chapter 4

136 4 1
                                    

a/n: happy 500+reads

pls read my author's note sa baba.. ^__^

Cathy's POV

Dahan dahan nang bumababa yung eroplano. Ngayon, ang proproblemahin ko na lang ay kung paano lumabas dito sa eroplanong ito nang hindi makikita ng mga ibang tao.

Tsk... Mga readers na nga lang ang bahala mag-isip kung paano ako makakatakas dito...

FAST FORWARD

Yahoo!!!! Nakatakas rin sa wakas!

Wag kayo!! ANg hirap kayang tumakas dun noh!!! Biruin mo, napakahigpit ng security sa airbase na yun!! syempre, pag-aari namin yun eh... Buti na lang talaga at magalin akong umakyat... May lahi ba akong unggoy?? Pwa!! kadiri naman yun...

Anyways highways, kasalukuyan na akong naglalakad to God's know where... Halos isang oras na nga akong naglalakad eh. Pagod na pagod na ako isama mo pa itong napakabigat kong gown.

After 12345 hours, MAY NAKITA AKONG BAHAY!!! Yeheyyy... Tnx Lord... Dali daling akong lumapit sa bahay na iyon at kumatok.. At salamat naman kasi pinagbuksan ako ng pinto... Lumabas yung isang ale sa bahay at tinanong ako kung ano daw ang kailangan ko at sino daw ako.. Mukang nagtataka rin itong aleng ito dahil sa suot kong gown...

"Pwede po bang magtanong?" sabi ko.. "Ano iyon ineng?" sagot nung ale... "Uhmm, saan ho ba dito yung bayan? Naliligaw po kasi ako eh tsaka hindi po ako pamilyar sa lugar na ito. Kaya kung maaari ho sana ay ituro niyo saakin yung daan papuntang bayan," pakiusap ko.

"Ay ganun ba? Sasamahan na lang kita baka kasi mas maligaw ka pa kung hahayaan lang kitang maglakad mag-isa," sabi nya saakin. "Naku, maraming salamat ho." sabi ko naman. "Osige, tayo na." sabi ng ale.

Habang naglalakad kami biglang nagsalita yung ale. "Iha ano nga ba ang pangalan mo at bakit ka napunta dito."

"Ah.. eh.." naku ano bang isasagot ko eh alangan naman na sabihin kong tumakas ako sa palasyo namin. "Ako nga po pala si uhm... Catherine Zach-Zacharias.. tama yun nga!! yun po yung pangalan ko." tsk naku naman kinakabahan ako. "Tsaka, napadpad po ako rito kasi, nag-ca-camping po kami kaso naligaw ako." ang tanga mo cathy.. what a lame excuse... Sa tingin mo maniniwala sayo yang aleng yan eh meron bang nag-ca-camping na naka-gown.. tsk... tsk... tsk...

"Ahh.. Ganun ba yun?" sabi nya...

"Oho." sabi ko naman. Inabot kami ng halos 30 mins sa paglalakad bago kami napunta sa bayan. Pinagtitinginan ako ng mga tao. Siguro nagtataka sila kung bakit ako naka gown. Kainis naman oh!! Ayoko pa namang nagiging center of attraction.

Biglang tumigil sa paglalakad yun ale tapos kinausap nya ako. "Naku Iha, hanggang dito na lang ako ha. Tsaka magpalit ka muna ng damit kasi pinagtitinginan ka na ng mga tao sa paligid oh."

"Ah eh. Wala ho akong damit eh." sabi ko.

"Ganun ba? Sige ibibilhan na lang kita. Mukang kawawa ka kasi eh. Halika na. Bumili na tayo ng damit." sabi nya sa akin.

"Thank you po. Ang bait bait nyo po. Maraming salamat.. Ano nga po pala ang pangalan nyo?" tanong ko.

"Eva. Eva ang pangalan ko."

"Maraming salamat po aling Eva!" tuwang tuwang sabi ko.

"Walang anuman iyon iha. Halika na nga. Bumili na tayo ng damit mo."

"Sige po!"

Binilhan ako ni aling Eva ng limang tshirt at limang jeans tapos mga underwares. First time kong magsuot ng ganito. Nung una, medyo hindi pa ako sanay kasi nga puro gown ang damit ko. Pakiramdam ko nga eh sobrang gaan na ng katawan ko kasi wala na yung napakabigat kong gown. Ipinalagay ko na lang yung iba kong mga damit kasama na yung gown sa isang malaking paper bag na matibay.

Tinanong ko na rin si aling Eva kung saan pwedeng magtrabaho at sinabi nya sakin na naghahanap daw ng personal assistant yung dati nyang amo. Binigay nya sa akin yun address tsaka binigyan nya na rin ako ng pera. Napansin kong madaming mga computer shops at cellphones dito. Mga bagay na minsan ko lang nahawakan sa buong buhay ko. Ramdam na ramdam ko ang freedom sa lugar na ito.

Habang nagtatanong-tanong ako kung nasaan yung address na binigay sa akin ni aling Eva may limang lasing na lalaki ang humarang sa akin.

"Hi miss. Ang ganda mo naman." sabi nung mataba.

"hehe. salamat po." sabi ko. "Uhm.. Alam nyo ho ba kung saan ito?" tanong ko tapos ipinakit ko sa kanila yung papel na naglalaman ng address. Sinauli naman yun sa akin kaagad.

"Ah.. Dyan ba ang punta mo miss? Sa dulo ng kabilang kanto pa yan miss. Yung pinaka malaking bahay yan." sabi naman nung lalaking parang kalansay.

"Ah eh... sige po, salamat." sabi ko

"Naku miss.. Hindi kami basta basta nagpapadaan dito ng mga babae.. Dapat, sabayan mo muna kami sa pag-inom." sabi na naman ni tabachoy.

"Sorry po ha. Hindi po kasi ako umiinom. Sige po mauna na ko." kinakabahan na ako. Kapag ginalaw ng mga lalaking ito kahit dulo ng daliri ko, makakatikim sila sa akin. Hmm.. Black belter yata ako. Tsaka magaling yung nagturo sa akin ng ganun!!

"Miss, wag ka nang pakipot." sabi ni babalu.. Ang haba kasi ng baba eh.

"oo nga miss." sabi naman ni kuya unggoy.

"Kuya hindi po talaga ako umiinom tsaka nagmamadali po ako." sabi ko

"Wag ka na ngang makulit miss!! Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa amin!!" sabi nung pandak sabay hila aa kamay ko. Ang kapal naman ng muka nitong panadak na ito!! I swear!! Babaliin ko ang mga buto ng mga ulol na ito!!

"Ayaw sabi eh!!" sigaw ko sa kanila at pilit na tinatanggal ang pagkaka-grip ng lalaki sa kamay ko. And fortunately, natanggal ko naman. Kaso, hinawakan naman ng iba pang mga kasamahan nya ang dalawang braso ko kaya mabilis ko naman silang tinulak. Susuntukin ko na sana sila kaso, bigla na lang may dumating na lalaki na sakay ng isang motor bike at mabilis na pinataob ang mga lalaking nang gugulo sa akin.

"Alam mo miss, wag na wag kang papasok sa isang gulo. Tingnan mo, nadamay pa ako." tsaka ko lang napansin ang dugo sa gilid ng labi nya at gwapo tong isang to ah.. Pero teka, anong sabi nya?!!

"Hoy mister!! First of all. Hindi kita dinamay aa gulo ko and secondly kayang kaya ko silang pataubin kahit wala ka and lastly, dont you dare to shout at me coz never in my entire life na sinigawan ako. Ikaw lang!!" sigaw ko sa kanya. Hah!! ang kapal ng muka ng lalaking ito ah!! Sigaw sigawan ba ako!!

"tss..." sabi nya lang sabay walk out at sumakay ulit sa motorcycle nya at mabilis na pinaandar yun.

Bwisit ang lalaking yun ah!!

Makapaglakad na nga lang ..  Aaarrggghh!!

***

Finally!! nakita ko na rin yung bahay, I mean mansion pala.  Infairness, ang ganda ng mansion but mas malaki at mas maganda parin yung palace ko sa faraway land.

Nag-doorbell ako tapos biglang may nagsalita sa intercom na nasa gate. "Ano po ang kailangan nyo?"

"Mag-aaply po sana ako bilang PERSONAL ASSISTANT." ^__^

'''''***

a/n: sorry for the late update..

bale, dito po talaga mag-i-start ung kwento. One thing is for sure, slow update po ito. Dont expect too much.. Madami po kasi akong responsibilities na kailangan kong gampanan and that makes me busy. I really need to focus on my studies. So please bear with me.

I hope u guys will still support this story.  And please do votes and comments.

disfrutar de la lectura

The Hidden PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon