CHAPTER ONE

1 0 0
                                    

Chapter 01 : Wanna Have Fun?

VIDA'S POINT OF VIEW;

Duty hours are done. We're currently here at Olympia, a newly opened bar. As a matter of fact ngayon ang mismong opening kaya ang raming tao. Nagyaya naman 'tong si Sylvia, one of my best friends. Birthday niya kasi, at gusto niya raw i-celebrate ang birthday niya with us, in this bar. Nagkataong friday night naman, gusto rin raw nila akong makabonding. Masyado raw kasi akong focus sa trabaho at 'di na nakakapag party with them. Sabi ko naman, siyempre kailangan kong mag focus dahil buhay ang nakasalalay sa trabaho as a doctor. Pero ang mga bruha, nagdrama. Kaya ang ending, pumayag na 'ko at natangay nga nila ako papunta dito sa bar.

Nakaka-bitter nga e. Pa'no ba naman kasi, ang sabi girls night out. Pero nangyari, ako ang na left out. With escort ba naman kasi ang gaga. Gusto raw kasing sumama ang mga asawa at mga jowa nila kaya, dahil baka raw kasi masobrahan sila ng inom. Kaya wala na silang ibang nagawa at sinama nalang raw nila. Kaloka! E'di sila na ang may partner at ako na ang wala.

Bored naman kong umiinom ng alak sa may gilid na parang may sariling mundo. While busy ang mga best friend ko sa pakikipaglandian sa mga partner nila. As in extreme PDA. Ang iba nakaupo na sa mga lap ng mga partner nila. 'Yong iba naman,  naglalaplapan na. Pabulong pa ngang nagbabanatan ng mga cheesy lines. Talagang nanindig ang mga balahibo ko sa katawan, 'yan lang kasi ang nagbubulungan kuno pero rinig na rinig ko naman ang usapan nila. I sighed for the third time. Kaya tinuon ko nalang ang atensyon ko sa pag inom.

" Ano ba naman 'yan beshie! Mag-enjoy ka naman! 'Di ka naman KJ no'ng college days natin ah. As a matter of fact, ikaw pa nga ang nangunguna pagdating sa pag party e. Ni 'di nga mabilang ang mga naging fling mo dati e. But look at you now, sinong mag aakalang dati kang certified playgirl at party girl. " May panunuksong tunong ani naman ng kaibigan kong si Milan. Habang nakakandong sa asawa nitong si Evan na busy sa paghalik sa leeg niya. Like seriously? My Gosh!

" Mi naman, that was few years ago

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dare To Love You (temporary title)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon