3 ִִֶֶָָ࣪☾. narration

93 10 1
                                    

Z

ephanie Lynn

Ang malas naman ng araw na'to.

Pinatigil ko ang service ko at hinanap yung wallet ko na nahulog sa baha pero hindi ko na mahanap.

P0nyeta

Sumakay na ulit ako sa tricycle at tumingin sa kawalan.

Sayang yung two hundred pesos ko.

Pagkarating ko sa school ay hindi pa naman sarado ang gate atsaka abala ang guard sa kung ano man yon ay pumasok na'ko.

Habang dali-daling naglalakad paakyat sa third floor papunta ng classroom ay hinalungkat ko ang phone ko sa bulsa ng palda ngunit bigla ko itong nabitawan at bumagsak ito.

Susmaryosep!

Walang case ang phone ko today, Ano ba yan!

Napasapo na lang ako sa noo dahil sa kashungahan ko sa buhay.

Naglakad ulit ako pababa ngunit muntik pa'kong matapilok ng dahil sumobra ako ng two steps sa hagdan.

Parang gusto ko nalang ilibing ang sarili ko ng buhay!

Pagkakuha ko sa cellphone ay tinignan ko agad kung may sira ba at meron nga. May crack na malaki yung gilid ng phone at ang mismong screen.

Tinry kong i open pero hindi na mabuksan.

Gusto kong maiyak pero naalala ko na late na pala ako.

Save your tears for later na lang self.

No choice mukhang masesermonan nyan ako kay mama mamaya.

Kamalasan nga naman.

I Got A Wrong NumberWhere stories live. Discover now