh. Di ko na kaya. "Wait.. Stop. Please kanina pa tayo nagtre-training. Halos bente na yung mga nasabi mo sakin. Naloloka na ako."

"Improving! Woah. Naloloka. Hahaha. Talino mo. Nagets mo na yung naloloka. Cge, cge. Ops muna tayo. Baka puno na yang utak mo."
Tumawa kaming dalawa at nag-apir.

The Hidden PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon