Chapter Four

724 14 3
                                    

CHAPTER FOUR

UNTI-­UNTING hinihila si Katrina ng kanyang kamalayan. Ayaw pa niyang idilat ang mga mata, but somehow ay aware pa rin siya sa malakas na buhos ng ulan sa labas. Gayundin sa pakiramdam na parang may mabigat siyang dala-­dala. At bakit parang ang balikat niya ay nag-­iinit gayong kay lamig ng panahon? Bigla ang pagmulat niya ng mga mata, at dahil sa matinding pagkagulat ay hindi niya nakuhang makakilos. Para siyang batong itinulos sa kinalalagyan. Pinanlakihan siya ng mga mata, hindi makapaniwala sa nakikita. Nakadagan sa kanya ang lalaki at pinagsasawaang halikan ang isa niyang balikat mula sa lumaylay niyang damit pang-­itaas. Ang hudyo ay manyakis pala! Hinintay lang pala siyang makatulog at saka siya ngayon lalapangin. Ang akala pa naman niya ay no-­pansin siya rito. Akala niya ay walang pakialam ang hudyo sa nangyayari sa mundo! Ano’t narito ngayon ang loko’t katabi niya? Literal na nakadagan sa kanya! How naive could she be to think na safe siya sa lalaking ito? May ibinubulong ito sa sarili. Hindi niya mawawaan kung ano. Parang wala ito sa sarili habang hinahagod ng dalawa nitong kamay ang buo niyang katawan.

Sindak na sindak siya. Nag-ipon siya ng lakas at ubod-­tinding itinulak ang lalaki. Hindi man lang natinag ang walanghiya. Umungol lamang ito. Ano pa nga ba ang lakas niya laban sa higanteng ito na mahigit na anim na talampakan, kompara sa kanyang limang talampakan at apat na pulgada lamang? Isipin pang kagigising pa lang niya at tila wala pa siyang kalakas-­lakas. Titili sana siya nang maging pangahas ang mga kamay ng lalaki, subalit bago niya nagawa iyon ay inangkin nito ang kanyang mga labi. Nalunod nang tuluyan ang kanyang tili sa loob ng bibig nito. Muli itong napaungol na parang lalong nagatungan ang pagnanasa. Walang nagawa ang dalaga. Tila siya isang daga na sukol na sukol. Kahit anong piglas niya, kahit anong panlalaban, ay para lang niyang dinaragdagan ang pananabik ng lalaki.

Nagsimulang gumapang ang mga kamay nito sa kanyang katawan. Hinahagod nito ang buong katawan niya, doon sa bahaging off limits pa up until this moment. Wala pang lalaking nagtangkang maglikot sa katawan niya tulad ng ginagawa ng hudyong ito. Ang hudyong ito na malayang ginagawa ang gustong gawin sa kanyang katawan! Nanlalaki ang mga mata niya sa sindak. Nagtutumutol ang isip niya. Gusto niyang sumigaw, pero walang tinig na makalabas mula sa kanyang bibig. Gusto niyang kumilos, pero para siyang estatwang napako sa kinalalagyan. Mayamaya ay kumibut-­kibot ang labi ng lalaki. May ibinubulong na naman ito. This time, malinaw niya iyong narinig.

“Lizbeth...oh, Lizbeth...! Akala ko ay hindi ka na babalik...akala ko ay tuluyan mo na akong iiwan...mahal na mahal kita, Lizbeth...huwag mo na akong iiwan muli, ha!”

Kumurap-­kurap ang dalaga. Hindi siya makapaniwala na napagkamalan pa siya ng hudyo! Napagkamalan siyang si Lizbeth! Kung sino man iyon na akala ng lalaki’y kaniig nito ngayon. Lalo na siyang hindi nakakilos nang naramdamang wala na siyang isa mang saplot sa katawan. She was totally naked, and so was the man. Kung paanong nagawa iyon ng lalaki ay sadyang kataka-­taka. Pero wala na siyang panahon to dwell on that thing. Muli niyang tinipon ang natitirang lakas para tadyakan ito, only to realize na naiipit na ng malalaking mga hita nito ang kanyang mga paa. Ang kanyang pagkasindak ay lalong nadagdagan nang maramdaman niya ang “ebidensya” ng pagnanasa nito. Shocked, hindi siya nakakilos. Naramdaman niyang parang namamanhid ang buo niyang katawan. Nagsimulang maglakbay ang mga labi ng lalaki sa kanyang pisngi, sa kanyang leeg, sa kanyang tainga, sa balikat pababa...kasabay ng mga paghaplos ng mga kamay nito sa katawan niya.

Pakiramdam ng dalaga ay hindi kanya ang sariling katawan. Para siyang nasa limbo. Naka-­detach ang isip sa katawan. Tumututol ang isip niya, pero hindi magawang kumilos ng kanyang katawan. Oh, my God! This can’t be true! Sana ay nananaginip lamang ako. Sana ay magising ako mula sa bangungot na ito! Subalit ang pag-­asam sa isip ay nanatiling sa isip lamang. Unti-­unti niyang naramdaman ang pagsalakay ng nakangingilong kirot sa kanyang kalamnan. This is not happening to me! He’s a total stranger...Ang huling nasa isip niya ay nang maramdaman niya ang matinding kirot na pumunit sa buo niyang pagkatao. Then total darkness.

Ikaw Ang Simula by Malou DomingoWhere stories live. Discover now