CHAPTER EIGHT
ABALA si Katrina sa mga pinipirmahang papeles nang umagang iyon. Bumukas ang pinto ng kanyang opisina at iniluwa niyon ang kanyang Kuya Leo.
“O, Kuya, naligaw ka yata.” Tumayo siya at yumakap sa nakatatandang kapatid.
“Sisiguruhin ko lang na dadalo ka sa party ko mamaya.” Masuyo nitong hinagod ang kanyang buhok.
“Ang kuya naman, siyempre pupunta ako. Puwede ba namang mawala ako roon? Maupo ka muna. Nagkape ka na ba?”
Parang walang narinig ang kanyang kuya.
“Mula nang bumalik ka ng Pilipinas, hindi ka na naglalabas. Zero ang social life mo. What happened, Katrina?” malumanay nitong tanong.
“I just don’t feel like socializing, that’s all. Our hands are full here, plus there’s always Miguel. He’s my life, and that’s enough for me.”
Tumaas ang kilay ng kanyang Kuya Leo. Alam niyang hindi ito kumbinsido.
“What about Benidick?” muling tanong ng kapatid.
“What about him?” ganting-tanong niya.
“He’s a good catch.”
Tumawa siya. “Really, Kuya Leo? As if kailangan pa natin ang isang ‘good catch’ na sinasabi mo.”
“Silly girl. You know what I mean. Benidick is a good man. A perfect man sa palagay ko.”
“He is, Kuya. Oh! I know that he is. Ang problema, hindi ko siya mapag-uukulan ng pagtinging hihigit pa sa isang kaibigan. Kung natuturuan lang ang puso at naididikta ang bawat damdamin at pagtibok nito, igigiya ko iyon sa direksyon ni Benidick.”
Pumikit siya upang hindi mapansin ng Kuya Leo niya ang pangingilid ng kanyang luha. Ang mukha ng lalaking itinitibok ng puso ang pilit sumisiksik sa isip niya.
“Tumawag nga pala si Noel,” pag-iiba nito ng paksa, “Humihingi ng paumanhin. May mga nakalinya raw siyang laro. Baka next month pa ang kanyang uwi. Binati naman ako.” May himig ng hinampo ang tinig ni Leo na biglang nagpalingon sa kanya.
“Are you bitter, Kuya? Sa paglayo ni Noel? May sarili siyang buhay. Ano’ng magagawa natin kung mas nakahiligan niya ang sports kaysa pagpapatakbo ng negosyo natin? Alam ko namang proud ka rin sa kapatid nating iyon.
“He’s making waves in Europe at marami na siyang napagwawagiang competitions. Anyway, you’ve proved your worth, too. Kina Mama at Papa. Lalo na kay Lola. Bago siya namatay, napatunayan mong kayang-kaya mong patakbuhin ang mga negosyo.
“Who could have thought na puwede ka palang maging business tycoon? You’re almost unscrupulous when it comes to business dealings. And a manipulator, too, sa mga kalaban.”
Hindi insulto iyon kundi paghanga sa tinig ni Katrina. Parang musika iyon sa pandinig ni Leo, at waring iyon lang ang hinihintay nito sa kanya.
Nasisiyahan itong ngumiti sa kanya. “Oh, sige, aalis na ako. Don’t forget mamaya, ha?”
Nakangiti ring tumango siya. Inihatid niya ang nakatatandang kapatid hanggang pinto.
“AKO NA ang magbubukas ng pinto, Sally. Baka si Benidick na iyan.”
Tumayo si Katrina mula sa stool na inuupuan nang marinig ang mahinang tunog ng door chime. Muli niyang tinapunan ng tingin ang sarili sa salamin. Naiiling siya sa nakikitang repleksyon ng sarili. Pagkuwa’y nagkibit-balikat.
Bahala na, bulong niya sa sarili. “Okay ka lang ba na nag-iisa ngayong gabi rito, Sally? Parang lahat yata ng tao ay na kina Kuya Leo. Pati si Miguel ay maagang sinundo ng driver ni kuya.”
![](https://img.wattpad.com/cover/370185191-288-k294086.jpg)
YOU ARE READING
Ikaw Ang Simula by Malou Domingo
Ficción GeneralIKAW ANG SIMULA by Malou Domingo Published by Precious Pages Corporation "Don't look at me that way. You drive me crazy." ©️Malou Domingo and Precious Pages Corporation